The Halfhearted Man

26 0 0
                                    

"Ayan na naman siya, gagawa ng isang bagay tapos hindi naman tatapusin. Nag-aaksaya lang ng oras", bulong ng isang duwende sa katabi nitong duwende. Ang tinutukoy niya ay ang lalaking nagtatanim sa bakuran kung saan sila naninirahan. Isang payak na binata na may katangkaran at matipunong katawan.
"Noong nakaraan lang ay kumukuha yan ng mga litrato dito sa paligid at sinasabing gusto niyang maging isang photographer. Teka, ano ba yung photographer na yun?" tugon ng isang duwende sa katabi nito na sinundan niya ng isang tanong. Kapwa sila nagtataka sa pabago-bagong hilig ng lalaki. Minsan ay naisipan nitong gusto niyang maging isang pintor kaya nag-umpisa siyang magpinta. May pagkakataon namang ginusto niyang maging musikero kaya nag-aral siyang maggitara. Nandiyan din na hinangad niyang maging isang basketball player kaya nagkabit siya ng ring sa isang puno sa bakuran para makapag-ensayo siya roon. Madaming bagay siyang sinubukang gawin ngunit wala ni isa sa mga ito ang nagawa niyang ipagpatuloy kaya labis na pinagtaka ito ng mga duwende na umabot sa puntong kinainisan na nila ang lalaki.
"Photographer? Di ba nga nakuha siya ng litrato. Baka tungkol yun doon"
"Siguro nga. Ang gulo kasi ng lalaking iyan. Pabago-bago ng isip."
"Ano sa tingin mo ang pwede nating gawin sa lalaking iyan. Nagsasawa na akong panoorin siya na gumawa ng bagay na hindi naman niya kayang tapusin."
"Ikaw ang bahala. Masyado akong abala para diyan."
"Kung abala ka bakit nandito ka at pinapanood siya. Puro ka palusot."
Marahil ay hindi na natiis ng mga duwende ang nakikita nilang ugali ng lalaki kaya naisipan nilang gumawa ng hakbang para itigil ang paulit-ulit na ginagawa ng lalaki. Habang naghahanda sa pagtatanim ng mga buto ng sunflower ang lalaki ay pumwesto malapit sa kanya ang dalawang duwende na kanina lang ay nanonood sa ginagawa niya. Noong una ay hindi niya nakikita ang dalawamarahil ikinubli ng mga duwende ang kanilang sarili sa paningin ng lalaki gamit ang mahika. Marahan niyang itinanim ang mga binhi ng sunflower sa matabang lupa ng kanilang bakuran. Nang papatayo na ang lalaki para kunin ang regadera para diligan ang mga binhi ay bigla niyang naaninag ang mga malilit na ilaw na nanggagaling sa lupa. Noong una inakala lang niya na barya lamang ito na hindi sadyang nahulog at natabunan ng lupa kaya ilang beses niya itong nilingon.
Halos mapatalon ang lalaki sa gulat nang makita niya ang dalawang duwende na nakatayo malapit lang sa kanya, sa katunayan halos katabi lang ng mga itinanim niyang binhi ang dalawang duwende na kapwa masama ang tingin sa kanya. Halos manginig ang buo niyang katawan sa takot dahil sa nakita niya. Hindi siya makapagsalita dahil sa takot, napasalampak na rin siya sa lupa habang nakapako ang mga tingin sa dalawang kakaibang nilalang, ni hindi na niya nagawa pang tumakbo. Halos mamutla na siya sa sobrang takot sa dalawa ngunit hindi pa rin nagbabago ang ekspresyon sa mga mukha ng dalawang duwende, nanatili pa ring masama ang mga tingin nila sa kanya.
Biglang nagsalita ang isang duwende, "Ikaw lalaki nagsasawa na kami sa ginagawa mo! Sa tuwing nahihirapan ka sa paggawa ng isang bagay agad mo itong ititigil at gagawa ka na naman ng panibagong bagay. Ni hindi mo man lang tinatapos ang mga ginagawa mo. Lahat ay hanggang kalahati lang!"
