Chapter 41: Name

22.6K 460 196
                                    

Name is a word or set of words by which a person, animal, place, or thing is known, addressed, or referred to.

Chapter 41

Maaga kaming umalis galing Cebu. Tumawag agad kami kay Nate pagkalapag na pagkalapag ng eroplano. Pagkarating namin sa Silvestri Empire ay agad namin siya nakita, nakaantabay sa dinaanan namin kahapon.

"Primo. Miss Krish," bati niya sa amin. Pagkalabas namin ay agad naman inihagis ni Rave ang susi sa kanya.

"Ikaw na bahala," sabay kuha sa kamay ko at sabay nang pumasok sa loob.

"Salamat Nate," pahabol ko.

Mabilis dumaan ang mga araw at wala kaming narinig mula kay Eldridge. Nasabi narin sa akin ni Rave ang kanyang plano at ang totoong rason kung bakit niya pinahanap ang naging anak sa labas ng dating Primo.

It may sound selfish but I agreed that it is the only way we can live our life peacefully.

I'm here in Rave's office. Sa katunayan ay nandito siya kanina pero kailangan muna nila bumaba ni Nate dahil nagkaroon ng biglaang problema sa kompanya.

Bigla kasi nahack ang main system ng Silvestri Empire. Mabuti na lang at naagapan ni Nate. Ngayon ko lang rin nalaman na bukod sa pagiging butler ni Rave ay siya rin pala ang head security ng SE.

Mula sa pagbabasa ko nang isang nobela ay napabaling ako sa salamin na dingding nitong opisina. Kitang-kita rito ang mga matatayog na gusali. Nagulat pa ako na may bigla na lang nahulog mula sa labas.

Lumapit ako at dumungaw sa baba. Sa taas nitong gusali pawang mga langgam kung titingnan ang mga tao at sasakyan. Hindi ko rin matukoy kung ano yung bigla na lang nahulog dahil malayo na ito sa paningin ko.

Sa hindi malamang dahilan ay bigla na lang ako nakaramdam ng panlalamig. Naninigas ang buong katawan ko at hindi makagalaw sa kinatatayuan ko. Ramdam kong may nagmamasid sa akin at ang panganib na dala nito sa akin.

Pinilit kong igalaw ang paningin ko sa paligid pero pawang mga gusali lang ang aking nakikita. On my instinct, I rushed outside the office.

Kahit magkandapa-dapa na ako sa pagtakbo ay pinilit ko parin. I know there something danger lurking in the office. Pero bago pa ako makalabas ay narinig ko na ang isang matinis na tunog. Napasalampak tuloy ako sa sahig sa pagkabigla.

Napalingon ako sa may salamin at nanlaki ang aking mga mata sa nakita. I saw two bullets stucked on the glass wall. Hindi ko alam kung saan gawa ang salamin pero hindi man lang ito nabasag at naka-penetrate ang mga bala.

Those bullets are for me.

Nagising lang ako sa pagkakatulala nang tumunog nang pagkalas-lakas ang security alarm ng building at napuno ng pulang ilaw ang buong opisina. Nagulat pa ako nang biglang natabunan ng bakal ang salaming bintana.

Ilang segundo ay pumasok na ang mga naka-itim na bodyguards ni Rave. Pinalibutan nila ako at ang isa ay inalalayan ako.

"Yes Sir. Miss Krish is safe." Narinig kong saad ng isang guard sa isang mobile radio. At doon lang nagsink-in sa akin ang pangyayari.

Oh God! Muntikan na naman akong mamatay.

Bigla akong nanginig sa takot. Right now, I just want to be with Rave. Lahat kami napatingin sa may pintuan nang sumungaw doon si Rave na hingal na hingal. Mukhang malayo yata ang itinakbo niya papunta rito.

"Fuck! Where is she?" sigaw niya sa mga guards na naroroon. Hindi yata niya ako nakita agad dahil nakapalibot pa sa akin ang mga ito.

"She's here, Primo," saad nang guard na umalalay sa akin. Shock parin ako sa nangyayari kaya hindi ko pa mahanap ang boses ko.

The Mafia Lord's PossessionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon