Kabanata 19

264 9 0
                                    

Kabanata 19

Distracting

Sa araw ng Linggo ay pumunta kami ni Triyce sa Nesting Place. Niyaya ko siya roon dahil bagong pasyalan iyon rito sa bayan namin. We took our time to relax in the province-like and farm-like destination. Kami lang ang guests na naroon kaya sinulit namin ang pagpunta roon. 

Sinunod namin ang pagpunta sa isang farm na mayroon taniman ng mga dragon fruit. Maganda ang tanawin kapag nasa balkonahe dahil natatanaw ang malawak na lupain at ang kulay kahel na papalubog na araw. 

We also enjoyed feeding the rabbits and picking mulberries. This time, I didn't let him pay for our healthy foods available in the farm. Marami na ang ginastos niya para sa aming dalawa.

Iyon nga lang, halos hindi ako makapag focus sa pagpitas ng mga mulberries. May mga teenagers na panay ang lingon at tingin kay Triyce na para bang isa itong modelo. 

Pasimple ko siyang tiningnan. He's really good-looking, Sa tangkad at magandang hubog ng katawan ay pwede nang maging modelo ng isang luxury brand. 

I wonder if he could do modeling. I'm sure a lot of modeling agencies would do their best to convince him to be their model in endorsing their products. Magandang raket iyon para makapag-ipin at makatulong para sa pamilya niya.

But a lot of people would be attracted to him, especially women. Kakayanin ko ba kung maging sikat siya? If that would happen, he'll become unreachable.

Ito ngang simple lang ang buhay niya at nag-aaral, marami na ang nagkakagusto sa kanya, paano na lang kaya kung sumikat siya?

Ipinilig ko ang ulo sa mga naisip. Malabo iyon mangyari dahil wala sa isip niya ang maging modelo. He doesn't want the spotlight.

Inihatid niya ako pauwi sa amin. Tumigil kami sa harap ng gate namin.

"Did you had fun today?" he asked.

Tumango ako na may ngiti sa labi. He smiled at my response.

"I wish we have more time. Pero nangako ako sa Papa mo na iuuwi kita bago gumabi. Ayokong baliin ang pangako ko sa kanya."

"You don't break your promises, huh?"

"Ganoon naman talaga, 'di ba? Promises aren't made to break them. Gagawin dapat ang lahat para tuparin iyon."

"Hmm. Kung sabahay..." ngumuso ako.

Tinitigan niya ako nang mariin na para bang inoobserba ako. Nanliit ang mga mata niya pagkatapos.

"Bakit? May mga pangako ka na bang hindi tinupad?"

Sandali akong nag-isip. "Mayroon na rin. I'm not perfect, Tres."

"Then what about your other promises you made? Balak mo bang hindi tuparin iyon?"

I can't help but raise my eyebrow at him. Saan ba patungo ang tanong niya at usapan na ito? Iniisip ba niyang madali kong binabali ang mga pangako ko?

"Anong gusto mong sabihin, Tres? That I'm not that responsible when it comes to my promises?"

"I never said that, Jubel. Sige na. Pumasok ka na sa bahay niyo," aniya at pinagbukasan ako ng gate.

"No! Hindi ako papasok kung hindi mo sasabihin sa akin. Sa tingin mo ba ay ganoong tao ako? Ang judgemental mo!" kinurot ko ang dibdib niya. 

Agad niyang hinuli ang papulsuhan ko. How dare him! Tinutupad ko naman ang mga pangako ko. But sometimes I tend to ignore some of them, depending on the situation. Minsan ay nakakalimutan ko pa na nangako ako sa isang tao.

While You're Falling (Haciendera Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon