Chapter 6: The Truth

24 2 0
                                    

Nagising ako sa ingay ng Phone ko at nag flash sa screen ang mukha ni Tom. Pambihira! -____-

"Oh? bwisit ka! ang aga-aga mukha mo agad nakita ko! Tss. Pa'nu ako suswertihin nyan?"

(Haha. Gago ka! mahiya ka nga sa gwapo kong mukha. Labas ka buksan mo pinto mo nasa labas ako) see? Boss nya ako at ang tigas ng mukha na mag-utos tss!

"Muka mo! manigas ka jan! ang aga mong utusan ang boss mo" singhal ko pero bumaba narin naman ako at tumungo sa pinto.

(Hahaha! Sorry poooo! I love you Sir) binaba ko na at ang pangit nya.

"Ang pangit mo! Chichay tone pa ang nais mo"

"Sorry naman Boy ahaha" nagtuloy-tuloy sya sa kusina Tsk! Ang PG.

"Hoy Gelo boy! Maaga ka palang nagising eh!" sigaw nya sa kusina at sinundan ko naman.

"Anung maaga? eh kakabangon ko pa nga lang sa kama nung tumawag ka"

"Eh anu 'to? tira mo kagabi?" turo nya sa ulam na nakahain sa mesa.

0.O tung inuu!  bigla kong naalala si Angel Syet! hindi nya pala alam na may inuwi akong babae dito

"Ah.. A-ano niluto ko yan kanina tapos natulog ulit ako" pagdadahilan ko teng-ene! nagiging matalino ako sa mabilis na pagdadahilan ah. Good for me.

Sana. Sana hindi lumabas sa kwarto si Angel

"Ah.. atleast luto mo, tara kain tayo hehehe" at nagsimula na syang lantakan ang hotdog at ham.

"Tsk! sabihin mo. Pigiyoto ka lang"

umupo na rin ako at nagsimulang maglagay ng pagkain sa plato.

Si Angel ang gumawa nito. Hindi ko naman sya inuubligang ipaghanda ako.

Pero ayos na rin 'yun, para tuloy akong may instant asawa hehe. Asawa agad Gelo?

"Hoy nga pala Tom bak--" hindi ko na natuloy ang sasabihin ko nang makita ko ang itsura nya na parang nakakita ng multo. Agad naman akong lumingon sa tinitignan nya O.O at napaubo ako ng wala sa oras. Shit-szu!

Wala na. Nabuking na ako, napasapo nalang ako sa noo.

"G-Gelo?! sinu sya?" ayan na nag-umpisa na magtanong ang tatay ko.

Si Angel halatang gulat din kaya nanatili lang sya nakatayo at nakayuko.

"Sya si Angel" simpleng sagot ko

Tumingin ulit ako kay Angel na ganun parin ang itsura. Nu bayan.

"Boy, bago mong chi-- Sabi ko nga si Angel hehe" hindi na nya natuloy ang sasabihin nya nang pandilatan ko sya ng mata.

Gagung 'to! ibubuking pa ako kay Angel. Tumingin ulit ako kay Angel.

"Angel, kumain kana ba? 'lika sabay kana samin" sinunod naman ni Angel ang sinabi ko.

"'Wag kang mahiya dito *tinuro ko si Tom* ganyan na talaga iyan"

"Oo nga Angel, ako nga pala si Tom. Nice to meet you" nag wink pa ang loko.

"Ah. Hello" tipid na sabi ni Angel kay Tom.

"Ah.. nga pala Angel ilang taon kana?" tanung ni Tom.

"22 ako" isang taon lang pala ang tanda namin ni Tom sa kanya.

"Oh... I. . see. Nga pala nag-aaral ka pa ba?"

Sige lang mag-interviewhan kayong dalawa dyan. Pinapakinggan ko lang silang mag-usap.

"Nung 19 ako grumaduate na ako ng College" ayos din 'tong si Angel eh. Isang tanong, isang sagot.

"Sa'n ka nag-aaral? may pamilya ka ba?" siraulong Tom 'to. Baka nainis narin sa tipid na sagot ni Angel.

"Sa Mockfield College ako nagtapos... 'yung pamilya ko naman... w-wala na" napayuko sya nung sinabi nyang wala na ang pamilya nya.