"Anong ibig mong sabihin?"
"H'wag kang magmaang-maangan! Lahat ng ninais mong gawin hindi mo tinatapos! Yung mga pininta mo, hindi natapos! Yung pag-aaral mo sa pagtugtog hindi mo tinapos! Kinabitan mo pa ng kakaibang bagay ang puno kung saan kami namamahinga ngunit dalawang beses mo lang ginamit iyon!"
"Ha? Ahhh... Ehh... Patawarin niyo po ako! 'Wag niyo po akong sasaktan"
"Brahahahaha! Higit pa sa pananakit ang gagawin namin sa iyo!"
"H'wag po maawa po kayo sa akin", pagmamakaawa ng lalaki sa dalawang duwende ngunit walang balak ang mga duwende na patawarin siya kahit sa totoo lang ay wala naman siyang personal na kasalanan sa mga ito. Kinamuhian lang siya ng mga ito dahil sa paiba-iba niyang ginagawa na naging masakit sa mata ng mga duwende.
"Manahimik ka! Hindi mo na kami mapipigilan!"
"Oo nga hindi mo na kami mapipigilan! Nyahahaha!"
"Maawa na po kayo sa akin. Ano po bang dapat kong gawin para mapatawad niyo ako", sa pagkakataong ito ay lumuhod na ang lalaki para ipakita sa mga duwende na nagsisisi na siya sa kung ano mang ginawa niya sa mga ito na hindi niya naman alam kung ano.
"Nyahahaha mabuti at naitanong mo. H'wag mo sa akin itanong, sa kanya", sagot ng isang duwende sabay turo sa katabi nito.
"Oo. Tama siya. Sa akin mo itanong sapagkat ako ang magpapataw ng parusa sa iyo"
"A-ano pong parusa?"
"Magandang tanong, humanda ka! Gagawin kong kalahati na lang ang puso mo at hangga't hindi mo nagagawa ang bagay na talagang nais mong gawin ay hindi ito mabubuo! Masamang bagay kapag hindi ito nabuo, dahil pagdating ng kabilugan ng buwan ay mamatay ka! Oo, mamatay ka! Naiintindihan mo ba?"
"H-hindi po e, pwedeng pakiulit?"
"Manahimik ka! Alam kong narinig mo ako ng malinaw dahil hindi ka bingi"
"Ahh... o-opo"
"Tandaan mo mayroon ka lang hanggang magkabilugan ang buwan! Unti-unting mabubuo ang puso mo sa tuwing lumalapit ka na sa bagay na gusto mong gawin."
"May tanong po ako. Kailan po ba yung kabilugan ng buwan?"
"Ha?!! Tingnan mo sa chinese lunar calendar!"
"Wala po ako noon e"
"Sige sasabihin ko na lang. Isang linggo mula ngayon. Iyon lang ang natitira mong oras!"
"Okay po salamat po."
"Isang bagay pa pala. Kunin mo itong bolang kristal. Sa ngayon ay may kalahating pula at kalahating walang kulay iyan. Diyan mo makikita kung lumalapit ka na ba sa gusto mong gawin. Kapag naging pula ang bolang kristal ibig sabihin hindi ka mamamatay. Kung naiintindihan mo, aalis na kami", pagkatapos ng mahabang paliwanag ng duwende ay agad itong nawala. Napatulala na lang ang lalaki sa bolang kristal na binigay sa kanya ng mga duwendepero sa kanya holen lang iyon. Hindi niya malaman kung ano ang gagawin. Sa hitsura niya ay mukhang wala siyang naintindihan sa mga paliwanag na ginawa ng mga duwende. Bumalik na lang siya sa ulirat nang biglang may kumatok sa gate ng bahay nila.
