Chapter 20

8 0 0
                                    

3 days after. Nakaburol pa din si Papa.










Hindi ko na din nakakausap sila Chloe. Kasi pinatay ko yung phone ko.










"Ate" nakaupo ako sa upuan ng may tumawag sa akin. Si Layla yun. Kasama sila Riqy.










"Oh. Tatawagin ko muna si Pzix" sabi ko. Pumunta ako sa kusina para tawagin si Pzix.










"Nandyan sila Layla, Pzix" sabi ko. Tumango naman si Pzix.










Pumunta siya sa sala. Sumunod naman ako. Niyakap agad ni Pzix si Layla.










"Iha?" nakita ko bigla si Tita. Yung mama ni Riqy. Niyakap niya ko bigla. Bigla namang tumulo yung luha ko nung mga oras na yun.











"Ayos ka lang ba?" tanong ni Tita.










"Okay lang po ako. Kinakaya ko naman po" sabi ko.










"Bat di mo sinabi sa amin?" bigla akong hinampas sa kamay ni Yza.










"Sorry. Di na kasi ako makagamit ng phone e." sabi ko.










"Nag alala kami sayo" sabi ni Chloe.










"Condolence" sabi ni Riqy. Bigla niya kong niyakap. "I'm sorry" sabi niya.











"Riqy, nandito ka pala. Usap tayo" sabi ni Kuya Peter.










Bumitaw siya sa pagkakayakap sa akin. At sumunod kay Kuya











"Paano niyo nalaman?" tanong ko kila Chloe.










"Sinabi ni Riqy sa amin. Sinabi ni Layla sa kaniya. Tas si Pzix nagsabi kay Layla. Then sinabi namin kila Chloe" sabi ni Jam.










"Are you okay na?" tanong ni Hance










"Sobrang laki na ng eyebags mo" sabi ni Iwyo.











"Natutulog ka pa ba?" tanong ni Jeco.










"Oo naman" pagsisinungaling ko. 2 days na ata akong walang tulog. Ayoko kasing iwan si Papa e.










"Luna. Samahan mo naman ako sa kwarto ni Peter. May pinapakuha siya e" sabi ni Riqy.











Tumango naman ako at sinundan siya. Umakyat kami pero hinila niya ko papasok sa kwarto ko.










"Pinakiusapan ako ni Peter na tulungan ka para matulog. Hirap na hirap ka daw matulog?" tanong niya











"Miss ko lang si Papa" sabi ko.











"Valid naman yung reason mo Luna, pero magpahinga ka naman. 2 days ka ng walang tulog oh" sabi ni Riqy, pinahiga niya ko sa kama. Tas tinabihan ako.










"Pwede ba kitang yakapin?" tanong ko sa kaniya. Tumango naman siya.











Bigla akong naiyak, naalala ko bigla si Papa. Pag di ako makatulog, tinatapik niya ko tas yayakapin ko siya.











"Papa, huwag ka ng aalis ah" bigla kong sabi. Biglang humigpit yung pagkakayakap niya sa akin










"Shhh" pagpapatahimik niya sa akin. Tas bigla niya kong tinapik kaya mas lalo akong naiyak










Ilang sandali lang ay tuluyan na kong nakatulog.










_____

Nagising ako na nakayakap kay Riqy. Tinignan ko yung orasan ko at 7 am na. Tumayo ako, para bumaba. Sila Kuya nalang nandun












"Si Riqy lang pala makakapagpatulog sayo" sabi ni Kuya.












"Nakakahiya kila Chloe" sabi ko ng maalala ko na nandito din pala sila kahapon.











"Okay lang daw. Sinabi mo sa kanila na natutulog ka kahit hindi naman." sabi ni Mama.











"Ate, saglit lang itinulog mo ah? Matulog ka pa" sabi ni Pzix.












"Kaya ko na po. Ako na magbabantay kay Papa" sabi ko.











"Huwag kang makulit. Mas kakampihan ko si Pzix ngayon. Kulang na kulang yung tulog mo" sabi ni Mama.

Exhausting LoveWhere stories live. Discover now