Chapter 10: Let's fake it

23 2 0
                                    


'Yung feeling na para kang sumali sa isang fraternity na wala nang atrasan. Oh men! 'yun ako, ay este! kami pala ni Angel.

"Oh! ayan na pala 'yung meryenda namin eh" paglabas palang namin ng kusina 'yan agad ang bungad sa'min ni Dad.

At simula narin ito ng pagpapanggap namin ni Angel.
Sana maging maayos eto *finger's cross*

Inakbayan ko si Angel pagkaupo namin, syempre para makatotohanan. At hindi ako nanananching ah.

"Mama, nasaan nga pala si Twiny?"

"Nandun sa pinsan mo, kila Suzzete. Ewan ko ba big girl na daw sya eh" Tss, ang step sister kong 6 years old gusto laging kasama sa mga pinsan nyang mga teenager na. Laking topak talaga

"Nga pala Angel, gusto mong sumama sa'min? mag ma-mall lang kami tapos isasabay narin yung grocery para may stock si Shin ano?" pag-aaya ni Dad tumingin lang ako sakanya at ngumiti.

"Sige po, No problem" at ngumiti sya kay Dad

"Nga pala Angel baby, ikaw palang ang ipinakilala samin ni Shin na girlfriend nya"

"Tamang-tama Shin sa next week meron tayong reunion sa bahay kaya 'wag mong kalimutan na ipakilala si Angel ah"

"Tss, Oo na Billy Boy!" tinanguan ko lang si erpat

"Tanda ko pa nung last last year. Late kang pumunta tapos ikaw pa ang pinakaunang umuwi"

"E kasi naman sweety ang mga pinsan nya may kanya-kanyang dalang chickas eh etong isang 'to ahahaha O.P" putcha talaga 'tong si Dad oh. Mag-uumpisa nanamang mang-asar, nakita ko si Angel na natawa rin sa sinabi ni Dad.

Sige lang dyan kayo masaya eh -_-

Nang matapos magmeryenda sumabay kami ni Angel sa kotse ni Dad papuntang Mall. Si Dad ang gagastos sa lahat kaya petiks lang ako dito.

Nasa backseat kami ni Angel habang ang dalawa naman ay nagkukwento ng adventures nila sa Korea. Kami naman dito ni Angel no choice kundi ang makinig.

Simula nang mamatay si Mommy, dun ko nakita ang pagguho ng mundong ginagalawan ni Dad kasama sya kaya kahit 2 years na ang nakalipas nagmumukmok parin si Dad at dun ko napag-isipang sabihin sakanya na mag move-on na at magsimula muli ng bagong pag-ibig. Doon naman nya nakilala si Mama Jane. Mabait, mapag-aruga at higit sa lahat cool Mom sya sakin kaya no doubt na minahal sya ni Dad.

Hindi naman ako tumutol sa kanila kaya nagpakasal ulit si Dad kaya meron silang bagong pamilya. Pero ganun pa man si Daddy. Hinding-hindi ako pinapabayaan maging si Mama Jane at dun lang ako naging indipendent nung 3rd year College na ako. Binilhan ako nila ng Condo at hanggang ngayon suportado parin nila ako kahit may sarili na akong trabaho.

Pagdating namin sa Mall.

"Angel come here! tara may ipapakita ako sa'yo"

"Isukat mo 'to! bilis! try mo"

"Oh 'diba? ang cute ng shoes sa'yo. Bagay na bagay"

"Halika dali! isuot mo ito sa reunion next week kyaaah! Me is so excited"

-_______- ganyan ang itsura namin ni Billy. Lagi kaming nakasunod at taga bit bit ng mga pinamili nila.

Wow! ang saya lang. Tss!

"Para silang magkapatid. Panganay si Angel, bunso naman si Jane. Sobrang natuwa sya sa girlfriend mo ah" natawa naman ako dun sa sinabi ni Dad, siguro nga tama sya kaya nakahanap si Mama ng mas makakasundo nya.

After sa dept. store sa Super Market, at sa wakas tapos na rin ang walang katapusang lakad grabe!  ganun ba talaga kapag pogi? TAGA BIT-BIT?! ampota.

"Pasensya kana kay Mama Jane ah, masyado lang syang natuwa kaya nagkaganun... Masakit paba 'yung paa mo?" nandito kami sa resto magdidinner inabot na kasi ng gabi kaya dito maghahapunan.

"Ok lang Gelo. Pansin ko naman kay Mama Jane eh" ngumiti sya sa'kin at tinanggal 'yung sapatos nya

"Akin na, hihilutin ko nalang" bumaba ako para imasahe ang mga paa nya medyo namumula nga dahil pinag heels ba naman ni Mama -.- ako tuloy ang naawa dito. Tss!

"Thanks ah" sumandal sya sa upuan "Ang cool ng pamilya mo nuh? ganun din siguro 'yung siguro ang mararamdaman ko kung buhay lang sana sila Mom and Dad" medyo nalungkot na sabi nya. Umupo naman ako sa tabi nya.

"Anu kaba! sila Dad na nga ang nagsabi na welcome ka sa family kaya isipin mo nalang na may pamilya ka pa rin"

"May inamin sa'kin si Mama Jane" huh? kanina lang sila nagkakilala may aminan na agad

"Anu naman yun?" nag lean ako sakanya dahil nag sign sya ng hinaan ko lang ang boses ko.

"Hindi lang sya swerte sa napa.gasawa nya kundi swerte rin sya dahil nagkaroon sya ng understanding na step son na katulad mo Gelo" mahinang sabi at nagulat nalang ako ng halikan nya ako sa pisngi "Salamat Gelo ah, sa parents mo" yumuko sya at nagblush. Taena! pwede bang ako rin kiligin hahaha, gusto ko pa ulit amp.

"Woi! kayo jan baka langgamin na kami ah" si Dad. Naka-order na sila at kakain na kami

11:30 pm ata nang ihatid kami nila sa Condo si Angel naman sa sobrang pagod sa kotse palang nakatulog na kaya hindi ko na sya inabala pang gisingin kaya pinasan ko nalang sya papuntang unit at dala ang mga pinamili.

Nagdahilan nalang ako na ihahatid ko rin si Angel sa kanila kuno at mukhang approve naman kay Mama, si Dad? hindi. Tss! ang tatay ko talaga hindi naconvice tae!

Ok naman ang pagpapanggap. Feeling ko nga hindi na namin kailangan eh, natural na kasi.

Well, Pogi parin naman ako eh!


Angel of MineWhere stories live. Discover now