Dahan-dahan siyang tumayo ngunit hindi niya maihakbang ang mga paa niya sa kadahilanang labis ang panginginig ng mga tuhod niya, hindi pa rin mawala ang takot niya sa mga nangyari. Napakuyom ang kamay niya habang hawak ang bolang kristalo holensaka niya ibinaling ang tingin sa may gate kung saan may taong nakatok. Sinubukan niyang silipin kung sino ang nakatok ngunit hindi niya ito maaninag mula sa kinatatayuan niya kaya wala siyang ibang magawa kundi piliting ihakbang ang mga paa niya kahit hindi pa rin natigil sa panginginig ang mga tuhod niya. Isa-isa lang ang paghakbang ngunit sa pakiramdam niya ay napakalayo na ng nilakad niya sapat para bumagal siya sa paglalakad.
Narating niya ang gate kaya tumigil ang pagkatok, marahil ay nakita ng tao na nasa kabilang bahagi ang mga paa niya mula sa siwang sa ibaba ng gate. Ilang minuto siyang nakatayo roon ngunit hindi niya binubuksan ang gate kaya napilitan ang tao sa kabilang bahagi na muling kumatok. Nagulat siya sa malakas na pagkalabog ng gate na yero. Bumalik siya sa ulirat kaya sinilip niya mula sa itaas na siwang kung sino ang nakatok ngunit hindi pa rin niya maaninag ito kaya binuksan niya ang gate. Pagkabukas niya ay nakita niya ang isang lalaki na hindi ganoon katangkaran na may bitbit na maliit na bag, ang pangalan ng kumatok ay si Bryan, isa ito sa mga kaibigan niya.
"Pre, ikaw pala yang kanina pang nakatayo diyan. Akala ko naman kung sino at ayaw akong pagbuksan."
"Oh pre napadaan ka?"
"Kukunin ko lang yung lens ng DSLR na hiniram mo nung nakaraan, gagamitin ko na e"
"Sige pre hantayin mo lang ako diyan", sagot nito saka siya tumungo papasok ng bahay at hinanap kung saan niya itinago ang nasabing gamit. Inabot ng sampung minuto bago niya ito nahanap at tinungo niya agad si Bryan saka niya ito ibinigay. Agad din namang umalis ito nang maibigay na niya ang hiniram na gamit.
Muli siyang pumasok sa bahay ng may mabagal na hakbang. Hindi pa rin mawala sa isip niya kung ano ang nangyari. Hindi pa rin siya makapaniwala na totoo ang mga nangyari kani-kanina lang. Inisip niya na lang na guni-guni lang ito. Hindi niya na lang inintindi kung ano man ang mga pangyayaring paulit-ulit na bumabagabag sa isip niya. Ayaw niyang takutin ang sarili, marahil takot lang siyang tanggapin sa sarili niya may kababalaghang nangyari sa kanya at may binigay na palugit para sa bihay niya ang mga kakaibang nilalang. Hanggang bago siya matulog ay ito ang bumabagabag sa isip niya.
Dalawang araw ang lumipas ngunit walang maisip ang lalaki na kung ano mang bagay ang nais niyang gawin. Lahat ng pumasok sa isip niya ay nagawa na niya kung hindi naman ay hindi niya talaga gustong gawin kundi option lang. Halos naikot na niya ang bawat sulok ng bahay nila para maghanap ng bagay na pwedeng gawin ngunit nabigo lang siya. Wala siyang nahanap ni isang bagay na magbibigay sa kanya ng inspirasyon, ni interes ay hindi niya nagawang makuha sa mga bagay na nakapaligid sa kanya.
Lumabas siya ng bahay para mag-ikot at maghanap ng sagot sa katanungan niya. Gusto niyang malaman kung anong bagay ang magagawa niya ng buong-puso upang mawala na ang sumpa. Tumingin siya sa bawat madadaanan niya at humanap ng bagay na maaaring magbigay sa kanya ng interes. Halos naikot na niya ang buong lugar ngunit nabigo siyang humanap ng bagay na nais niyang gawin kahit na isang bagay lang na magbibigay sa kanya ng interes ay hindi siya nakahanap. Nag-uumpisa na siyang mawalan ng pag-asa sa paghahanap hanggang sa maisipan niyang umuwi na lang muna para makapagpahinga. Inabot na siya ng dilim sa paghahanap ngunit mukhang nabigo siya sa araw na iyon.
Kinabukasan, muli siyang nag-ikot para maghanap ng bagay na makapag-aalis ng sumpa. Muli niyang inikot ang buong bayan, sinuyod ang bawat sulok, sinilip ang bawat makita niyang tindahan at pagawaan ng kung ano-ano. Hindi siya tumigil hanggang hindi siya makakita ng kahit konting posibilidad na maalis ang sumpang ibinigay sa kanya ng dalawang duwende. Habang naglalakad ay nakapa niya sa bulsa niya ang holen na ibinigay sa kanya ng mga duwende upang maging palatandaan niya. Wala pa ring pagbabago sa kulay ng holen, kalahati pa rin ang kulay pula at ang kalahati ay wala pa ring kulay. Napabuntong hininga siya sa nakita at napaupo sa gilid ng kalsada habang nakayuko ang ulo niya.
"Kuya kung wala kang gagawin bukas baka pwedeng manood ka dito", biglang may nagsalita sa paligid dahilan para iangat ng lalaki ang ulo niya. Pagkaangat niya ng ulo ay nakita niya ang isang dalagita na may iniaabot na fliers na agad naman niyang kinuha. "Dance Concert" yan ang mga salitang nakasulat sa fliers na sinundan ng iba pang detalye tungkol sa oras at lugar na paggaganapan ng nasabing event. Bumaling ang tingin niya sa mukha ng dalagita na may pagtataka.
"May bayad ba 'to?", tanong niya sa dalagita sabay ibinaba ang hawak niyang flier. Muli niyang iniyuko ang ulo niya hanggang sa naisip niyang baka ito na ang sagot kaya muli niyang naibaling ang tingin sa mukha ng dalagitang nakatayo sa harapan niya.
"May bayad yung concert bukas, pero kung gusto mo manood ng walang bayad may rehearsal kami mamayang alas-singko", sagot sa kanya ng dalagita sabay naglakad ito papalayo sa kanya. Agad naman siyang tumayo para habulin ang dalagita saka kinuha ang ibang fliers na hawak nito.
"Tulungan na kita."
"Sus, gusto mo lang manood ng libre."
"Isa na rin iyon, ayaw mo bang tulungan kita?"
"Sige na kuya para naman hindi ako lugi."
Magkatulong nilang ipinamigay ang fliers sa buong lugar hanggang sa abutin sila ng hapon. Nang malapit nang mag-alas-singko ay magkasabay silang pumunta sa pagdadausan ng rehearsal. Naupo lang ang lalaki sa isang gilid habang nanonood sa mga taong nasayaw sa paligid niya. Napapahanga siya sa ginagawa ng mga taong ito kaya namumuo sa isip niya na gusto niya ngang subukang maging miyembro ng isang dance crew. Matyaga niyang pinanood ang bawat galaw ng mga sumasayaw at minsan pa ay ginagaya niya ang mga steps na ginagawa ng mga ito. Nagkaroon siya ng motivation. Maaaring ito na nga ang sagot para matanggal ang sumpa sa kanya ng mga duwende.
Kinapa niya ang bulsa saka niya kinuha ang holen na binigay sa kanya ng mga duwende. Kahit papaano ay nadagdagan ng kulay pula ang kulay nito. Lalo siyang ginanahan na matutong sumayaw gaya ng mga taong napapanood niya sa mga sandalin iyon. Nasasabik siya habang pinapanood pa lang ang mga taong nasayaw. Naupo lang siya roon at nanood hanggang sa matapos ang lahat sa pagre-rehearse. Umuwi siya ng masaya ng gabing iyon, nagkaroon siya ng pag-asa na matatanggal niya ang sumpa bago pa man magkabilugan ng buwan.
