Chapter 21: Loud

72.2K 1.7K 81
                                    

Loud is having a high volume or intensity.

*****

Chapter 21

Almost six years ago

"Master Adrian, nandito na po tayo," gising ni Nate sa akin sa malalim na pag-iisip. Tiningnan ko ang labas mula sa bintana ng sasakyan at napagtanto na nasa tapat na pala kami ng gate ng Westfield University. One of the elite school here in the Philippines.

My grandfather decided to finish my last year in college here in the Philippines. I don't know what his reason for his sudden change of plan. Sunod-sunuran lang naman ako sa kung anong gusto ng lolo ko. I studied in London for three years taken up business related course. At sa loob ng tatlong taon na yun ay ngayon pa lang ako naka-uwi.

"Sa susunod, huwag sa harap ng university mo ihinto ang kotse Nate. And stop calling me master," saad ko sa kanyna ikinamot niya ng ulo.

"Eh Master este Adrian, baka pagalitan tayo ng lolo mo. Alam mo naman ang Primo, ang batas ay batas."

"Huwag kang mag-alala, hindi niya malalaman." Simula noong 14 years old pa ako ay kasa-kasama ko na si Nate saan man ako magpunta. Itinalaga siya ni lolo na maging personal butler ko simula na napunta ako sa poder niya. I'm 20 now at 25 naman siya. Lagi ko siyang pinagsasabihan na kung wala kami sa mansyon o sa harap ng lolo ko ay tatawagin niya ako sa pangalan ko.

My grandfather is like to set rules in everything. Gaya na lang sa mansyon niya sa Monte Verde, maraming mga batas ang pinaiiral roon. Isa sa mga batas niya ang hindi pagpapakita ng anumang emosyon dahil ayun sa kanya ay isa itong kahinaan lalong-lalo na sa uri ng pamilya namin. Kaya habang nasa mansyon ako ay pinipilit kong maging bato sa harap ng mga katulong at sa lolo ko.

Kay Nate ko lang nilalabas ang totoong ako. Kahit noong nasa London ako wala akong naging kaibigan. Binansagan pa nga akong "The Ice Man" dahil sa lamig na pakikitungo ko sa lahat. My grandfather trained me to not trust people. Kung ayaw ko raw matulad sa nangyari sa papa ko.

Pagka-alala sa nangyari sa mga magulang ko ay bumalik na naman ang poot at galit sa mga taong pumatay sa kanila. Kahit nakapaghiganti na ako ay hindi ko parin maialis ang masakit na ala-ala ng malagim na gabing iyon. "Okey ka lang ba Adrian?" tanong ni Nate habang sinisipat ako sa rearview mirror.

Nakita siguro niy ang pagtitiim ng bagang ko. Tumango lang ako bilang sagot. "Tatawagan na lang kita pag magpapasundo na ako," bilin ko sa kanya at pagkatapos ay bumaba na ng sasakyan.

Sa akin agad nakatingin ang papasok na mga estudyante. Ang iba ay curious akong tinitingnan at ang iba naman ay may paghanga sa kanilang mga mata. Why not, I know how attractive I am. I have Italian blood that I got from my father who is half Italian. Six feet is my height and has a body that a lot of women crave for. But the things that makes me more attractive is the mysterious and dangerous aura that I brought.

"Hi handsome!" malambing na bati ng babaeng bigla na lang humarang sa aking dinadaanan. Sinuri ko siya mula ulo hanggang paa. Maganda siya kung hindi lang makapal ang make-up niya sa mukha. Nakasuot siya ng damit na halos iluwa na ang dibdib niya sa baba ng cleavage. Kita na rin halos ang kaluluwa niya sa ikli ng damit. "Like what you see?" tanong niya na nagpaangat sa akin mula sa pagtitig sa kanyang mapuputing binti.

I just give her a cold stare. "Sa iba mo na lang ibenta ang sarili mo. I'm not interested," malamig na saad ko. Nanlaki ang mga mata niya at namula ang mukha lalong-lalo na marami ang nakarinig.  Iniwan ko siyang nakatulalang nakatayo roon. Sanay na ako sa mga babaeng tinatapon ang sarili sa akin. Ang iba nga ay pinapatulan ko just for sexual need.

