Chapter 23

7 0 0
                                    

Bumalik ako sa normal. Kinausap ako ng Mama ni Yza at pumayag siya na dun muna ako sa kanila tumira. Only child si Yza kaya medyo okay sa mama niya na may iba na silang kasama.











Pumapasok na ko sa school mag isa at wala na kong balita kila Kuya.










Medyo okay na ko ngayon pero I miss Papa.










"Heyyy" nasa canteen kami ng sumulpot sila Riqy.










"Babe. Nasabihan mo na ba si Tita?" tanong ni Jeco kay Chloe.











"Oh. Oo nga pala. Guys, di ba malapit na yung bakasyon? Why not, punta tayo sa province namin?" tanong ni Chloe sa amin.










"G kami" sabi ni Iwyo na nakaakbay kay Yza.











"Let's go. Kami din" sabi nila Jam at Hance.










"I'm sorry. I can't" sabi ko. Napatingin naman sila sa akin










"Bakit?" tanong ni Yza.










"Balak ko kasing mag work ngayong bakasyon, wala kasi akong proper income since alam niyo naman yung nangyari di ba? Nahihiya din ako kay tita Li na umaasa ako sa kanila." sabi ko.











"Hoy huwag kang mahiya, tuwang tuwa nga si Mama sayo e" sabi ni Yza.











"Ilang days lang naman tayo dun e" sabi ni Chloe.











"Oo nga. Sumama ka na." sabi ni Jam











"Ganito, after ng vacation, i aapply kita sa coffee shop ng pinsan ko? Deal?" sabi ni Hance. Napangiti naman ako.











"Talaga? Salamaaat ah" sabi ko.











"No worries, ikaw pa ba?" tanong ni Hance.











"Oh ayan ah. Sasama ka na" sabi ni Chloe. Napatango naman ako











"Yehey" napasigaw pa sila sa saya.











"Ikaw, Riqy?" tanong ni Jeco sa kanina pang tahimik na si Riqy.











"Count me in" sabi niya lang. "Luna, let's talk" sabi niya pa sabay hila sa akin palabas ng canteen. Medyo na akwardan naman ako kasi andaming nasaksihan ni Riqy about sa family ko.











Pero still, he's my crush. Kaya nahihiya pa din ako around him.










Dinala niya ko malapit sa gate. Napatingin naman ako sa taong nag aantay sa gate. Si Kuya.











"Peter ask me a favor para makausap ka" sabi ni Riqy. Medyo na dissapoint ako kasi akala ko aamin na siya sa akin. Shutaaaa umasa ako.










"Luna" tawag ni Kuya. Aalis na sana ako ng hilahin ako ni Riqy pabalik.











"Luna, this will help you" sabi ni Riqy.











"Salamat, Riqy" sabi ni Kuya.












"I don't have anything to say" sabi ko











Tumalikod ako sa kaniya.












"Aalis na kami bukas" napatingin naman ako sa langit. Humarap ulit ako sa kaniya at ngumiti.












"Nice. Have a safe flight" sabi ko sa pinaka magaan kong boses.












"I'm not here for that" sabi niya. "Pzix wanted you to be there. Kahit ihatid mo lang daw siya. Ayaw nyang umalis na may sama ka ng loob sa kaniya" napatango nalang ako.











"Anong oras kayo aalis?" tanong ko.











"3pm. We will wait" sabi ni Kuya. "Luna, I'm sorry. I'm not as strong as you. I can't even protect you. I'm really sorry. How arw you? Balita ko kila Yza ka daw tumutuloy ngayon ah. " sabi niya pa.










"I'm okay now. Stop asking about me. I'm preparing my own life now" sabi ko sabay alis.

Exhausting LoveWhere stories live. Discover now