Chapter 7: Her size

22 2 0
                                    


Nag-out na ako sa office at tumuloy na sa parking lot, mabuti naman at friday na at makakapag rest day na ako.

"Gelo boy!" alam ko na ang boses na 'yun kahit 'di pa ako tumungin eh.

"Oh? problema mo?" cool kong tanong, magkasabay na kaming maglakad.

"Boss! pasabay nga. 'Yung kapatid ko kasi ginamit auto ko"

"Muka mo! bino-boss mo'ko para makasabay ka lang"

"Haha, sige na! mahal naman kita eh" tangna. Binatukan ko nga.

"Namo! kilabutan ka nga sa sinasabi mo! nagkasabay pa naman tayong maligo dati. Kadiri ka dun ka nga!" binuksan ko na nya ang pinto ng passenger's seat.

"Ay boy, daan muna tayong mall kasi nagtxt sa'kin 'yung kapatid ko ibili ko daw sya ng stockings" siraulong 'to! ginawa pa akong driver.

"Langya! service na, driver pa? Ano?" natatawa kong sabi tapos hininto ko nalang 'yung kotse sa parking lot ng mall.

Grabe! pag baba palang namin, diretso agad kami sa mga stall ng mga undergatments ng mga pangbabae. Putek 'tong si Tom eh pinagtitinginan tuloy kami ng ibanh mga customers tapos paikot-ikot pa kami -...-

"Huy! anu ka ba!  dalian mo at nakakahiya na oh!" bulong ko

"Tch. wait lang boy 'di ko kasi mahanap 'yung black, puro brown mga nandito" naghiwalay kaming naghanap ni Tom, pakanan sya at ako nagderetso lang ako ng paglalakad. Tapos napadaab ako sa mannequin na may suot na dress. Simpleng dress lang sya na puro stripes at tapos may ribbon pa sa likod.

Naalala ko tuloy si Angel, mga damit ko pala 'yung mga sinusuot nya kasi wala pala syang dalang kahit ano nung simulang tumira sya sa Condo

"Sir, gusto nyo po bang matignan 'yung dress?" may lumapit sa'kin na sales lady. Cute sya ah.

"Ah! Oo, pwede bang patingin din ako ng ibang nga designs?"

"Yes Sir, para sa girlfriend nyo po ba? this way lang po" nag smile sya sa'kin amp >.< wala naman akong girlfriend eh. At tsaka si Angel? 'di ko naman girlfriend 'yun. Sinundan ko nalang 'yung girl at tama nga sya, madami pang mga design at kung titignan mukhang lang syang simple pero naa-appreciate ko 'yung ganung designs

"Eto bigyan mo ako ng ganito tapos eto, eto at 'yung hawak mo" turo ko sa mga damit at 'yung una ko pang nakita na hawak nung babae. At mga T-shirt na pangbabae.

"Yes Sir. Anu po bang size?" Size? anu nga bang size ng Anghel na 'yun? tinignan ko nalang mula ulo hanggang paa 'yung sales lady

"Mga matangkad pa sa'yo ng konti, tapos... mga kasing payat mo lang din sya. Mga ganun" napakamot nalang ako ng batok. Aba malay ko ba?!

Natatawang tumango si ate "Ok Sir" umalis na sya at mga ilang oras din akong naghintay nang binigay na nya sakin ang damit kaya agad akong pumunta sa counter para magbayad. Pagkatapos ko.

Teka si Tom? tumingin ako sa paligid at agad naman nahagip ng mata ko sya sa may bandang dulo ng pila

"Oh boy! ano? nakabili ka na ng stockings ng kapatid mo?"

"Oo.. Nga pala oh!" inabot nya sakin ang isang paper bag na color PINK -_______-

"Woaw! abg sweet mo naman... Teka bakit pink?"

"Hahaha baliw! kay Angel 'yan choy! mga undergarments" Oh i see "Kasi nakita kong bumili ka ng damit nya eh kaya bumili rin ako para may magamit sya"

"Ah sige, salamat boy ah. Matutuwa nito si Angel" tinapik ko lang sa braso si Tom. Nag nod naman sya sa'kin.

Pagkatapos kong ihatid si Tom sa bahay nya, dumiretso narin ako pauwi. Pagbukas na pagbukas ko palang ng pinto bumungad na agad sa'kin si Angel.

"Hi" masayang bati nya "Kumain kana ba? tara nakapagluto na ako ng Dinner natin" bakit ganyan bungad nya? nakaka-inlove tuloy ang mga ngiti nya.

Hayy. Gelo, bakit 'yung puso ko ang lakas kumabog?

"Aa... a-ano, sige ligo lang ako saglit" bago pa man ako umakyat sa kwarto ko

"Ay nga pala Angel oh!" inabot ko sakanya lahat ng binili ko pati ng kay Tom "Pasensya na ah. 'Yan lang nabili ko 'di bale next time dadag-- Oh! bakit ka umiiyak?" luh! naloko na baka hindi nya gusto takte!

"Hindi! *sniff*... *huk* *sniff*" hala. hala para syang bata na umiiyak tapos punas ng punas ng luha

"Eh anu?" lumapit sya sa'kin tapos tapos...

*Tsup* "Thank you Gelo" syet! kiniss nya ako sa cheeks at niyakap nya ako grabe! ang lakas ng tibok ng puso ko tae! namula pa sya.

Tengeners! anung nangyayari sa'kin? sagutin nyo nga.

Angel of MineWhere stories live. Discover now