Chapter 13

7 0 0
                                    

"Classmate ka lang ba talaga ni Pzix?" tanong ko dun sa Layla











"hep hep hep. Huwag kang sasabat" sabi ni Kuya kay Pzix na aawatin sana si Layla.











"Girlfriend po" sabi ni Layla. Ang sama naman ng tingin ni Pzix sa amin.












"Ginayuma ka neto no?" tanong ni Kuya kay Layla.












"Kuya. Nahihiya na ko" sabi ni Pzix











"Huwag kang mahiya. Naunahan mo lang naman magka jowa yung Kuya at Ate mo. Bat ka mahihiya" sabi ko. Tumawa naman si Layla.












"Di ba po kayo yung may gusto kay Kuya Riqy?" tanong ni Layla sa akin












Hinampas ko agad si Pzix












"At mukhang pati sa school mo, pinagkalat mo na may gusto ako kay Riqy ah" sabi ko kay Pzix. "Kaibigan ko si Riqy, huwag niyong bigyan ng ibang meaning" sabi ko naman kay Layla, tumango tango naman siya











"Ano ka ba, Her name is Layla Janna L. Corpuz. L for Liaza. Pinsan siya ni Kuya Riqy. Hindi ako nagkukwento sa kaniya no" sabi ni Pzix










Nagulat naman ako sa sinabi niya.












"Ayaw talaga akong lubayan ng angkan niyo no?" sabi ko. Tumawa naman sila.









"O siya siya. Kumain na kayo." sabi ni Kuya.











"Pero ate, wala pa pong nagiging girlfriend si Kuya na gusto ni Tita." sabi ni Layla.











"Bakit naman, magaganda naman nagiging girlfriends ni Riqy ah" sabi ko.











"Ikaw daw po gusto niya e. I mean si Tita po. Ikaw po yung gusto niyang maging girlfriend ni Kuya Riqy" sabi ni Layla. Napatingin naman ako sa kaniya











"Ay ang ganda. Na meet mo na pala si Tita" sabi ni Pzix











"Oo, nagpunta daw sila Ate Luna kila  Kuya Riqy. Kasama nila sila Ate Dione. Pinagtanggol daw ni Ate Luna si Tita kay Kuya Riqy, kaya gusto niya si Ate Luna para kay Kuya Riqy" sabi ni Layla.












"Paano mo naman nalaman yan?" tanong ko sa kaniya.











"Every saturday po kasi binibisita namin si Tita, last saturday po, kinuwento niya sa amin. Si Tita lang po kasi yung kamag anak namin dito sa Manila na kasosyo din po nila Dad. Tas pag umaalis si Dad, pinapapunta kami ni Tita sa kanila. Dun ko po tinanong kay Pzix kung kapatid niyo po siya. Then niligawan niya po ako "sabi ni Layla na ikinatawa namin.











" Ikaw ah? Nagtanong lang sayo, niligawan mo na" sabi ni Kuya. "Hoy Luna. Kung ano mang iniisip mo, tandaan mo nag usap na tayo" sabi ni Kuya sabay tingin sa akin. Tumango naman ako sa kaniya.











"I'm okay. Magkaibigan lang kami ni Riqy, nothing else" sabi ko











*knock knock*













Napatingin kami sa kumatok, si Riqy?














"Anong ginagawa mo dito?" tanong ni Kuya sa kaniya.












"May ibibigay lang ako kay ----- LAYLA?" nagulat naman kami nung sumigaw siya.












"KUYA? ANONG GINAGAWA MO DITO?" Tanong ni Layla.












"Pumasok ka muna. Mabuti din at nandito ka" sabi ni Kuya Peter kay Riqy. Pumasok siya at umupo sa tabi ko.











"Si Pzix" sabi ko kay Riqy, "kapatid ko" sabi ko ulit











"Alam ko" sabi ni Riqy












"Boyfriend ni Layla" biglang nanlaki yung mata niya sabay tingin kay Layla. "Alam mo?" sarcastic kong tanong

Exhausting LoveWhere stories live. Discover now