Kinaumagahan ay nanood siya ng mga video ng mga nagsasayaw saka niya ginaya ang mga ito. Noong una ay madadaling mga galaw lang ang ginagawa niya kaya mabilis niyang makuha ang mga steps. Tumagal ng tumagal at pahirap ng pahirap ang mga routine na sinubukan niya kaya mas nahirapan din siya sa paggaya ng mga ito. Dumating pa sa puntong muntik na siyang mabalian dahil sa pilit na pagsubok sa mga routinedahil feeling professional siya. Napaupo siya sa sahig ng kwarto niya dala ng matinding pagod sa pilit niyang pagsasayaw kahit na matigas naman talaga ang katawan niya, sa katunayan mukha siyang posteng niyuyugyog sa tuwing pinipilit niyang igiling ang katawan niya, ang mga dance moves lang na halos maperpekto niya ay yung mga hand gestures at wala nang iba.
Napatulala siya habang nagpapahinga, hingal na hingal at halos hindi nakahinga, pawis na pawis siya. Mukha na siyang basang sisiw dahil sa tagaktak ng pawis na halos bumalot sa buo niyang katawan. Sa halos buong araw niyang pagsasayaw ay napagtanto niya na hindi talaga ito ang nais niyang gawin. Hindi ito ang makapagtatanggal ng sumpa sa kanya. Naibaling niya ang tingin sa holen na binigay sa kanya, nadagdagan ng kaunti ang kulay pula rito ngunit mula noon ay hindi na ulit nadagdagan ito sa kabila ng katotohanang buong araw siyang nagsayaw sa pag-aakalang ito ang makapagtatanggal ng sumpa.
Bumalikwas siya mula sa pagkakasalampak sa sahig saka niya pinunasan ang pawis niya. Kinuha niya ang holen mula sa lamesa saka siya mabilis na lumabas sa kwarto niya. Muli niyang inikot ang buong bayan para maghanap ng bagay na makapagtatanggal ng sumpa sa kanya ng mga duwende. Determinado siyang tanggalin ang sumpa na ipinataw sa kanya. Alam niya sa sarili niya na kaya niya iyong gawin.
Napatigil siya sa isang talyer kung saan may isang lalaking nag-aayos ng sasakyan. Nakapasok ang kalahati ng katawan nito sa ilalim ng sasakyan at tanging ang malaki nitong tiyan at mga hita at binti lang ang nakalitaw. Nilapitan niya ito habang sinisilip ang ilalim ng sasakyan. Naupo siya malapit sa binti ng mama saka niya inabangang lumabas ito mula sa ilalim ng kotse. Alam niyang may ginagawa ito dahil sa naririnig niyang tunog ng mga turnilyo at kalansing ng mga bakal mula sa ilalim ng sasakyan. Lumipas ang isang oras at hindi pa rin nalabas sa ilalim ng sasakyan ang mama. Nagtaka siya sa tagal nitong nasa ilalim at hindi man lang inilabas ang katawan para kumuha ng ibang gamit na gagamitin, sa pagkakataong ito biglang may lumapit na lalaki sa kanila saka hinatak ang binti ng mama.
"Natutulog ka na naman sa ilalim ng sasakyan, Mario!"
"Natutulog?!! Sa ilalim ng sasakyan?!!", gulat na tanong ng lalaki.
"Oo! Natutulog yan sa ilalim ng sasakyan tingnan mo nga ang hitsura at nakanganga pa", napatingin siya kay mang Mario na nakanganga at tulo ang laway, nakumpira nilang natutulog nga ito sa ilalim ng sasakyan.
"Eh bakit may naririnig akong nag-aayos mula sa ilalim?"
"Kunin mo yung cellphone niya. Nakarecord lang yon."
"Haaaa?!!!!"
"Mario gising! Huy Mario! Kanina ka pa hinahantay nitong bata oh. Bisita mo yata!"
