Chapter 17: Impetuous

74.2K 1.8K 83
                                    

Impetuous is something that moves with a lot of force or done with little thought.

*****

Chapter 17

Hindi ko alam kung anong gagawin sa nakayakap na babae sa akin. Napakahigpit na yakap nito na para bang matagal na niya ako hindi nakikita. Hindi ko rin alam kung bakit kilala ako nito dahil sigurado akong ngayon ko pa ito nakita. "Gosh Krishna-chan, bakit ngayon ka lang nagpakita babae ka ha?" maluha-luhang tanong nito. Hindi ako makasagot dahil hindi ko naman alam ang isasagot.

Ano bang nangyayari? Napagkamalan ba ako nito? Kung ganun bakit alam nito ang pangalan ko?

Sunod-sunod na tanong ng isip ko. Nahihilo na talaga ako sa mga nangyayari. Bigla na lang may humila rito mula sa pagkakayakap sa akin. "Ano ba Adrian-kun?" parang batang pagmamaktol nito. "Bakit hindi mo sinabi..." hindi na nito naituloy ang pagsasalita dahil tinakpan na agad ni Sachihiro, na hindi ko alam na dumating na pala, ang bunganga nito.

"We're going to talk in your office," tiim bagang at maowtoridad na saad ng Primo kay Sachihiro at halata rito na galit ito. Tumango lang si Sachihiro at lumakad papunta sa nakasaradong pinto sa loob ng library habang akay-akay si Akari na pumipiglas mula sa pagkakahawak kay Sachihiro. Hindi ko maunawaan ang sinasabi nito dahil nakatakip parin ang kamay ni Sachihiro rito. Sumunod naman ang Primo sa mga ito. Nakasirado na ang pinto pero nakatanaw parin ako roon.

Ano naman kaya ang pag-uusapan ng tatlo?

"Umupo muna kayo Miss Krishna," alok ni Nate sa akin. Bumaling ako rito at tipid itong ngumiti. "Huwag kang mag-alala, may sasabihin lang ang Primo sa magkapatid. Isa rin yan sa ipinunta natin rito." Tumango lang ako at umupo na lang sa sofa habang hinihintay ang pag-labas ng tatlo.

"Kukuha lang muna ako ng maiinom para sa inyo," paalam ng butler ng mga Yamazaki sa amin. Sumunod naman rito ang personal maid ni Akari.

"N-nate, may alam ka ba kung bakit kilala ako nung babae?" tanong ko.

Nagkibit-balikat lang ito. "Baka napagkamalan ka lang." Kokontra sana ako sa sinabi nito dahil sabi ko nga kung napagkamalan lang ako bakit pati pangalan ko ay alam nito. Ilan lang bang tao rito sa Pilipinas na may pangalang Krishna. Itinikom ko na lang ang bibig ko dahil baka wala ring alam si Nate.

Ilang minuto ang lumipas at sa wakas ay lumabas rin ang tatlo. Unang lumabas ang Primo at sumunod naman ang magkapatid. Nalito pa ako dahil umiiyak si Akari habang ang kapatid nito ay hinahaplos ito sa likod. Nang makita ako nito at mabilis itong lumapit sa akin at hinawakan ang dalawang kamay ko. "Gomennasai!" sincere na saad nito at sa pagkakaintindi ko ay humihingi ito ng sorry. "Napagkamalan lang talaga kita na long lost bestfriend ko. At isa pa mukhang pagod lamg siguro ako dahil kamamatay lang ng Ojiisan namin kaya kung anu-ano na lang ang naiisip ko," sumisinghot pa na dagdag nito.

Bakit feeling kong nagsisinungaling ito.

"O-okey lang. Naiintindihan ko," saad ko. Nalilito parin ako kung bakit ito umiiyak. Napagalitan kaya ito sa ginawa nito kanina.

"Pwede ba kita mayakap for the last time bago kayo umalis. O-negai shimasu!" pagmamaka-awa nito.

"Akari!" saway ng kapatid nito. Sinamaan lang nito ng tingin ang kuya nito. Baka mag-away pa ang dalawa kaya tumango na lang ako kahit hindi ko alam kung bakit kailangan niya pa akong yakapin muli. Yumakap ulit ito na kasing-higpit ng yakap nito nung una. Weird lang dahil parang pamilyar sa akin ang mga yakap nito. "Pwede ba kitang maging tomodachi ko?" tanong nito pagkatapos.

The Mafia Lord's PossessionWhere stories live. Discover now