Kabanata 6

251 6 11
                                    

Kabanata 6

Secret Techinique

Halos magtagal ang tingin ko sa katawan niya. There are few droplets of water dripping down on his body. Halatang kakatapos lang maligo.

"Anong ginagawa mo rito?" I don't know if he sounds surprise or mad. 

"Wow..." sabi ko imbes na 'good morning' habang nakatingin sa katawan niya.

Mas lalong sumeryoso ang mukha niya. As I stood, he walked towards me. Ngayong malapit na siya sa akin, imbes sa mukha niya ako nakatingin, sa katawan niya ako tumititig!

"Sinong nagpapasok sa'yo?" he sound annoyed as he looked outside. 

Hindi ko siya pinakinggan dahil abala pa rin ako sa paninitig sa kanyang katawan. He has abs at sa tingin ko ay satisfying isundot ang daliri roon!

I think he got this kind of body since he's working in our hacienda and being a varsity player in volleyball. Alam ko ring tinutulungan niya ang mga magulang niya sa palengke sa pagtitinda ng mga isda. Nakita ko na siya roon bilang kargador.

"Nasa labas ang Mama mo kaya pinapasok ako. Nasaan ang Papa mo? I should greet him, too." 

Pumikit siya nang mariin at tumingin sa akin. Inangat ko ang tingin sa kanya. He smells so good! Parang gusto ko rin siyang amoy-amuyin!

Tinalikuran niya ako at sa tingin ko ay papunta sa kwarto. I followed him with a smile on my lips. When we entered a room, probably his room, he was surprised when he saw me. 

"Share ba kayong magkapatid dito o sa'yo lang 'to?" tanong ko habang nililibot ang tingin. 

"Huwag ka dito sa kwarto ko. Get out!"  

I looked at him again and my gaze went down to his body. I never thought I could see him like this! Ang perfect timing naman, oh! I can't help but smirk as I stare at his toned body.

Hinawakan niya ang papulsuhan ko kaya hindi ko nagawa ang binabalak na hawakan ang katawan niya. I met his intense and serious gaze. I smiled sweetly at him to show that I'm not affected. 

"Sabay na tayong pumunta sa eskwelahan. Gumising pa ako ng maaga para pumunta rito sa inyo." 

"I have my bicycle. Hindi tayo sabay na pupunta roon. Umalis ka na at mag-commute na lang." 

"Nagpabili ako ng bisikleta kina Mama at Papa. Kaya pwede na tayong sabay na pumunta sa eskwelahan." 

Hinawakan ko ang kanyang balikat. Pipisilin ko sana pero hinawakan niya ang papulsuhan ko para pigilan ako. Ang hard to get naman ng isang 'to.

"Magbihis ka na. Or do you want me to stay here inside your room and watch you wear your uniform?" nanunuya kong tanong. 

Sinamaan niya ako ng tingin. He held my shoulders then forcefully turned me to the door. Nang nailabas niya ako sa kwaro ay sinara niya ang pinto. 'Tsaka ako humagikhik dahil sa nangyari.

I stayed in their living area. Nasa veranda ng kanilang bahay si Rael at hawak ang cellphone. I wonder if he has a girlfriend. O baka may nililigawan. Tuwang-tuwa yata ang babae na iyon dahil may isang Iglesias na naghahabol sa kanya.

Tryice went out after a few minutes and he's now wearing his school uniform, looking fresh. Hawak niya ang kanyang bag at itim na sapatos. Tumayo ako at kinuha ang gamit nang sa tingin ko ay ready na siyang umalis.

"Are you ready? Let's go!"

He sighed then went out to wear his shoes. Lumabas na rin ako at sinuot ang sapatos. His mother came and looked at us.

While You're Falling (Haciendera Series #2)Where stories live. Discover now