"Sasamahan kita dito, Lana. Hindi kita iiwan. I promise you that," dugtong niya pa at parang may kung ano'ng humaplos sa puso ko dahil sa sinabi niya.

Hindi nagtagal ay umalis siya, naiwan akong mag-isa. Tamang-tama ang paglilipat kung ito kung gano'n. Ayokong malaman nila mommy 'to, especially dad.

Ayokong masira ang magandang reputasyon ni Mike sa kanila. Nakakatawa 'di ba? Sa akin, unti-unti nang nasisira. Pero sa kanila, pinipilit kong itago ito para lang hindi masira ang imahe ni Mike.

Matapos mag-ayos ay bumaba na ako para kumain dahil lagpas alas-dos na at hindi ko man lang namalayan. Binuksan ko ang ref at nakitang mga lalagyan lang ng tubig ang naroon.

I gotta buy my own food from now on, huh?  Susubukan ko na lang mag grocery mamaya at oorder na lang ako ng food.

While choosing nearby restaurants, I received an email galing kay V. Agad ko iyong binuksan at binasa.

Parang tambol ang kaba sa dibdin ko na hindi ko alam kung paano ko pa pakakalmahinang sarili. Wala pa man, kung ano ano na ang tumatakbo sa utak ko. Kung sakali mang ngayon ay magkamali ako...kami sa hinala namin. Ititigil ko 'to at patuloy kong paniniwalaan at hahawakan ang pagmamahal ni Mike sa akin.

Nang binabasa iyon, pakiramdam ko nanginginig ang kalamnan ko. Naninikip ang dibdib ko at tila nawala na ang kanina'y nagugutom.

Lahat ng transactions ay nangyari ngayong taon at noong nakalipas. Pabalik-balik na pagbili ng plane tickets from here to leyte. From expensive restaurants, to purchasing a luxury bags and clothes?

Parang umakyat lahat ng dugo ko sa mukha nang makita ang pa iba't ibang hotel na pinagbayaran gamit ang card.

Sa sikip ng dibdib ko ay hindi ko napigilang sumigaw sa galit na nararamdaman. Marahas kong tinapon sa dinding ang card at napasabunot sa buhok.

Wala akong pakelam kung may nakarinig man sa pagsigaw ko.

Paano nangyari 'to? Those were brands for women! I would never be wrong dahil palagi kami sa mga tindahan na 'yon ni V noon pa mang bago ko makilala si Shelly.

Are...are they..

Shit!

Wala sa sarili kong tinawagan si Mike. Umaalab sa galit ang dibdib ko at hindi ko 'to kayang ipagpabukas! All this time...all this time, niloloko lang ba ako ni Mike at Shelly? Ginagawa nila akong tanga sa harapan nila?

I was trembling while calling Mike and he's not fucking picking up the call! Paulit-ulit kong tinawagan at sa pang-apat kong tawag ay sinagot na niya.

Kagat ko ang labi kong nanginginig at gusto ko siyang sigawan sa sobrang galit na nararamdaman ko.

"I'm outside. Sa labas ng unit mo..." aniya sa isang malungkot na boses. Agad akong naapektuhan sa tonog ng boses niya. Napapikit ako at kasabay no'n ang pagtulo ng luha ko.

Napasinghap ako at pinatay ang tawag. I was that ready to lash out on him. Pero ipinagtataka ko kung bakit nandito na naman siya? Kakaalis niya lang at...bumalik siya?.

Paano naman niya nalamang wala ako sa bahay at nandito na ako?

Oh right!

Bakit ko pa ba 'yon tinatanong?

Malamang, my dear bestfriend told him.

Kinalma ko ang sarili at pinalis ang luha sa pisngi ko. Naghilamos pa ako sa sink para masigurong hindi niya makitang galing ako sa pag-iyak. Parang pinipilipit ang puso kong pinulot ang card at itinago iyon sa bulsa ng shorts ko.

The Mistress Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt