Chapter 1

11 1 0
                                    

"Nakausap namin si Riqy, hindi ka daw niya namukhaan. Sabi ko sayo effective skin care routine mo e. Tuloy mo lang" sabi ni Yza.












"Are you okay?" tanong ni Chloe. Tumango naman ako.












"Luna. Sorry pala kanina ah" sabi ni Rose sa akin. Na cancel yung meeting namin kanina.











"Okay lang" sabi ko. Ngumiti pa siya sa akin bago tuluyang lumabas ng room. Wala na kaming klase ngayon at inaantay nalang yung paper para sa attendance.











Nung makapag attendance kami, lumabas agad kami mg room at nandun si Jeco. Sa tagal nilang mag jowa ni Chloe, nasanay na kaming kasama sila sa paglabas ng school. Naghihiwa hiwalay kasi pagkalabas na ng campus













"Luna" bigla akong napatingin kay Riqy ng tawagin niya yung pangalan ko. Kinalabit naman ako ni Yza. "Sa inyo yung computer shop dun di ba?" tumango lang ako. Naamaze talaga ako sa mukha ng isang to. Sobrang gwapo.












"Mag co computer ka?" tanong ni Hance.












"Hindi. Magpapa print lang. Nasira printer ko sa bahay e" sabi ni Riqy












"Sus. Kunyari ka pa. Pinatungan mo na naman ng babae mo no. " sabi ni Jam.













"Shut up." sabi niya kay Jam. "Sabay na ko sayo." sabi ni Riqy sabay bato ng bag niya sa akin. "Bitbitin mo yan" sabi niya. Napakunot naman yung noo ko.











"Inuutusan niya ko?" tanong ko kay Yza. Tumango naman si Yza. Pasalamat talaga tong lalaking to at crush ko siya. Binuhat ko nalang yung bag na sobrang gaan.











"Uuwi na kami. Ingat kayo" sabi ni Yza.












"Bye bye bye" sabi naman ni Chloe.











Naglakad na ko pauwi sa bahay habang kasunod lang si Riqy.












"Namumula ka" sabi niya bigla. Napahawak naman ako sa mukha ko. "Kinikilig ka?" tanong niya.











Umiling ako. Pero kinikilig talaga ko. Gusto ko na nga sumigaw e











"Pumasok ka na sa loob. Nagbabantay yung kapatid ko sa harap. Pwede ka dun magpa print" sabi ko sabay pasok sa pinto ng bahay namin. 2 kasi pinto dito. Isa yung sa mismong bahay namin. Yung isa dun sa shop.












Computer shop ng Kuya ko to. Nasa ibang bansa si Mama. Habang si Papa naman nasa barko. Kaya naman naming mabuhay. Pero it doesn't mean na napupunan yung need namin araw araw. Kaya nag decide kami na magtayo ng computer shop. Minsan hindi nakakapagpadala si Mama. At hindi naman pwedeng araw araw umuwi si Papa. Kaya wala kaming magawang magkakapatid. May dalawa pa kong kapatid na lalaki. Si Kuya Peter at yung bunso namin si Pzix. 4th year college si Kuya habang 2nd year ako. Then highschool si Pzix. Nag aantay nalang kami na makagraduate si Kuya at palalaguin pa namin tong shop.












"Oh, Riqy. Anong kailangan mo?" rinig kong tanong ni Kuya kay Riqy. Kahit siya kilala si Riqy, o di ba? Famous e.











"Kilala mo si Luna?" tanong ni Riqy kay Kuya. Teka, kilala niya si Kuya?












"Kapatid ko" sabi ni Kuya












"Oh, that's why pareho kayo ng apelyido. Akala ko nagkataon lang" sabi ni Riqy











"Bakit? May sinabi ba si Luna sayo?" tanong ni Kuya dahilan para lumabas ako sa shop

Exhausting LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon