Chapter 2

8 1 0
                                    

"Kuya" sigaw ko kay Kuya. Tumingin naman siya sa akin.











"Bakit?? Ayaw mo malaman ni Riqy na crush mo siya?" Biglang nanlaki yung mata ko sa tanong ni Kuya. Tumingin pa ko ng masama sa kaniya bago tuluyang bumalik sa loob ng bahay










"Pa print nalang ako" rinig kong sabi ni Riqy.











Di na muna ako bumaba dahil nagpatulong si Pzix sa assignment niya. Nagluto na din ako ng hapunan namin kasi alam kong tatamarin na naman ako.











"Luna. Kanina ka pa inaantay ni Riqy sa baba" napatingin naman ako sa likod ni Kuya. Nandun si Riqy.











"You brought me here. Di ba dapat dalhin mo ko sa school?" tanong ni Riqy.











"Sorry, akala ko umuwi ka na" sabi ko. Sinuot ko yung jacket ko bago tuluyang lumabas. Medyo umaabon din kasi kanina. Pero wala na naman ngayon.










Hindi kami nag usap ni Riqy. Tinatanong niya lang ako kung paano ko daw naging kapatid si Kuya Peter. Senior niya pala si Kuya sa basketball. Kaya kilala niya.










"Crush mo daw ako?" tanong niya sa akin nung makarating kami sa school










"Huwag mo ngang intindihin yun" sabi ko sa kaniya. Tumango tango pa siya habang nakangiti.










"This is not the first time na may magsabi sa akin nun."sabi niya.











" Pangalawa yung kay Kuya. May iba ka pa bang narinig? " tanong ko.










" Kay Yza, kay Peter, kay Pzix" napatingin ako sa kaniya . Muntik na kong ma out of balance kasi medyo malapit na yung mukha namin sa isa't isa.











"Uuwi na ko. Nandito ka na naman e. Bye" sabi ko sabay takbo pauwi sa bahay











___

"Don't date Riqy. Okay?" paalala ni Kuya sa akin. Sabi niya jowain ko na ang lahat huwag lang si Riqy. Sigurado daw kasing iiyak ako. He know what kind of guy si Riqy.










"Why did you tell him na crush ko siya?" tanong ko. Tumawa naman siya










"Wala lang, gusto lang kitang asarin" sabi niya.










"Anong sinabi ni Pzix kay Riqy?" tanong ko...










"Kung gaano katagal mo na siyang crush" sabi ni Kuya dahilan para mapatingin ako kay Pzix











"PZIX!" sigaw ko. Hinabol ko siya hanggang sa nagsapakan na kaming dalawa.











___

Nasa school kami at kanina pa tong Riqy na to. Pinahawak niya yung bag niya sa akin, tas alam niyo ba sabi niya?













"Susundin mo lahat ng gusto ko, o ipagkakalat ko kung gaano ka kabaliw sa akin?"











Blackmailer si Loko.











So yun na nga. Hawak ko yung bag niya tas pabalik balik tuloy siya sa akin. Kukuha ng papel, ballpen, notebook, cellphone etc.












" Kailan mo pa naging alila si Luna? "tanong ni Yza kay Riqy. Ngumiti naman si Riqy. Medyo napagod na ko kakatayo kaya umupo naman ako..










" Luna. Pagod ka na? Ako nalang magbibitbit ng bag ni Riqy" sabi ni Dione na bagong sulpot. Biglang lumapit si Riqy tas kinagat yung labi niya.











"Give my bag to her" sabi ni Riqy habang nakatingin sa akin. Inabot ko naman yung bag niya kay Dione.











"Thank you" sabi ko kay Dione at aalis na sana kaso..










"Did I allow you to leave?" - Riqy

Exhausting LoveWhere stories live. Discover now