"What did you do to me, Thrizel?!" Matigas, seryoso at inis ang nilaan ko sa pagtatanong. Ni ako ay naguguluhan, hindi ako sigurado. Bakit ganito ako kumilos? Anong nangyayari sa akin? May mali.

"I didn’t do anything." Malumanay niyang sagot, hindi siya namomroblema, parang wala lang sa kaniya na nagiging ganito ako. Wala siyang pakialam kaya mas lalo akong nainis.

Pero bakit ba siya ang tinatanong ko? Sarili ko naman ito, dapat alam ko kung anong nagyayari sa akin. Nakakainis!

"Seriously?" Muli kong pagtatanong.

May parteng parang may ginawa siya sa akin. Hindi ako magiging ganito kung walang dahilan pero paano kung sarili ko lang din pala ang may gawa nito? No, hindi, hindi maaari.

"Hindi ko alam kung anong tinutukoy mo, Thrale. Ayos naman tayo, wala naman tayong tampuhan na nagaganap pero kung makapagtanong ka sa akin kung anong ginawa ko sa ‘yo, parang galit ka pa. Hindi kita maintindihan, dahil alam kong wala talaga. Bakit hindi mo sisihin iyang sarili mo? Masyado kang magulo." Tuluyan na siyang umalis, ni hindi man lang ako sinulyapan. Siguro ako nga itong magulo pero...

Bakit naman ako naguguluhan?

Napatingin ako sa pinto, naalala kong lumabas pala si Anissa. Agad akong lumabas para hanapin siya.

"Anissa!" Tawag ko.

Nilibot ko ang aking paningin ngunit wala siya. Saan naman kaya nagpunta iyon? Gabi na, hindi siya p’wedeng lumayo.

Pumunta akong likod ng bahay, nakahinga naman ako nang maluwag nang makita ko siyang nakaupo sa gilid ng swimming pool. Nakalublob ang dalawang paa sa tubig. Agad ko siyang nilapitan.

"Anissa." Muli kong tawag, hindi siya sumagot o harap man lang. "Hey." Wala talaga, ngayon lang siya naging ganito sa akin kaya puno ako ng pagtataka. Anong dahilan niya?

Umupo ako sa kaniyang tabi, hinawakan ko siya sa balikat. "Are you okay? What's wrong, honey?"

Bumuntong hininga siya at humarap sa akin. Umiling.

"Alam kong mayroon, spill."

"Wala, Thrale, pumasok ka na sa loob. Malamig."

"Ikaw dapat pinapapasok ko."

Muli siyang bumuntong hininga. May problema talaga. "P'wede ka nang huminto, Thrale."

"Anissa." Hinarap ko ito sa akin. "Pumasok ka na sa loob, malamig. Gabi na, nandito ka pa sa swimming pool. Tara na." Hinatak ko ang kaniyang kamay ngunit kinuha niya ito.

"That’s not mean." Natigilan ako roon, hinarap ko siya. "Thrale, huminto ka na sa panliligaw." Hindi ako nakasagot. Nanatiling nakatingin sa kaniya. "Uulitin ko pa b—"

"Narinig ko, tama na." Nag-iba ang aking reaksyon, hindi ko matanggap. Bakit niya ako pinapahinto? Anong nangyari sa kaniya? Sa tagal namin, ngayon lang siya nagganiyan? Umasa ako.

