Chapter 8: A day with Her

24 3 0
                                    

Ah! nauuhaw ako. Pagmulat ko palang ng mata nauhaw na agad ako. Tumakbo ba ako sa panaginip ko?

Pagbaba ko, wala pa si Angel siguro tulog pa kaya dumiretso na ako ng fridge para kumuha ng tubig "Tae! wala na palang stocks"

Makapag-grocery na nga, tutal sabado naman ngayon.

Nagsalin na ako ng tubig sa baso lulunukin ko nalang ng...

"Ang aga mo atang nagising?" Putcha! muntik ko nang maibuga ang tubig =_=

Tang*na ang sakit tuloy lalamunan ko dahil sa mushroom na babaeng 'to! kung saan-saan nalang nasulpot.

"Ay sorry Gelo.. amm.. ano magluluto muna ako"

"Hindi! ako na Angel" wala namang stocks eh anu lulutuin mo? tubig at beers? -.-

"Sure ka? Osige" agad naman syang pumwesto sa lamesa.

"Nga pala si Tom nagbigay sa'yo ng undies mo. 'Yung mga damit akin galing" sinasabi ko 'yan habang nakatalikod kay Angel at nagbubukas ng cabinet Ah eto, pancake pwede na 'to. nagsimula na akong mag-init ng kawali at naghanda ng itlog.

"Oh ayan" pagkatapos kong magluto nilapag ko sa harap ni Angel ang mga pancakes at nakita ko napapangiti sya.

"Thank you Gelo" sabi nya at nagsimula ng kumain "Ang sarap. Tara! kain kana rin oh" kumuha sya gamit ang tinidor at itatapat sa bibig ko.

Seriously, susubuan ba talaga ako neto?

Kinain ko nalang ang biniay nya sa'kin.

"Ay nga pala Angel, mamaya sama ka sa'kin mag go-grocery tayo wala na kasi tayong stocks eh" pwede rin bonding with her para naman ma-explore ni Angel ang labas. Simula nung tumira sya dito hindi pa sya nalabas.

"Okey" she smiled and continue eating.

***

Nang matapos kaming kumain, nagready na ako. Simpleng fitted shirt at jeans at pinatungan ko ng jacket ok na 'ko mas lalo lang ako naging pogi ^___^

Pagbaba ko, wala pa si Angel. Chenek ko na rin ang mga bibilhin at kakailanganin namin s buong week tapos inayos ko lang ang sarili ko at kinuha ang susi.

"Gelo I'm ready!" pagharap ko, parang slow motion syang naglakad palapit sa'kin.

Maganda sya, at mas lalong syang naging maganda sa suot nya.

"Gelo, ano? tara na?" para naman akong nabuhusan ng malamig na tubig nung magsalita sya ulit.

Tinusok-tusok pa ang braso ko para lang mapansin ko -___-

Pero uh! ang ganda nya talaga. Shete!

--

Pagdating namin sa Mall, pinagtitinginan kami ng mga tao *smirks* natural pogi ako at may kasama akong Anghel. Malamang talaga.

"Gelo.." yumuko sya at hinigpitan ang hawak sa braso ko

"Bakit?"

"Kasi.. kasi nahihiya ako tumitingin sila eh" napangiti tuloy ako, kaya inalis ko ang hawak nya sa braso ko at inintertwined ang nga kamay namin.

"'Wag kang mahiya sa kanila. Masyado kang maganda para mahiya" bulong ko sakanya at tumingala sya sakin at nag-smile. Kita ko pa ang mga blush nyang pisngi ang sarap tuloy kurutin.

Pagdating namin sa Super Market kumuha ako agad ng big cart at hinayaan ko lang si Angel na kumuha ng mga pagkain, snacks at drinks tapoa yung iba hindi na magkasya kaya kumuha sya ng blue basket para lalagyan ng mga sabon, shampoo, conditioner, fabric soap, powder at liquid.

Angel of MineWhere stories live. Discover now