Nagkatinginan tuloy kami ni Tom and i mouthed at him "Gago ka!"

..

Nang matapos na kaming kumain dumiretso kami sa sala ni Tom at si Angel ang naghugas ng mga pinagkainan namin. Pinilit pa nga ni Tom na sya nalang pero sadyang mapilit talaga si Angel, kaya hinayaan nalang namin.

"Oh? bat nga pala nanadito ka? kay Aga-aga" umupo ako sa couch, si Tom naman kinuha 'yung remote at binuksan ang tv

"Wala na format ko kasi 'yung files sa flashdrive ko. Kukunin ko lang sana sa'yo 'yung gamit mo para may back-up ako. Kaya nagpunta ako dito ng maaga para okey na mamaya. Nga pala, si Angel.  Mas maganda sya sa mga nagiging flings mo ah" eto na nagsalita na sya boset! kinakabahan ako. Pero ayos narin kung sasabihin ko kay Tom ang totoong pagkikita namin ni Angel.

"Recors breaking dre! akalain mo 'yun oh, unang chix na dinala mo sa condo. Wow! may dala ba syang foods--AW! " masamang tingin nya sakin habang himas-himas 'yung ulo nyang binatukan ko. Gago kasi daldal "Oo na! in-denial stage kapa! type mo si Angel nuh?"

"Gago! lubayan mo nga pamumuhay ko. Matutuyuan ako sa'yo" kinuha ko 'yung remote at tinampal sa noo nya

"Geez! Oo na boss, kwento mo naman kasi para hindi ako nagtatanong sa'yo. Tsk! NAMO! sakit ng noo ko!" reklamo nya.

"Lul! ku-kwento ko naman sa'yo! ang stupid mo lang kahit kelan! tungnu mo! pakamatay ka nga pls lang" iritang kong sabi. Bida-bida eh.

"Wahahaha xD Oo na game!" tulad ng sabi ko, nakwento ko n kung pa'no, saan, at kelan kami nagkita ni Angel. Hanggang sa napunta sa Ospital at dito sa Condo ko.

"Wow! wala ka sa Lolo ko, nung unang nakita nya si Lola-- hahaha! Sorry na ahahaha" pinandilatan ko nanaman sya ng mata. Grabe! matutuyuan talaga ako ng pagkalalaki dito sa bestfriend ko. Putaena!

"Pero Gelo, babae sya. Maganda, sexy at mabait at.... Masarap" i glared at him "I mean... masarap syang magluto ng hotdog at ham" sumeryoso naman sya ng mukha "At hindi imposible na mainlove ka sa taong kagaya nya. Baka this time tumino kana" tinaas-taas pa nya 'yung kilay nya at "Tumino sa gabi-gabing snack time with flings" nagwink pa ang Pota!

"Tangna! nailed it! Hinding-hindi ako magkakagusto sa babaeng 'yun. Oo maganda at sexy sya. Isama na nating 'yung mabait at masarap sya..... MAGLUTO sabi mo, pero hindi 'yan ang mga type ko Boy!" 'Yung sinabi ko 'yun hininaan ko lang ang boses ko baka marinig ni Angel at palinga-linga rin ako sa paligid kung nandun sya at safe naman dahil wala sya.

"Oh.... I.... SEE. Pero darating 'yung time na lahat ng sinabi mo lulunukin mo, baka nga manghingi kapa sakin ng tubig panulak ah" he stood up. "Geh boy! maya mo nalang dalhin 'yung hinihiram ko. 'Wag mong kakalimutan 'yun ah" tinaguan ko nalang sya bilang sagot

Napaisip ako, paano kaya kung mainlove ako kay Angel? lalu na't hindi naman sya mahirap mahalin.

0.0

..


A/N: Well hindi naman masama na mainlove ka right? ang masama lang ay ang mainlove ka sa maling tao tapos inulit-ulit mo pa. Sarap mo lang hambalusin sa pader kapag ganun. wahahaha xD

Love Guru ang peg ng inyong Otor :)

Keep reading friends mas masasaya siguro kung mag vote rin kayo at mag comment kasi you know nakakadag-dag ng inspirasyon :*

Happy Summer guysxz! !

jen*

Angel of MineWhere stories live. Discover now