Chapter 16: Confession

17 2 0
                                    


Nasa elevator palang ako excited na akong makita si Angel. Mukha nga akong tanga dahil pinagtitinginan na ako ng mga kasabayan ko, dahil nangingiti ako.

Eh ano? pogi lang ako *smirks*

*Ting*

Nang marinig ko ang tunog na yan nagdiretso na akong maglakad.

Pero habang papalapit na palapit ako sa unit ko. unti-unting nawala ang ngiti sa labi ko

Bakit bukas ang pinto?

Hindi man sobrang laki ng awang pero alam mong bukas ito.

Baka naman nakalimutan lang nya isara.

Tsk! makakalimutin na agad si Angel? Pagpasok ko sa loob. Ang tahimik, usually nagluluto o kaya naman nanunuod lang sya ng tv pero walang Angel akong nabungaran.

Baka nasa kwarto nya at natutulog

Tumingin ako sa wall clock at pasado alas tres na pala ng hapon.

Pag-akyat ko sa taas papuntang kwarto ko kinabahan ako bigla dahil sa dulong kwarto bukas na bukas ang pinto ng kwarto ni.. Angel.

Habang papalapit ako sa kwarto nya, kinakabahan ako. Tangna! nanaman? may MALI nanaman eh

"Angel" tawag ko, pero walang sumagot nasa loo. narin ako ng kwarto

"Angel, nasa cr kaba?" kumatok ako sa pinto ng cr nya at wala nanamang sumagot

"C'mon Angel. Sorry na dahil iniwan kita dito na mag-isa" hinawakan ko ang doorknob at pagbukas ko.... WALA!!!

"Angel Louisa" warning tone ko, Hindi na ako nagbibiro. Alam ko kapag nagtatampo sya hindi sya nagsasalita pero magpapakita parin sya sakin at magtataas ng kilay.

Napadako ang tingin ko sa isang maliit na papel, alam kong mahilig syang magsulat-sulat pero parang may humihila saakin na kunin at basahin ang kung anong nakasulat doon.

Kung gusto mo pa syang makitang buhay. Pumunta ka sa lugat na ito!

Tang*n@!!!! Put@ng*na!! talaga!!! anu 'to?? sa sobrang galit ko nailukot ko ang kapirasong papel na hawak ko at naisuntok ko ang kamao ko sa pader.

"HHHAAAAAA!!! KUNG SINO KA MAN ANG DUWAG MONG PUT@NGIN*NG HAYOP KA!!! TANG*NA MO!!!! MAGTAGO KANA SA IMPYERNO HAYOP KA!! PAPATAYIN KITA!! TANDAAN MO!!"

Isa ka lang Gang member ni king na nakatakas. Kung sino ka man ipapakilala kita kay Hades Gago!

***

Sa ayaw at sa gusto ko, kailangan ko paring sundin ang nakasulat sa papel. Kaya naman nandito ako sa abandonadong building at malakas ang kutob ko na nandito nga si Angel.

"Kapag nakapag-usap kayo tawagan mo ako ah"

Naalala kong sabi ni Sir Kyle pero hindi ko sya tinawagan.

Ayoko ng pati sila mawala pa ng dahil lang sa kagaguhan ko, pero nag miss call ako kay Dad ini-open ang tracking device na nakainstall sa phone ko.

'Wag lang nilang galawin si Angel, sinasabi ko sa inyo! magiging si HULK ako.

Pagpasok ko sa loob medyo madilim dahil narin sa pahapon na  mapuno rin sa lugar na ito at mahangin pa.

Hindi muna ako nagsalita at pinapakiramdaman ang ingay kung meron mang tao sa loob.

Maingat akong naglakad pero kasabay nun ang mabilis na tibok ng puso ko.

Sana ligtas si Angel. Sana... Sana.

