Chapter 3: Girlfriend?

32 2 0
                                    


Tahimik lang kami sa loob ng kotse ko or should i say nagpapakiramdaman lang kami. Pansin ko kasing nahuhuli ko syang nakatingin sakin at pag nalingon naman ako iiwas sya at magbi-bit ng lower lip.

Oh baka naman nagwapuhan sakin. whahaa.

Again. POGI LANG AKO!

Nakarating kami sa Hospital sa Quirino High. At agad na bumaba ako para alalayan syang bumaba.

--

"Anung pangalan mo iha?" tanung ng matandang babae na doktor. At sa office nya kami dahil reresatahan na lang sya ng gamot

"E-- Angel po" mahinang tugon naman ng katabi ko Great. just Great. bakit ba hindi ko nalaman Angel pala ang pangalan nya at base iyon sa costume nya -.-

"Ah eto, reresetahan kita ng ointment para mas lalong mapabilis ang paghilom ng mga sugat at gasgas dyan sa katawan mo. Para hindi din mag-iwan ng scar ang puti mo pa naman"

Tumingin sakin si Angel at agad din inalis at tumingin kay Doc.

"Sige po" wow!  nag smile sya. Ang ganda.

Pfft. sinabi ko 'yun? syet!

Iaabot nalang sana ni Doc. 'yung reseta kay Angel ng bigla kong kinuha.

Bakit? ako bibili ng gamot ni Angel.

Nagkatinginan pa sila ni Doc at biglang nagngitian tsk!

"Halika iha, lalagyan nalang kita ng Neck brace para suporta sa leeg mo"

"Ok po" tumingin muna sya sakin at tinanguan ko nalang at sumama na sya kay Doc.

--

"Oh eto, twice a day ang pag-aply nyan ah. Pagktapos maligo at bago matulog" sabi ng pharmasis sa botika.

"Ok po" binigay ko na ang bayad at aalis nalang sana ako ng magsalita uli 'yung babae.

"Nga pala pogi. Medyo mahapdi ang ointment kapag inaply sa open wounds kaya sabihan mo nalang 'yung girlfriend mo na be gentle" Tss! GIRLFRIEND? kung sabagay pogi lang ako xD

Kung sino pa ang matanda sya pa ang malisyosa. Psh! -...-

--

Nakapagbayad na ako ng Hospital bills ni Angel ang ginagawa ko nalang ay hinihintay syang lumabas sa room ni Doc.

jsonsgeo/+@#*@§€[©®vgskn

Putcha! Ang tagal! Halos bente minutos na akong nakatayo at hinihintay syang lumabas at halos ugatin na ako sa kakahintay. Pinagtitinginan narin ako ng mga nurse na nakaduty. Anu bayan?! napakatagal naman nila Alas Onse na ng gabi.

At sa wakas lumabas narin si... Doc. at sya lang mag-isa? what? asan na ang anghel?

"Oh? iho, sino hinihintay mo? hindi pa pala kayo naka-uwi?"

"Ho? akala ko ba kakabitan nyo sya ng Neck brace?"

"Ha? kanina pa natapos iyon, kasi sabi nya aalis na daw kayo kaagad kaya minadali ko. Siguro mga 15 mins. na mahigit"

Tangna! sayang effort. Nagmadali na akong pumunta sa parking lot at agad hinanap si Angel san hindi pa sya nakakalayo.

Angel, she's getting into my nerve!

Bakit ba ako nagkakaganito? Tae naman palinga-linga ako habang nagda-drive na nagbabakasakali na mahagilap ng mata ko si..... Si Angel.

Agad akong bumaba at hinila sya

"Ano ba sa tingin mo ang ginagawa mo?" Takte! tinitigan ko sya. Nagu-guilty ako sa nangyari.

may neck brace, band-aid at puro galos ang katawan.

Kaya siguro ganito lang ako mag-alala kasi after all kasalanan ko parin naman. Oo! kaya ako nagkakaganito dahil concern lang. 'Yun lang.

Pero kung tignan nya ako ay parang 'Problema-mo-look' tss! mga babae nga naman.

"Ano? Alas dose na. Magtititigan nalang ba tayo? pumasok kana sa loob" naiilang ako sa tingin nya.

"Iwan mo nalang ako dito.  Naipagamot mo na ako tapos ok na rin naman ako... Maraming salamat nalang" yumuko sya at nagtuloy sa paglalakad.

"NO!" hinigit ko sya sa braso nya "Ihahatid kita sainyo" at hinila ko sya sa kotse.

Angel of Mineحيث تعيش القصص. اكتشف الآن