Chapter 39

8 0 0
                                    

Dun ko lang naunawaan ang lahat. Lumabas ulit siya kasi kakausapin daw siya ni Tita. Sabi niya mag stay lang ako sa kwarto. Kaso na bored ako kaya lumabas ako sa terrace and mula sa terrace narinig ko silang dalawa na nag uusap. Nasa baba sila sa garden. Di kalayuan sa mismong terrace.












"I know na hindi ka seryoso kay Luna. That's why I act like that" sabi ni Tita












"Mom, pwede ba? Si Luna yung gusto ko, kung gusto mo si Irish para sa akin, pwes ayoko" sabi ni Riqy












"Sagutin mo yung tanong ko, seryoso ka kay Luna?" tanong ni Tita












"Mom, sa tingin mo di ko na kayang magseryoso after Irish?" tanong ni Riqy.












"Siyam na buwan kitang dinala sa tiyan ko, 20 years na kitang kasama sa buhay ko. Kilala kita, hindi mo tinatrato si Luna katulad ng pagtrato mo kay Irish dati" sabi ni Tita.












"Because I want to experience the act of service towards me. Hindi yung laging ako lang" sabi ni Riqy.












"That means hindi ka seryoso kay Luna. Tama ako" sabi ni Tita..











"Ma, pwede ba" pang angal ni Riqy












"Hiwalayan mo si Luna, at pakasalan mo si Irish. Kahit nag aaral palang kayo." sabi ni Tita.












"No." sabi ni Riqy












"Riqy Daczel!" sigaw ni Tita.












"I love Luna. I love her." sabi ni Riqy












"Sabi ni Jeco sa akin, nagustuhan mo lang siya dahil virgin siya. Wala ka talagang balak seryosohin si Luna. Di ba, gusto mo lang maranasang gumalaw ng virgin, o ngayon nagawa mo na" sabi ni Tita. Medyo nagulat ako sa sinabi niya. Did he just push Riqy to continue his doing?















Pero mas nagulat ako sa sumunod na sinabi ni Riqy.












"Fine, I just want her virginity. Pero it doesn't mean na wala na kong nararamdaman sa kaniya" biglang tumulo yung luha ko ng marinig yun. Medyo nabibingi na ko sa mga naririnig ko.











"Naaawa ka lang kay Luna" sabi ni Tita. At dun tuluyan na kong umiyak ng umiyak. Nasasaktan ako sa mga naririnig ko.











Pumasok ako sa kwarto ni Riqy at dun umiyak.












"Luna, uuwi na daw sila Yza. Sasabay ka ba?" biglang pumasok si Chloe sa kwarto tumango nalang ako. Sabay kuha ng bag ko.












"Tita, uuwi na po kami" sabi nila Chloe.












"Ah ganun ba, sige mag iingat kayo. Nasa labas si Riqy" sabi ni Tita. "Iha. I know you heard everything" hinawakan niya yung balikat ko. At tumulo na naman yung luha ko











" Hindi lang pala si Riqy at ikaw ang sinungaling sa pamilya niyo" nabigla sila Chloe sa sinabi ko. "Pati si Layla, nagawa akong paglaruan" sabi ko. Sabi ni Layla sa akin before na gusto ako ni Tita para kay Riqy, lahat yun kasinungalingan. "Aalis na po kami" sabi ko sabay bow sa harap nya. Mukha siyang nagulat sa sinabi ko kaya hindi na siya nakapagsalita.












" Anong nangyari?" tanong ni Jam sa akin. Pero tuluyan na kong umiyak.












"Uuwi na kayo!? Ihahatid ko na kayo" sabi ni Riqy. Bigla siyang tumingin sa akin sabay yakap sa akin.

Exhausting LoveМесто, где живут истории. Откройте их для себя