Chapter 13: The party

17 2 0
                                    

"Gelo!" napalingon ako sa katabi ko

"Bakit?" kung titignan. Ang itsura nya hindi maipinta.

"A-ano.. Ano kasi... amm.. Uwi nalang kaya tayo" Ang weird. Kanina naman excited syang pumunta.

May ball kasi kaming aatenand ni Angel at tsaka Anniversary ng company na pinagta-trabahuan ko kaya naman sinama ko na rin si Angel.

"Angel masama ba ang pakiramdam mo?" syempre nag-aalala ako baka kung anung mangyari sakanya

"Oh! Mr. Mollistre I'm glad that your.... LOUISA?" napalingon ako sa tinutukoy nya. Louisa? Gagu ang layo ng Louisa sa Angel.

Hindi na ako nag-abalang tignan si Angel hindi naman kasi sya yung--

"Papa?!" si Angel sinabi yan. Papa?
takte! gulo!

"Teka! wait lang. Director tinawag mo syang Louisa tapos ikaw naman tinawag mo syang papa? ano ba talagang nangyayari?" baka naman may acting game sa ball at kasali si Angel. Panes! 'di ko alam 'yun ah

"G-Gelo.. San yung restroom dito?" pag-iiba ni Angel

"Ah. Punta ka dun sa kanan tapos diretsuhin mo lang ladies room na"

"Si-sige... Saglit" bakit nauutal sya?

"Me too, Mr. Mollitre. I'm going to entertain the visitors. Gotta go" at nagmadaling umalis din.

Taena ganun? nagtatanong ako tapos bigla kayong aalis? at may napapansin akong mali eh. Maling mali.

Umupo nalang ako sa vacant table, Sa'n na kaya si Tom?

"Gelo Shin" and speaking of.

"Oh! kanina kapa dito?"

"Medyo, ang dami ko na ngang nakilalang mga chicks eh. Tsk! bat kasi ang pogi ko?"

"Lul! 'wag ako boy. Gabi, kaya madilim"

"Eh anu naman kung madilim?" takang tanong nya.

"Wala lang madilim lang"

"Bwahaha xD pakyu ka talaga boy.. asan nga pala ang Anghel ng buhay mo?" Oo nga pala nagkakagaguhan na kami dito ni Tom wala parin sya

"Nagpaalam sa'kin. Nasa restroom lang sya" sabay lagok ng beer

"Nakita ko si Director ah"

"Galing kanina dito 'yun. Gagu nga eh tinawag nyang Louisa si Angel. Tsk"

"Huh?! haha, pero boy mukha nga syang balisa eh nakita ko papuntang restroom baka nga may urgent meeting kay Mayor haha" natigilan ako, parang may nararamdam akong hindi talaga tama eh. Pero wala pa akong tama sa beer ah.

"Boy saglit lang ah. Hanapin ko muna si Angel" tumayo na ako merong hindi tama eh at sigurado ako dun.

"Geh boy" yan ang huling narinig ko mula kay Tom.

Tumuloy ako sa ladies room. May nakita akong dalawang babaeng nagreretouch.

"Hi Miss"

"A-aa.. Hello" bati naman agad at nagpacute. Tsk!

"Ang pogi nya" bulong nya rinig ko naman. Tss!

"Bakit?" nagpacute pa sya habang nagtatanong.

"Ammm... gusto ko lang tanungin kung meron kayong nakitang babaeng naka dress na color pink na may ribbon?"

"Wala kami lang dalawa nandi-- WAIT LANG KUYA!" nung sinabi nya kasi na wala tumalikod ako kaagad. Tsk! sayang oras ko sainyo wala pala dyan si Angel.

Pero nasaan na ba sya? nagsimula na naman akong kabahan. Sh*t!

Naghanap pa ako kung saan saan. Sa gazebo, balcony, sa lobby. At isa nalang ang hindi.

Nagdalawang isip akong naglalakad. Kung wala dito eh saan?... Bahala na nga Gelo.

Habang paakyat ako, mas lalo akong kinakabahan hindi ko alam kung bakit pero malakas ang kutob ko na nandito sya... Sila pala.

Pagbukas ko ng pinto ng rooftop, sumalubong saakin ang malakas na hangin. Tahimik. Wala akong naririnig na kung may nag-uusap, wala pala sya dito makaalis na nga.

Aalis nalang sana ako ng biglang--

"Papa.... Walang kaalam-alam si Gelo" what? bakit nasali ang pangalan ko? at bakit wala akong alam?

Mas lumapit pa ako ng konti sa may bandang gilid nila pero nakikiramdam lang ako.

"Alam ko naman"

"Nakulong na si Uncle pa, bakit kailangan ko paring magtago?"

"Louisa makinig ka sa'kin. Merong isang myembro na nakatakas at sa pagkakaalam ko. Ako ang papatayin nya"

"Hindi. Hindi! *huk* ayoko nang pati ikaw mawala. Please magtago ka rin"

"Louisa hindi ko kailangan magtago, kailangan kong itaguyod ang kompanya ng parents mo. Isa pa babalik ka rin naman... Pero hindi pa sa ngayon"

"Pa, hindi alam ni Gelo.... na... si Uncle ang.... ang *sniff* pumatay sa..... Mom nya" halos ibulong nalang ni Angel ang last word at kahit bulong iyon. PUTANGINA! hindi ko na kaya. Tangina talaga!! so may alam sya? may alam sila? that's b*llsh*t!

"Kaya nga Loiu--"

"Ngayon alam ko na!" sabay silang natigilan nung lumabas ako't nagsalita. Pinipigilan ko ang galit ko, tumingin ako kay Director.

"Sir! All these years, alam mo pala ang nangyari sa past ko. Akala ko lang magkaibigan kayo ni Mom!" my hand form into a fist. King*ina! gusto talagang manapak ng kamao ko sa mga nalaman ko.

"G-Gelo M-mag.. Papali-paliwanag ako" blanko lang akong tumingin sa mga mata ni Angel.

"Angel uwi na tayo. 'diba sabi mo gusto mo nang umuwi" tumalikod ako. Parang nanalulumo ako sa mga narinig ko. Ni parang ayaw nga mag sink-in sa utak sa utak ko eh.

.

Nang makarating ako sa may parking lot, nakayuko lang akong sinusundan ni Angel.

.

Sana hallucination lang ang meron ako. Sana epekto lang ng alak lahat ng mga narinig at nalaman ko. Oo! sana nga ganun nalang.


--

Angel of MineWhere stories live. Discover now