Sa pagkakataong iyon ay nagising si mang Mario. Walang siyang alam sa nangyayari hindi niya rin kilala kung sino ang batang tinutukoy sa kanya ng katrabaho niya. Umupo siya kahit na nakakaramdam pa siya ng pagkaantok. Payak siyang naupo at tumitig sa malayo na tila may tinatanaw na hindi nakikita ng normal na tao. Sinuri ng lalaki kung buhay pa ba si mang Mario, buhay pa naman mukhang natutulog lang. Pumalakpak siya sa tapat ng mukha nito para gisingin ang antuking matanda na nakalitaw pa ang tiyan.
"Hoy bata sino ka ba?"
"Wala po. Gusto ko lang magpaturo kung paano mag-ayos ng sasakyan."
"Nako wala akong oras sa'yo bata."
"Sige na manong kahit ngayong araw lang."
"Pasensiya na hindi kita matutulungan."
"Sige na manong", kahit anong pagmamakaawa niya ay ayaw talagang pumayag ni Mang Mario na tulungan siyang mag-ayos ng sasakyan. Halos lumuha na siya ng balde-baldeng luha para lang pagbigyan siya nito ngunit ayaw talaga nitong pumayag.
"Sa iba ka na lang magpaturo."
"Sige na Manong. Bakit ba ayaw niyo akong turuan?"
"Eh hindi naman ako mekaniko e. Tagalinis lang ako dito sa talyer!"
Nagulat ang lalaki sa rebelasyong nalaman niya. Halos hindi siya makapagsalita. Napasalampak na lang siya sa sahig habang nakatulala sa nakaumbok na tiyan ni Mang Mario. Napansin ito ni Mang Mario at marahil nainis siya kaya tumayo ng mabilis at hinatak palabas ng talyer ang lalaki. Nabigo na naman ang lalaki sa paghahanap. Tumigil siya sa talyer dahil nagkaroon siya ng kaunting interes sa pag-aayos ng sasakyan ngunit nabigo siya. Hindi niya nakamit ang bagay na gusto niya talagang gawin. Marahil walang kinalaman sa kotse ang bagay na gusto niyang gawin, maaari ring wala talaga siyang gustong gawin. Umuwi siyang bigo at malungkot. Muki niyang tiningnan ang holen, nadagdagan na naman ito ng kaunti at tila hindi na naman ito gagalaw. Dalawang araw na lang ang natitirang oras niya para maghanap ng bagay na nais niya talagang gawin.
Kinabukasan ay muli siyang lumabas para hanapin ang isang bagay na gagawin niya ng buong puso. Muli siyang umikot sa buong lugar para maghanap ng bagay na magbibigay sa kanya ng interes. Mas pinag-igihan niya ang paghahanap, mas naging masigasig siya sa araw na ito, kaunti na lang kasi ang natitirang oras sa kanya.
Napadpad siya sa isang parke kung saan may nag-eexhibition ng mga extreme sports; bike, roller skates, pogo sticks, skooters at skateboards. Noong una ay naupo siya sa isang gilid at pinagmamasdang gumawa ng mga kakaibang tricks ang mga tao sa lugar na iyon. Nakakawili naman talagang panoorin ang mga taong gumawa ng mga bagay na hindi mo kayang gawin lalo na kung buwis-buhay yung ginagawa nila. Tahimik lang siyang nanood at minamasdan kung paano nila ginagawa iyon. Tuwang-tuwa siya sa panonood, tila gusto niyang subukan isa-isa ang mga gamit nila.
Biglang may umupo sa tabi niyang isang lalaki na may hawak na skateboard. Noong una ay hindi niya ito pinansin, wala siyang pakialam sa bata. Hindi niya ito kinibo o tiningban man lang ang hitsura nito. Normal lang naman iyon kapag may tumabi sayong hindi mo kakilala dahil kapag bigla mo itong kinausap ay magmumukha kang weird sa paningin niya at baka lalo kang hindi pansinin ng katabi mo kaya mas mabuting panatilihin ang awkward na atmosphere sa pagitan niyoin short wag kang feeling close.
