Kabanata 35

346 8 55
                                    

Kabanata 35

Past

I'm sorry if I left early. May maagang meeting akong pupuntahan sa school. Huwag ka nang magluto dahil pinagluto na kita ng breakfast. Please eat well.

- Tres

Itinaas ko ang cover sa ibabaw ng mesa at bumungad sa'kin ang tocino, sunny side up egg at fried rice. May soup pa na hindi na mainit, siguro ay kanina pa ito niluto. Parang natunaw ang puso ko sa simpleng ginawa niya. He really cooked for me again.

Kumalam ang sikmura ko kaya agad akong umupo at kumuha na ng pagkain. Masarap ang pagkakaluto niya. Masarap pa rin ang soup na ginawa niya kahit hindi na mainit. 

Hindi ko mapigilang mapangiti habang ngumunguya ng pagkain. It's just a simple breakfast for this morning pero sarap na sarap ako! Para na akong tanga rito sa harapan ng pagkain!

Biglang sumagi sa isipan ko ang mga nangyari kagabi. We had so much fun last night. Binasted ko na si Marco dahil wala talaga siyang pag-asa sa'kin. At bago ako matulog.... Muntik ko nang mabuga ang pagkain nang may naalala!

I had a dream last night. Wait... was it really a dream? Hinalikan ko bigla si Triyce kagabi habang lasing na lasing ako! Parang gusto ko na lang na lamunin ng lupa.

Napahawak ako sa labi ko. Bakit parang nararamdaman ko pa rin ang labi niya sa'kin? Oh gosh! Ilang beses kong sinapak ang sarili dahil sa katangahang nagawa. 

Sariwa pa sa memorya ko na tumugon siya sa halik ko. Pero agad ding humiwalay. Baka nandiri kasi lasang alak ang bibig ko. Kung sabagay...

Agad kong naubos ang pagkain. Somehow, the soup sobered me a bit. Then, I washed the dishes and cleaned the table. Halos mapatulala pa rin ako habang naghugas dahil naalala ko ang nangyari kagabi. 

Hindi na talaga ako magpapakalasing kapag nandito siya o nasa paligid siya! Never again!

Nagpunta ako sa sala at akala ko ay makikita ko ang kalat namin kagabi pero malinis at maayos ang paligid. Si Tres ba ang naglinis kagabi? As if walang naganap na inuman dito sa loob ng bahay. Nakakahiyang siya ang naglinis na dapat ay ako!

I was about to send him a message pero naalala kong wala akong phone number niya. Ayan kasi, nagmamatigas na ayaw ibigay kahit hiningi. Pakipot pa kasi, Jubel!

Nanatili muna ako sa bahay dahil weekend ngayon. May iilang magsasaka at empleyado ang pumasok ngayon kaya mamaya ay iche-check ko ang kanilang trabaho. Parang sa isang bula ay bumalik ulit ako sa realidad na responsibilidad ulit ang aatupagin. 

Sandali akong nagpapahangin sa veranda namin. Napatigil ako sa paghihilot ng sentido ko nang tumunog ang phone ko. Akala ko ay si River... pero si Jasiel lang pala. 

Jasiel: Nandiyan ka ba sa hacienda niyo? Pupunta ako riyan. 

I typed a message for him. Ilang linggo na simula noong huli naming pag-uusap. I thought he's now busy because his vacation is over. Tapos heto ay biglaang ang kagustuhang pumunta rito?

Ako: Ano naman ang gagawin mo rito, hinayupak ka? Hindi welcome rito ang mga hindi makamove on sa first love. 

Agad siyang nagreply sa'kin. Mukhang hindi busy ang isang ito. Nasaan ba siya?

Jasiel: Edi bawal ka rin diyan! Bobo nito!

Ako: Ano ba kasing gagawin mo rito? Mag-aapply kang empleyado namin? 

Jasiel: Pwede naman. Ayaw mo n'on, may pogi at macho kayong magsasaka ;)

Self-compliment, ah! Kapal ng mukha! Mas mukhang macho pa nga ang alaga naming baka kaysa sa kanya. 

While You're Falling (Haciendera Series #2)Where stories live. Discover now