Chapter 15

6 0 0
                                    

Lumabas kami ng shop tas binalikan namin sila Pzix.











"Sinong panalo ate?" tanong ni Pzix











"Sino pa ba?" tanong ni Riqy.











" Oh, anong dare pala?" tanong ko kay Riqy.











"Hmmmm. Wala akong maisip e. Sa susunod nalang" sabi niya. Napakunot naman yung noo ko. "Tara na, Layla. Isasabay na kita pauwi. PETER, uuwi na kami ah" sabi niya sabay hila kay Layla











Umakyat nalang ako nung makaalis sila.











Tas nakatulog din ako.











_____

Kinabukasan.




Naipasa ko na yung papel ni Riqy kay Sir. Loreto, nagtataka pa nga si Dione bat ko hawak yung papel ni Riqy, e magkaiba pa naman kami ng course.












"Okay lang. Pinuntahan naman ako ni Riqy kagabi." sabi ni Dione. "Pupunta ba kayo sa game nila?" tanong ni Dione sa amin.











"Oo, kasi inaya ako ni Riqy na panoorin sila" sabi ko sa kaniya. Tsaka naglakad palabas. Sinundan naman ako nila Chloe.












"Tara na?" aya ko sa kanila.













"At kailan ka pa natutong lumaban kay Dione?" tanong Yza.











"Ah? Wala. Mas naging open na ko ngayon, since wala na naman akong pag asa kay Riqy, then mag kaibigan na din kami." Sabi ko.














"Talaga ba? Kaibigan nalang tingin mo sa kaniya?" tanong ni Chloe.












"Ano ka ba. Binusted na kaya niya ko. So aanhin ko pa yung pagkakaroon ng gusto sa kaniya di ba?" sabi ko.












"Oh tama na yan. Tara na" sabi ni Yza.











Pagkadating namin sa court, niyakap agad ni Chloe si Jeco. Medyo masakit sa mata ah.
Pero alam niyo yung mas masakit sa mata? Si Yza, tumakbo palapit kay Iwyo.










"Ano yan?" tanong ko kay Yza.











"Masama na bang yakapin yung boyfriend ko?" Bigla kong napalo yung ulo ko. Sa sobrang busy ko sa lovelife ko. Gumagawa na din ng lovelife tong tropa ko.











"Hindi mo pa sinasabi kay Luna?" tanong ni Iwyo











"Medyo broken kasi this past few days si Luna. Baka mas lalong ma broken pag nalaman niya na tayo na. Kaya di ko muna sinabi. Sorry" sabi ni Yza. Napairap naman.












Nakita ko bigla si Riqy, nakayakap kay Dione. Pero nakatingin siya sa direksyon namin.












Binatawan niya si Dione tas tumakbo siya papunta sa amin.











"Luna." tawag niya sa akin. "Napasa mo ba yung paper ko?" tanong niya.











"Uhm. Oo. Kasabay nung kila Jeco" sabi ko.












"Ayun. Thank you" sabi niya. Tas bigla niya kong niyakap.











Kinikilig ako. Oo, kinikilig ako. Shutaaaaang mother!!












"OA mo naman" sabi ko sa kaniya.











"I hate seeing Dione." sabi niya.











"Nagandahan ka lang kay Stelli kahapon e" sabi ni Jeco.











"Maganda siya. Kaso 0 na" napakunot naman yung noo ko. Kasi na gets ko agad yun.











"Hindi naman sa lahat ng pagkakataon, lahat ng ma me meet mo. 1" sabi ni Jeco.











"Tumahimik na kayo, naguguluhan yung inosente naming frenny." sabi ni Chloe tas tinuro ako. Anong akala nila sa akin? Madre? Syempre nanonood din naman ako ng mga movies. And may secret codes sila.











"Ikaw, anong number ka?" biglang tanong ni Riqy sa akin











"I'm 1" sabi ko. "Tara na, dun na tayo sa upuan" sabi ko kila Chloe at Yza na halatang nagulat sa sinabi ko.

Exhausting LoveWhere stories live. Discover now