Sa wakas ay tiningnan rin niya ang batang katabi niya, sunod niyang tinignan ang hawak nitong skateboard. Muli siyang tumingin sa mukha nito, nilingon din siya nito na may nagtatakang mukha, muli siyang tumingin sa skateboard, hindi inalis ng bata ang tingin sa kanya. Muli siyang tumingin sa mukha nito, tumingin muli siya sa skateboard. Muli niyang tiningnan ang mukha nito saka siya muling tumingin sa skateboard. Nang dumating ang oras na magsasalita na sana siya ay biglang nagsigawan ang mga tao sa paligid. Nilingon niya ang mga ito at inalis ang tingin sa bata. Nagulat siya sa nasaksihan niya, isa sa mga kaninang nag-eexhibition ay nabalian ng braso. Napangiwi siya sa nakita saka siya tumayo. Nagbago ang isip niya. Hindi iyon ang gusto niyang gawin. Natapos ang araw na iyon na hindi pa rin niya nahahanap ang bagay na paglalaanan niya ng buong puso para magawa. Bigo na naman siya.
Dumating ang huling araw na kailangan niyang gugulin para hanapin ang bagay na buong puso niyang gagawin. Muli siyang lumabas para umikot sa buong lugar. Ilang araw na siyang umiikot sa buong lugar pero wala pa rin siyang napapala. Nawawalan na rin siya ng pag-asa. Marahil ay nakatadhana na talagang mawala ang kaniyang puso gaya ng sinumpa sa kanya ng mga duwende. Napapagod na siya pero sinisikap niya pa ring hanapin ang bagay na gusto niyang gawin.
Inabutan siya ng kapaguran sa tapat ng isang abandonadong gusali na may nakaparadang kariton na may nakataklob na trapal. Naupo siya rito para magpahinga hawak ang isang bote ng nature spring na nadampot niya lang sa jeep na sinakyan niya at sinalinan niya lang ng tubig mula sa automatic tubig machineyung hinuhulugan ng piso. Uminom siya para ibsan ang uhaw na nadarama niya. Napatulala siya sa kalsada at minasdan ang mga taong nadaan. "Paano kaya natitiis ng mga taong ito na paulit-ulit kada araw yung ginagawa nila? Hindi ba sila nagsasawa? Hindi ko kaya yun. Hindi ako ganoon ka motivated para gawin ng paulit-ulit ang isang bagay sa buong buhay ko. Gusto ko laging may bago", yan ang tumatakbo sa isip niya habang nakatingin sa mga nagdaraang mga naka-uniform na empleyado.
"Bata! Ang ingay mo naman! Pwede bang pag nag-iisip ka wag mong isasalita?! Natutulog ako e. Saka bakit ka ba nakaupo dito sa limousine ko?", nagulat siya nang may nagsalita sa likuran niya. Isang matandang pulubi na natutulog sa kariton, siya yung nasa loob ng trapal.
"S-sorry po manong."
"Ha?!! Teka... Akin na yang hawak mo", matapang na sabi nito sabay kinuha ang hawak niyang bote na may tubig at ipinangmumog ang laman nito bago idinura muli ang tubig sa loob at ibinalik sa kanya.
"Hindi ko po napansin na nandiyan kayo"
"Siyempre nakataklob ako ng trapal. Saka narinig ko yung sabi mo ha."
"Ang alin po?"
"Yung paulit-ulit yung ginagawa ng mga taong yan."
"Ah yun po ba?"
"Maupo ka bata", utos nito na agad namang sinunod ng lalaki. "Alam mo bata kaya nila ginagawa yan ay dahil sa obligasyon. May obligasyon sila sa mga pamilya nila kaya kahit hindi nila ganoon kagusto ang mga trabaho nila ay nagsisikap sila. Hindi naman kailangan laging gusto mo lang ang gagawin mo."
"Eh manong kasi hinahanap ko po yung bagay na gagawin ko ng buong puso."
"Ahhhh... Gano'n ba?"
"Opo manong."
"Kung ganon hindi mo kailangang gayahin yang mga yan. Ang tanong nahanap mo na ba?"
"Yun nga po hindi pa e."
"Ahhhh. Isa pang tanong, anong bagay ang pinakapinag-igihan mong gawin?"
"Uhmmmmm"
"Ang tagal mo naman mag-isip!"
"Siguro po yung paghahanap ng bagay na gagawin ko ng buong puso."
"Oh edi umuwi ka na."
"Ha? Bakit po?"
"Nahanap mo na yung bagay na gagawin mo ng buong puso. Yun ay ang paghahanap."
"Ha? Di ko gets."
"Hindi mo kailangang ma-gets. Kasi hindi ko rin gets. Yun lang ang gusto ng writer nitong kwento na sabihin ko sa'yo. Ngayon, umuwi ka na."
"Ahhh sige po. Salamat."
Pagkatapos ng mahaba nilang pag-uusap na wala namang nakaintindi ay agad na umuwi ang lalaki at hinanap ang mga duwende sa bakuran nila. Umikot siya sa buong bakuran ngunit wala roon ang mga duwende. Hindi nga pala sinabi sa kanya ng mga duwende kung paano sila tatawagin ng lalaki kaya hindi niya makita ang mga ito. Mukhang kailangan niyang maghintay hanggang sa magpakita sa kanya ang mga duwende kaya pumasok na lang siya sa loob ng bahay upang magpahinga.
Kinabukasan pagsapit pa lang ng umaga ay lumabas agad sa bakuran ang lalaki para makausap ang dalawang duwende. Pagkalabas niya ng bakuran ay naroon agad ang dalawang duwende na nakakunot ang noo na naghahantay sa kanya. Agad niyang nilapitan ang mga ito. Lumuhod siya para makita ng maigi ang dalawa.
"Nasaan na ang holen?"
"Ay oo nga pala naiwan ko sa loob."
"Kunin mo, dali.", agad bumalik sa loob ng bahay ang lalaki para kunin ang holen at mabilis na bumalik palabas.
"Eto po. Pula na po lahat."
"Mukhang kinulayan mo lang ha", sabi ng isang duwende. Kiniskis naman ito ng isa pang duwende ngunit hindi nawala ang kulay.
"Maigi. Nagawa mo ang pinapagawa namin."
"Yes! Salamat po! Tatanggalin niyo na po ba yung sumpa?"
"Ayaw ko sana pero yun ang ipinangako namin sa iyo."
"Yes! Salamat po ulit ng marami."
"Spellus alisus", pagkasabi ng duwende sa mga katagang ito ay naramdaman ng lalaki na nawala na nga ang sumpa sa kanya. Napatalon siya sa tuwa kasunod nito ay ang pag-alis ng dalawang duwende.
Hindi tumigil sa kakatalon ang lalaki, makikita sa mukha niya ang labis na kagalakan dahil nawala na ang sumpa sa kanya. Simula noon ay naging mas matiyaga na ang lalaki. Hindi man nawala sa kanya ang ugaling mabilis magbago ng gustong gawin ay naging mas masipag naman siya na gawin ang mga bagay na nagbibigay sa kanya ng interes. Hindi siya tumigil sa paggawa ng mga bagay nang sa gayon ay mahanap niya ang pinakagusto niyang gawin.

"Sigurado ka ba na tama lang na inalis natin sa kanya ang sumpa?", tanong ng isang duwende sa isa pang duwende.
"Oo naman. Nangako tayo e."
"Pero bumalik na naman siya sa pagpapalit-palit ng gagawin."
"Wala tayong magagawa. Yun lang ang ginagawa niya na binubuhos niya ang buong-puso niya, ang pagsubok ng iba't ibang bagay."
"Hay, kainis. Sasakit na naman mata ko kakanood sa kanya.
"Tanggalin mo para di sumakit."
"Ewan ko sayo!"

THE END

Moral Lesson: Limousine ang tamang tawag sa kariton ng mga pulubi.

TresWhere stories live. Discover now