Chapter 4: Living with Her

20 2 0
                                    

"Sa'n ka nga nakatira?"

"Wala akong bahay eh" napatingin ako sa kanya ng wala sa oras.

Sya walang bahay? Imposible

"Wala kang bahay? Don't tell me pinadala ka talaga dito sa baba?" masakyan nga ang trip nito. Lakas eh.

Kanina pa ako nagda-drive at hinihintay ko ang sagot nya kung sa'n ba talaga sya nakatira. Actually hindi ko rin alam -_-

"Osige, wala kang bahay. Gan'to nalang sino ang kamag-anak,  kaibigan o boyfriend mo na pwedeng nating kontakin para maihatid kita doon"

"Walang akong kamag-anak, kaibigan at mas lalong wala akong boyfriend" Paking tape! naman inaantok na ako at kailangan ko pang magfile ng records.

"Dyan, dyan mo nalang ako ibaba sa may overpass dun nalang muna ako magpapalipas ng gabi" tinuro nya ang overpass.

Puta! sa buong buhay ko ngayon lang ako naka-encounter na baliw na babae.

"Ako ba pinagloloko mo?" napahinto ako sa pagda-drive at tumingin sa kanya.

"Mukha ba akong nagloloko?" syet 'yung tingin nyang inosente. Potek naman.

Napapikit nalang ako ng mariin at hinawakan kong mabuti ang mabubela.

"Plea--"

"Nagsasabi ako ng totoo" napayuko sya at hindi manlang pinatapos ang sasabihin ko at mukhang nakita nya ang reaction ko. Sigh.

"Ok" no choice. I mentally shook my head.

Nag U-turn ako. tamang way papuntang condo ko. Mukang hindi naman sya nag react sa ginagawa ko at nanahimik nalang kami.

Huminto kami sa building ng Condo Unit ko.

"Nasaan tayo?" tanong nya at dumungaw sa labas.

Namangha sa taas ng building 'to.

"Nandito tayo sa Condo ko"

"C-Condo mo?"

"Yup, at dito ka muna tutuloy"

Nanlaki ang mata nya "O-Okey" wala na syang magawa kaya naman sinamahan na nya ako at tumuloy sa Unit ko.

Actually, sya ang kauna-unahang babae na dinala ko sa Condo ko.

***

"Oh! 'yan muna gamitin mo, pasensya na ako lang kasi mag-isa dito kaya wala akong maipapasuot na damit sa'yo" inabot ko sa kanya ang T-shirt ko. Tss! over size sa kanya 'yan.

"Sige maligo kana. Ayusin ko lang ang guestroom ah.... eto rin pala" inabot ko 'yung nabili kong ointment para sa mga sugat nya.

Aalis na sana ako nang bigla nyang hinawakan ang braso ko.


.


"Salamat nga pala sa lahat... Gelo"


°°....°° O.O ^///////////^

..              ...                ....

Angel of MineWhere stories live. Discover now