Chapter 15: Revealing the past

16 2 0
                                    


Dalawang doorbell ko palang pinagbuksan na ako agad ng pintuan. Hindi ko alam ang gagawin ko kaya sya ang unang taong sumagi sa isip ko sa mga oras na ito.

.

"Shin"

Oo nga't puro kalokohan lang ang binibigay ko pero kapag nagkaroon ako ng problema at minsan mahina ako. Si Daddy ang takbuhan ko.

Sa kanya ko ipinapakita ang weaknesses ko kaya mahal na mahal ko yan.

"Daddy" niyakap ko si Dad at tuluyan na akong umiyak. Sobrang hindi ko alam ang gagawin ko.

"Shhhh... Hush na.. Nagmumuka ka nyan bakla eh. hehe!"

Sa ganyan way lang ako binibiro ni Dad pero alam kong nag-aalala din sya.

"Dad"

"Hmm.." sabay lagok ng San Mig. Nasa terrace kami ngayon.

"Nakilala nyo ba kung sino ang pumatay kay Mom?" natigilan sya sa pag-inom at tumingin sakin. Kita ko sa mga mata nya na may pain sa past.

"Dad kasi... May hindi ako naiintindihan eh" tumingin na sya sa kawalan at nagtiim bagang.

"Gelo Shin matagal na yun" inom ulit ng San Mig.

"Alam ko. Pero may kilala ka bang... Kyle Martin?"

"Natural director 'yun ng GGC" taers! pilosopotasyo!

"Eh 'yung pumatay kay Mom?" he sighed.

"Bakit mo naman natanong? 'diba nung bata ka ayaw na ayaw mong napag-uusapan yan"

"Dad may mali eh. Maling-mali, Dad may kilala ka rin bang Gudiengey?" dun na sya natigilan at tumingin sa'kin.

"Oo kilala ko 'yun. Kilala ko rin si Martin"

"Dad yun yung apilyido ni Angel" nung sinabi ko yun nanlaki ang mga mata ni Dad. Tama nga 'ko, may hindi nga ako alam.

"Anak meron akong nalalaman eh. Pero konti lang ang pinakasaksi sa lahat ng mga nangyari at ang isang taong makakasagot ng mga katanungan at buhul-buhol na pangyayari ay si......... Martin"

O.o si director panu? bakit?


***

Kinabukasan, kinontact ko si Sir Kyle na magkita kami sa isang resto, hindi muna kasi ako umuwi sa condo ko at kala Dad ako tumuloy.

Katabi ko si Dad habang hinihintay na dumating si Sir. Kinakabahan ako dahil atlast masasagot na ang mga tanong sa isip ko, pero nasasaktan din ako kasi konektado parin 'yun sa buhay ko at sa buhay ni Angel.

"Ayan na sya" bulong sa'kin ni Dad. Hindi ko na pala namalayan na nakarating na pala sya sa dami kong iniisip.

"Sorry nalate ako, traffic kasi eh." umupo naman si Sir.

Nag-order lang kami ng pagkain, pagkaserve tahimik lang kaming napapakiramdaman.

"Okey... Martin alam mo naman ang sadya naming mag-ama" panimula ni Dad.

"Oo, pero Billy bago ako magsimula. Pasensya na Gelo sa paglihim namin ni Angel at sa mga bagay na patuloy na gumugulo sa isip mo. Pasensya na talaga" tumingin sya sa'kin ako tumango lang.

"Okey *he take a deep breath* anung gusto nyong simulan?" nakatinginan kami ni Dad.

"Sa Gudiengey Group of Company" sabi ni Dad

Angel of MineWhere stories live. Discover now