"Thrale, hindi ka ba napapagod kakahintay sa akin?" Hindi ulit ako nagsalita. "Nadadamay ako sa problema niyong magkapatid." Nangunot ang noo ko. "Kanina, nakita kitang parang galit, hindi ba kayo ayos ni Thrizel? Bakit kailangang idamay ako? Alam kong sa inyo ako nakatira." Huminto siya. "Hindi lang naman iyon ang problema ko, parang hindi pa kasi ako handang pumasok sa... alam mo na. Sorry kung pinaghintay kita ng taon, kung mapupunta lahat sa wala ang panliligaw mo ng matagal. I’m sorry, Thrale. Noong isang araw ko pa sana sasabihin kaso natatakot ako. Wala akong ibang mahal, I have nothing new. Mahal kita, Thrale, walang pagbabago." Nakikinig lamang ako. "Alam kong natatanong mo na sa sarili mo kung anong dahilan ko, ito, sinasabi ko na. Handa mo ba akong pakawalan? Lame reason ba ito? Maayos kang lalaki, matino, kahit sinong babae ay magugustuhan ka lalo na’t sa pagiging protective mo. Kasama sa buhay ang ganito, Thrale."

"It’s okay." Ngumiti ako sa kaniya ng pilit kahit alam kong naluluha ako. Fck, bakit ako maiiyak? Minsan lang ito sa akin, bakit nangyayari ngayon?

"Hindi naman ako mawawala, I’m always her—"

"Hindi na kailangan."

"Thral—"

"Hindi ko alam kung pagiging isip bata ba ang inaakto ko." Tinitigan ko siya. Kinagat ang ibang labi para hindi kumibot. Napahilamos ako ng mukha. "Whatever your reason, you explain, I don’t understand. I can’t accept, damn it." Huminga ako nang malalim at bumaling sa iba. "Hindi mawawala ang rejection sa panliligaw, ewan ko. Tangina, hindi ko matanggap ‘to. Umasa ako e, umaasa, ang taas ng pag-asa tapos biglang..." Natahimik ako at tumalikod ako sa kaniya. "Pumasok ka na sa loob."

"Thrale." Nagsusumamo ang kaniyang boses. "Saan ka pupunta?"

"Huwag mo nang alamin, pumasok ka na."

Tuluyan na akong umalis doon. Napatingin pa ako sa aming balkonahe, nakita kong nakatayo roon si Link. Mukhang nasaksihan ang pangyayari.

Lumabas ako at pinaandar ang aking kotse. Gusto kong mapag-isa. Sa sobrang bilis kong magmaneho ay nakarating agad ako. Pumasok ako sa loob at nanghingi agad ako ng isang shot sa bartender. Hindi ako legal age pero kilala ko ang may-ari nito.

Maraming tao ang nandidito ngayon. May mga babaeng nakatingin sa akin, mga hindi ito lumalapit. Alam ko naman ang kanilang dahilan, palagi akong pumupunta rito dati kaya imposibleng hindi nila ako maalala. Kapag nilalapitan nila ako, wala akong ibang ginawa  kun’di ang sigawan sila. Wala, naiirita ang aking pagkatao sa kanila.

Habang umiinom ako, tumunog ang aking cellphone. Kein ang pagkakabasa ko sa caller. Ano namang naisipan nito at tumawag? Kahit nahihilo ako, alam ko ang aking ginagawa.

"Hello?" Seryoso kong bungad.

"Are you drunk?"

"Shut up, what do you need?"

"Ang tagal tagal ko na rito sa ospital, ni hindi mo man lang ako pinuntahan."

"Lame." Saka ko pinatay ang tawag. Ang drama niya.

Nakailang shot pa ako hanggang makaramdam ng hilo. Dumadalawa na ang aking paningin. Himala? Wala man lang lumapit na lalaki rito sa akin. Nilibot ko ang aking paningin na baka may makilala ako.

Kaso gano’n nalang mangunot ang aking noo nang iba ang aking nakita. Agad akong tumayo.

"Arella." Banggit ko sa kaniyang pangalan.

Palabas ito ng bar kaya tumayo ako. "Arella!"

Halos takbuhin ko ang pinto para lang maabutan siya. Kilala ko ang kaniyang mukha, alam kong siya iyon!

"Arella!"

Nang makalabas ako ay inilibot ko ang aking paningin ngunit wala akong nakitang ni isang tao sa labas.

Alam kong nakita ko siya!

Itutuloy...

Loving My Brother #1: Thrale's StupidityWhere stories live. Discover now