May narinig akong mga ingay na nagtatawanan. Meron ngang tao pagsilip ko, nakita ko na si Angel na nakagapos sa upuan at may takip ang bibig. Meron nagbabantay sa kanya na dalawang tao at puro mga nakaleather jacket.

Nag hanap ka pa talaga ng back-up huh!

Sa gilid may nakita akong malaking kahoy, agad ko naman itong pinulot at hinampas sa mga goons.

Tsk! mga wala pala ito eh. Agad tumba.

Kinalagan ko agad si Angel na tulog parin.

"Angel.." mahinang sabi ko at tinapik ko ang pisngi nya.

"Ge--" tinakpan ko ang bibig nya baka may makarinig pa sa'min.

"Shhh! 'wag kang maingay, ligtas kana. Nadito na ako" bulong ko at tumango naman sya.

Tumungo ako sa mga paa nya na sobrang higpit ng pagkakagapos. And daming knots.

"Gelo"

"Sandali lang ang hirap tanggalin ng lubid wait lang" hindi ako nakatingin sakanya.

"Hindi. Gelo--"

"Masakit ba? sandali nalang" ang higpit talaga putek!

"Gelo sa likod mo!" napatigil akong tumingin kay Angel at napalingon ako sa likuran ko.

"Ikaw pala ang shining in leather jacket ng dumsel in distress hahaha"

"Ang lakas ng loob mo ah"

"Mga duwag kayo! bumuo kapa talaga ng tropa para lang makaganti? tsk. tsk. I pity you" naiiling kong sabi sa may hawak na baseball bat. Siguro ito yung nakatakas.

"Bakit? anung akala mo sa'kin mangmang? mga nakuha ko yan at binayaran para patayin ang prinsesa ng mga Gudiengey"

"Hindi ako nagsabi nyan, kundi IKAW! tanga!"

"Aba Gago ka ah! .... Hoy! ikaw patumbahin mo nga 'yan" utos nya sa isa sa mga kasana nya

"Gelo!" sigaw ni Angel

Aaak!! Putaena ang sakit. Sinikmurahan ako. Gagung 'yun ah.

"Ang yabang mo pa ah. Wala ka palang binatbat eh ahahaha" nagtawanan sila.

"Mas wala kang binatbat! nagsama ka pa ng mga tuod, Gago ka!"

"Tarantado kang hayop ka" lahat sila sumugod sa'kin pero hindi ako nagpatalo ginulpi ko parin sila Oo malakas ako pero mas marami sila at may kanya-kanyang hawak pero kinaya ko.

Hanggang sa...

"Gelo!!!!" narinig ko ang sigaw ni Angel.

Napahiga ako sa sahig. May tama pala ako ng bala sa tagiliran. Madumi silang lumaban.

"'WAG! GELO!!!!" sigaw parin ni Angel at binaril ulit ako sa braso
Shit! ang dami ng dugo.

"Tang*na Boss merong pulis!"

"Sh*t! nayari na!"

"Drop the weapon!" sigaw ng mga pulis agad silang na-corner.

"Shin" i felt something relief when i heard my Dad's voice

"G-Gelo" hindi ko na kaya at nandidilim na ang paningin ko pero pilit kong dinidilat

"Gelo" hinawakan ng Anghel ang mga kamay ko, kahit papano napapangiti ako.

"D-Diba... sa... bi k-ko sa'yo... ililigtas kita at... H-hindi kita papabayaan" Kasi mamahalin pa kita eh.

"Gelo 'wag ka ng magsalita, please... may dapat kapa kasing malaman eh"

"Alam ko na lahat.... Angel... yung.. yung sa m-mga parents n-natin"

"Hindi 'yun Gelo" hinawakan ko ang mga pisngi nya. Nahihirapan na akong huminga.

"A-ano?.." pilit ko paring tanong kahit hirap na talaga ako.

"Mahal kita..... Gelo" the last word that i heard from her i smiled and everything went black.

--

itutuloy...

Angel of MineWhere stories live. Discover now