CHAPTER 57: HIS WEAKNESS

Magsimula sa umpisa
                                    

" Hmmm.... Oo dun nga! " biglang sabi ko dali-daling tumungo sa bathroom ng kwarto nila.

" Royce........... " sabay naming sabi.

Luis POV

" Pare, nandito lang kami..... Wag mong isiping ikaw lang mag-isa " mahina kong sabi kay Royce na ngayon ay naka tingin sa kawalan at walang humpay ang pag-iyak.

" Royce.....lumaban ka.. Isipin mo ang pamilya mo! Hindi ka pweding maging mahina! " sabi naman ni Erwin na hinihimas ang likuran nya

Parang di naman nya kami naririnig kasi wala naman syang response sa sinasabi namin. First time ko 'tong makitang ganito kahina si Royce. Nuon kasi, nung na comatose si Shale, nag inuman lang kami sa Bar para ma wala daw yung lungkot nya. Pero iba kasi yung sitwasyon ngayon.

" Ano Royce? Gusto mo bang hanapin namin sya? " tanong ni Robinson pero hindi man lang sya sinagot. Naaawa na talaga ako sa kanya. Kundi dahil sa mga nangyayari di sana sya nagiging ganito.

" Hindi ka ba talaga magsasalita Brayzon! Total, kasalanan mo naman lahat ng ito! Itong paglalayas ni Jeca lahat kasalanan mo! Dahil iniwan mo sya! Kaya wag kang tutunganga dyan at wala man lang gagawin! " sigaw ko kay Royce

" Pare " - awat ni Erwin

" Luisito! " - awat naman ni Kris

" Pabayaan nyo muna ako! " kalmado nyang sabi sabay pahid ng luha.

Lumabas kami ng kwarto at nakita namin si baby Yam na umiiyak rin sa may hagdanan. Gabing-gabi na pero yung bata hindi pa natutulog. Sa awa ko napa iyak ako bigla at nilapitan si baby Yam. Nakikita ko kasi yung sarili ko sa kanya.

" Baby! tulog ka na dali! " mahina kong sabi habang pinipigilan ang pag hikbi.

" Ayoko po Tito Pogi, baka kasi pag ka gising ko si Tito Dad na naman ang mawawala! Ayoko po ng ganun! " anya kaya napa iyak na naman ako. Naaalala ko si Mommy nung iniwan nya rin kami.

" Hindi ka iiwan ni Tito Dad mo...babantayan din namin sya dito... Tignan mo oh, si Tito Gwapo at Tito Tisoy dyan sa labas ng kwarto maghihintay! " sabi ko at tinignan naman sila ng bata.

" Will he kill himself too? gaya nung kay Dad? " inosente nyang tanong. Si Aragon naiiyak na rin, si Robinson humihikbi na rin. TAKTE! sa ganitong sitwasyon pa talaga namin makikita ang kahinaan namin.

" No baby! Nasasaktan lang si Tito Dad pero hindi sya magpapakamatay! " pag eexplain ni Kris.

" Oh......sige na..... tulog ka na! " sabi ko

" Pwedi ko ba syang kausapin? " pakiusap nya samin kaya tumango naman kami. Buti nalang si Mallows natutulog at binabantayan ni Mila.

JM's POV

" Ano na kontak nyo ba? San naman kaya pumunta yung batang 'yun! " tanong ni Daddy sa'kin.

Lahat kami na tataranta nung malaman naming umalis at naglayas si Jeca. Hindi ko alam kong anong nangyayari pero ayaw ng sabihin ni Royce ang detalye. Madaling araw na pero walang tigil parin kami sa paghahanap sa bunso namin.

" Umuwi na muna kayo JM.. baka ma pano pa si Daphne, buntis pa naman yan! " sita ni Mommy sa'kin.

" Di kasi ako makatulog kong uuwi ako Mom.... kayo nalang po munang umuwi kasama si Daph. " sabi ko.

Instant Mommy & DaddyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon