Kabanata 25

308 9 0
                                    

Kabanata 25

Nickname

He left me speechless. Gusto ko sanang sagutin ang sinabi niya pero para saan pa? Ayoko nang ungkatin ang nakaraan. Kung may hinanakit man siya sa akin, ayoko nang marinig iyon.

Ilang minuto na akong naghihintay pero hindi pa rin siya dumadating. Saan ba niya dinala ang baka at natatagalan siya? I decided to walk away and return to our wooden house.

Bahala ka riyan. May ibang bagay ka pa palang gagawin at bakit mo pa tinanggap ang bagong responsibilidad? Hindi ko alam kung nagmamayabang ba o ano...

I sat on the wooden chair on the veranda of our house. May isang truck na pumasok sa hacienda namin at sa tingin ko ay para sa mga inani na mga buko iyon. I wonder where my father is.

Napatingin ako kay Papa na papalapit sa akin. Nakitaan ko ng pagtataka ang mukha niya nang makita ako rito.

"Jubel, where's Triyce? Tapos na kayo kaagad?" bungad niya.

"Hindi po. Umalis siya na dala ang baka natin na nasugatan."

"Oh? Alam ba niyang nandito ka? Huwag mong sabihin sa akin na umalis ka sa nang walang pasabi sa kanya?" tinaasan niya ako ng kilay.

Tumayo ako at nilapitan siya. Hinawakan ko ang braso niya. Kung kaya kong pilitin si Papa na itigil na ang kabaliwang ito ay gagawin ko. Ilang minuto pa lamang ang lumipas na kasama ko siya ay hindi ko na kaya, paano na kaya kung tumagal pa?

"Pa, can we stop this? You're putting us in an awkward situation. I know deep inside, he doesn't want to do this, too!"

"Paano mo nasabi? Sinabi niya sa'yo? Kung ayaw niya, edi sana ay agad niyang tinanggihan ang pabor namin. But he said yes so I think he really wanted to teach you."

I groaned. "Malamang ay hindi niya kayo tatanggihan dahil malaki ang utang na loob niya sa inyo. Dumagdag lamang itong pabor niyo sa trabaho niya. Mahiya naman kayo sa kanya, Pa."

Hindi ko maintindihan kung bakit ganito sila kay Triyce. They knew that he's busy in his career. Kung ipagkatiwala nila ang gagong iyon sa akin, parang may mas tiwala pa sila sa kanya kaysa sa akin.

Mahinang natawa si Papa at marahang hinawakan ang balikat ko.

"Iha, in the first place, we didn't force him. Kusa niyang tinanggap ang pabor namin. So I'm sure he's doing this new responsibility professionally. Don't tell me you still have an issue with him kaya gusto mong patigilin siya?"

Napakurap ako at medyo nagulat sa tanong niya. Umangat ang sulok ng labi niya na para bang may natumbok sa reaksyon ko.

"I have no issue about him. Kayo lang itong naglalagay ng malisya kahit wala naman!"

I felt my cheeks heated when he left out a laugh. Kainis! Ayoko talaga kapag kasali siya sa usapan!

"Kung ganoon pala, dapat ay okay na sa'yo. You said that you've already moved on kaya dapat wala nang naiilang sa inyong dalawa."

I slightly pouted. Hindi ko alam kung hinahamon ba ako ni Papa o gusto niya lang patunayan kong nakalimutan ko na ang nararamdaman ko kay Triyce noon.

When my eyes darted in the other direction, I saw Triyce with his serious and slight angry expression. I rolled my eyes. Damn it. Nandiyan na naman siya.

Napatingin din si Papa sa kanya at halos lumiwanag ang ekspresyon ng mukha niya. Naglakad palapit sa amin si Triyce at nawala ang pagka seryoso ng mukha niya nang makita si Papa.

"Triyce! Hinahanap mo ang anak ko?" nahimigan ko ng pagkatuwa ang boses ni Papa.

"Opo. Nawala lang po ako saglit, pagbalik ko po roon ay wala na siya," sagot niya at tumingin sa akin.

While You're Falling (Haciendera Series #2)Where stories live. Discover now