Chapter 21

7 0 0
                                    

Wala akong nagawa kundi umakyat. Naisip ko nalang na mag ayos ng gamit, may mga gamit ako na galing kay Papa, at hanggang ngayon umiiyak ako.











Pagkatapos ko mag ayos, bumaba na ko para puntahan sila Mama. May bisita si Papa.











"Ayan na ba si Luna?" tanong ng isa sa mga kausap ni Mama. Napatingin naman siya sa akin










"Oho, kolehiyala na din yan" sabi ni Mama.











Lumapit ako sa kanila.











"Asawa ako ng kapatid ng Mama mo" sabi nya. "Kasama ko yung mama mo sa ibang bansa. Lagi kayong kinukwento nito." sabi ni Tita. Tita ko naman talaga siya e.











"Hello po" napatingin naman kami sa pinto. Nandun si Riqy











"Oh iho, nandito ka na pala." sabi ni Mama. Napatingin naman ako sa kaniya.











"Anong ginagawa mo dito?" tanong ko kay Riqy.










"Sabi ng Kuya mo, crush mo daw si Riqy?" bulong ni Mama sa akin. Napakunot naman ako ng noo sabay kamot sa ulo. "By the way, tinawagan ko si Riqy para ilabas ka muna. Alam kong hindi mo pa kayang tanggapin yung nangyayari, kaya mas mabuting magpahangin ka muna" sabi ni Mama. "Saka para may bonding moments kayo ni Riqy" sabay bulong na naman ni Mama











"Boyfriend mo ba to?" tanong ni Tita sa akin











"Hindi po. Kaibigan ko lang po" sabi ko.











"Nako, kunyari pa kayo. Walang babae't lalaki ang nagiging mag kaibigan lang. Sure ako isa sa inyo may feelings na towards the other" napatingin ako kay Tita sabay tingin kay Riqy. Parang gusto kong sabihin na 'Opo, ako po' pero pinipilit ko na yung sarili ko na mag stick sa kung anuman ang meron sa amin ni Riqy ngayon











"Meron pong mag kaibigan na babae't lalaki. Papatunayan ko po" sabi ko kay Tita.











"Tumulong muna kayong dalawa sa kay Peter. Kakausapin ko lang ang tita mo" sabi ni Mama sa akin. Pumunta naman ako sa kusina kung nasaan si Kuya












"Kuya, magpahinga ka na. Ako naman ang mag aasikaso dyan" sabi ko, napansin ko kasi na pagod na pagod siya.












"I'm sorry" bigla siyang umiyak.












"Anong meron, Kuya?" tanong ko sa kaniya











"Yung kausap ni Mama sa labas. Si Tita. Kukunin ka muna niya" bigla siyang umiyak. "Nagdesisyon si Mama na isama si Pzix sa ibang bansa, Luna" sabi nya na mas lalong ikinunot ng noo ko.













"Iiwan niyo ko dito?" tanong ko.












"Kailangan mong maka graduate dito. Si Pzix, malapit na din mag college. Kaya kung pupunta man kami dun at least dun na siya magsisimula" sabi ni Kuya.












"So iiwan niyo nga ako?" tanong ko ulit.












"Saglit lang yung 2 years, Luna. Makakapag intay ka naman di ba?" tanong ni Kuya Peter.











"Saglit?" tanong ko, napangisi naman ako. "Tsaka bat kailangan kong umalis ng bahay?" tanong ko.











"Ibebenta na ni Mama yung bahay" sabi pa ni Kuya.











"Sobra naman na ata kayo?" tanong ko sa kaniya.











"Peter, I told you not to tell her. Ako dapat ang magsabi sa kanya nun" biglang sumulpot si Mama sa kusina kasunod si Tita.











"For what?" tanong ko. Biglang hinawakan ni Riqy yung kamay ko.

Exhausting LoveWhere stories live. Discover now