“Nakipagdaldalan ka nalang, uwi na kami." Tatalikod na sana ako ngunit may tumawag sa akin gamit ang malumanay ang boses.

“Thrizel.” Si Gio, ang tamis ng kaniyang ngiti. Nginitian ko nalang siya na agad niya namang tinanguan. Ewan, nakakainis kasi itong si Thrale.

“Hi, baby Thrizel.” Bati ni Brooks sa akin.

Napangiwi naman ako sa kaniyang sinabi. Lagi talaga siyang nang-aasar kahit saang lugar. Buti nalang medyo malapit kami. Hindi umiinit ang aking ulo. Si Elkhurt lang naman kasi ang nakakapagpapikon sa akin.

Napansin kong tiningnan siya ng masama ng aking kuya. Dumilim ang mukha nito. Dapat ko pa bang banggitin? Halata namang napakaprotective niya talaga.

Nalipat ang aking tingin nang humalakhak si Brooks. “Chill bro, HAHAHAHAHAHAHA!” Sabi na nang-aasar lang siya. Kilalang-kilala niya talaga ang kuya mo.

“Hindi nakatutuwa, Kein.” Malalim ang kaniyang boses. Kung ibang tao ang makakarinig, halatang kakabahan. Pero nasanay na ako sa kaniya, hindi na ako takot sa kaniya.

“Okay, pauwi na kayo? Sama kami ni Gio sa inyo.” Nakangiting sabi ni Brooks. Kahit kailan, ang good mood niya talaga.

“Kahit naman hindi ako pumayag susunod pa rin kayo, makapal ang mukha niyo e.” Iling-iling na sabi ni Thrale. Nagtawanan naman ang dalawa sa kaniyang likuran.

Nagsalita si Gio. “May kotse kaming dala.”

Mukhang mahaba pa ang pag-uusapan nitong mga ‘to. Naiinip na talaga ako kaya lumabas na ako ng seven eleven at pumasok sa kotse. Ang dami nilang alam sa buhay, uuwi nalang kung ano-ano pang pinag-uusapan e

“Link, uwi na tayo.”

Siya ulit ang nagmamaneho sa amin. Nakakangalay ang pagmamaneho pero hindi siya nagreklamo. Siya naman ang nagprisinta. Hindi makakastay ang driver namin kila Manang Perry kaya si Link ang nagmamaneho. Kinukuha rin ni Thrale sa kaniya ang susi kaso siya na raw.

“Si Thrale?"

“Kaya niya na ang sarili niya.”

“Paano ang kuya mo, Thrizel?” Tanong din ni ate.

“Susunod siya sa atin, ate.” Mukha namang napasang-ayon ko siya sa sagot ko kaya napatahimik na ito.

Umandar na ang kotse. Mabilis kaming nakarating sa bahay. Nang makapagparke sa garahe, agad akong bumaba ng walang salita. Wala ako sa mood, hindi ko alam kung bakit. Hindi, alam ko pero gusto kong hayaan iyon. Diretso akong umakyat papuntang kwarto. Nang makita ko ang kama, sumalampak agad ako roon.

Linkʼs POV

Nagtataka ako sa ikinikilos ni Thrizel. Simula pa ito kaninang umaga, tanghali na kaming nakarating sa bahay. Hindi ito gaanong nagsasalita kanina, medyo tulala rin siya. Anong nangyayari sa babaeng iyon? Umakyat ako sa kwarto ko, inayos ang mga gamit. Nang matapos, naupo ako sa aking kama. Hindi talaga mawala ang babaeng iyon sa aking isip. Nag-aalala talaga ako sa kaniya. Hindi ko p’wedeng pabayaan, kilala ko na siya.

Napagpasyahan kongblumabas sa kwarto ko. Pumuntang kusina para kumain pero bago ako makapunta sa kusina, narinig ko ang pangalan ni Thrizel kaya napatigil ako.

“Si Thrizel?”

Ang boses na iyon ay galing kay Thrale. Bakit hindi niya kausapin ang kaniyang kapatid? Halata naman sa itsura ni Thrizel kung may problema ba ito o wala.

“Nasa kwarto niya.” Rinig kong sagot ni Anissa.

Nakita kong tumango si Thrale. Hindi ko na ito pinansin, pumunta ng kusina. Nawalan ako ng gana kumain kaya uminom na lang ako ng tubig. Pumunta akong sala, ngayon ko lang nakita na may mga kasama pala si Thrale. Kilala ko ang isa, si Gio. Ang isa namang medyo college na, sa tingin ko. Hindi ko siya kilala.

Loving My Brother #1: Thrale's StupidityWhere stories live. Discover now