Tinunton ko ang magiging classroom ko para sa unang subject ko sa araw na yun. Pagpasok ko pa lang sa classroom ay agad tumahimik ang buong silid at ang lahat ng atensyon ng mga estudyante ay nasa akin. I just ignored them and walk straight to the chair in the last row. Pinili ko sa tabi ng bintana umupo. Pagkaupo ko ay nagsimula naring nagbulungan ang mga ito.

Ilang sandali lang ay naramdaman kong may umupo sa tabi ko. "So, the rumors are true. Dito na mag-aaral ang apo ng Primo," saad bigla ng katabi ko sa mahinang boses na kaming dalawa lang ang makakarinig. Bumaling ako sa nagsalita at bumungad sa akin ang lalaking maputi at singkit ang mga mata.

"Sachihiro," pormal kong saad sa kanya. Itinago ko ang pakabigla na makita ko siya. Hindi ko alam na dito rin pala nag-aaral ang pinakamatandang anak ng Terzo.

"Gobusata shite orimasu," nakangiting saad niya na sa pagkakaintindi ko ay nagagalak siyang makita ako ulit. Huling kita ko sa kanya ay noong isang taon sa party na ginanap sa Italy na exclusive lang sa mga pamilyang kasapi ng La Vigore.

Sachihiro is my opposite. He is a easy go lucky guy. Yung laging nakangiti, mapagbiro at palakaibigan sa mga tao. Katulad na katulad siya sa lolo at papa niya. Hindi ko pinansin ang sinabi niya at ibinalik ang tingin sa labas ng bintana. "Still the snob and cold prince," rinig kong sabi niya bago nakipag-usap sa kanyang mga kakilala.

Ilang minuto ay narinig ko ang pagring ng bell hudyat na magsisimula na ang klase. Pumasok na rin ang magiging guro namin sa subject na'to. Nakatingin lang ako sa labas ng bintana sa buong durasyon ng patuturo nito. Hindi ko na kailangan makinig dahil napag-aralan ko na ito noong nasa London pa ako. Mas advance naman kasi ang pagtuturo roon. Ang katabi ko naman ay umagang-umaga ay natutulog.

Sa pagmamasid ko sa mga taong nasa baba dahil nasa second floor ng SBM building ang classroom ko ngayon ay may nakakuha ng atensyon ko. She's wearing a sleeve less and knee length white dress and a ballet shoes. Nakalugay ang kanyang napakaitim na buhok  na hanggang baywang. Hindi ko makita ang mukha niya dahil nakatalikod siya sa deriksyon ko.

Isang maliit na sling bag at isang libro lang ang dala niya. Palinga-linga siya na parang may hinahanap at sa tingin ko ay nawawala siya. Hindi ko alam kung bakit natuon ang pansin ko sa partikular na babaeng ito. May something sa kanya na hindi ko ma-pinpoint.

Humarap ka! Humarap ka!

Paulit-ulit kong saad sa isip ko. Hindi naman ako nabigo dahil unti-unti siyang humarap habang nakapamaywang.

Holy shit!

Mura ko ng malakas sa isip ko. She had a beyond compare beauty. Para akong nakakita ng anghel na bumaba galing langit. She had the most angelic and innocent beauty that I have seen in my whole fucking life. She's cutely huffing and irritation is visible in her eyes. May bangs siya na hanggang kilay ang taas.

Sa tantiya ko ay freshman siya kaya siguro hindi niya alam ang pupuntahan. Typically happened in first day of school. Hindi ko'to hiniwalayan ng tingin. I follow every move she makes, the way she roam her eyes and the way she bite her lips. And for godsake just looking her makes my blood boiled. This is the first time that I feel this intense attraction to someone.

Naramdaman siguro niya na may nagmamasid sa kanya dahil biglang umangat ang tingin niya papunta sa akin. I swear, those brown eyes got knocked off my breath. Nagtataka ang mga mata niya na nakatitig sa akin.

Hindi ko alam kung anong nakikita niya sa mukha ko ngayon. All I know, I'm forcing my self to be cold and to have no void of emotions. But to my surprise, she sweetly smile at me and then walk away from my peripheral view. Sinuntok ko ng mahina ang dibdib kong dumadagundong ng malakas.

*****

-LG-

03-31-15

The Mafia Lord's PossessionWhere stories live. Discover now