CHAPTER 57

48 4 0
                                    

Khalix's POV

"Pre, do I look good?"I asked Mike.

"Yup! Pero siyempre mas pogi ako!"he replied.

It's been a month and we're getting married. Sila Tita na nag-isip ng pwedeng venue at naisipan nila na why not gayahin namin yung beach wedding nila Ace noon. We're here at boracay. Busy yung mga girls kay Jenalyn. Si Donna naman, hindi namin alam kung ano ng nangyari but Vamp is here. Wala kaming alam kung anong nangyari sa dalawa.

"Ano? Kabado ka no?"Ace asked me.

"Yeah, I am"I replied.

"Ganyan talaga kapag ikakasal na. Ganyan din ako nung kinasal kami ni Bea"he said.

"Naks naman, pogi natin ah!"France said. Kakarating niya lang dito sa room.

"Ayiiieee, ikakasal na siya"pang-aasar ni Claude sa akin.

"Ikakasal ka na~"biglang kanta ni Mike.

"Ikakasal ka na~"saad naman nila France at Kyle.

"Iiwan mo na akong nag-iisa"kanta nilang tatlo.

"Mga gago!"natatawang sabi ko sa kanila.

"Parang kailan lang nung naghiwalay kayo, ngayon ikakasal na kayo"saad ni Justin.

"Ayos lang yan, Justin. Panigurado naman na kayo ni Donna ang magiging end game"saad ni Kevin.

"Sana nga! Ang labo na kasi na magkabalikan kami"sagot niya.

"Aysus! Utot mo, Justin. Napaka-possessive mo kaya sa kaniya. Like dzuh! I will make her mine again! She's mine! Owwshii! Possessive mo brad!"pang-aasar ni Mike sa kaniya.

"Ano? Pustahan?!"bigalng sabi ni Claude.

"Sali ako sa pustahan!"masayang sabi ni Carson at Jacob bago sila lumapit sa amin.

"Pustahan! Si Donna at Justin ang end game! Pusta ko dalawang libo!" matapang na sabi ni Claude.

"Hahahaha! Syempre panig kaming lahat sa'yo!"natatawang sabi ni Ace.

"Panigurado naman na si Justin at si Donna ang end game eh"saad ko.

"Yiiieeee! Kinilig ba pwet mo?" pang-aasar ni Carson.

"Hindi ko rin namang hahayaan na mapasa-kaniya si Donna. Baby boo ko yun eh! Kaya dapat akin lang siya"saad ni Justin. Umiiral na naman ang pagiging possessive niya.

"Hindi pa ba mag-uumpisa?"tanong ni France.

"Gutom ka lang, France"sagot ni Kyle bago kami nagtawanan. Biglang may pumasok na isang photographer sa kwarto.

"Excuse me po! Pwede ko po bang picturan ang groom with his best mans and abay?"saad nung photographer.

"Oh! Picture saw tayo dali!"saad ni Jacob kaya had kaming pumwesto. Ako ang nasa gitna habang nasa kaliwa ko si Justin, France, Kyle, Ace at Mike. Sa kanan ko naman ay si Carson, Jacob, Claude at Nicolai.

"Okay! Ready!"saad noong photographer kaya agad kaming ngumiti. Naka-ilang shots pa kami bago kami tinawag sa labas dahil magsisimula na.

Nandito na kami kami sa venue namin. Masyado akong kinakabahan dahil narin sa ikakasal na ako sa babaeng pinakamamahal ko.

"Kalma ka lang, Lix. Maya-maya nandyan na yung bride mo"saad sakin ni Kuya Andre.

"Paano kung magback-out siya, Kuya?"tanong ko sa kaniya kaya bigla niya akong binatukan.

"Lix, ano pa't nag-oo siya sa'yo kung magbaback-out din siya? Mag-isip ka nga, Lix!"saad sakin ni Kuya.

'Nagtanong lang naman ako eh!'

Crazy in Love(Friends to lovers Series #3)✓Where stories live. Discover now