Chapter 19

5 0 0
                                    

Napaupo ako sa lapag. Pinapagaan ni Kuya yung loob ko. Habang si Pzix. Biglang umiyak ng umiyak kay Mama.











"Namatay ang papa niyo sa atake sa puso, hindi ko alam na may sakit na pala siya pero nagta trabaho pa din siya" sabi ni Mama. Umiyak lang ako ng umiyak nung oras na yun.











"Papa" sambit ni Pzix. Umiiyak din siya. Yakap yakap na ko ni Kuya.












"Kaya pala hindi mo kami tinatawagan" bulong ko habang umiiyak pa din.












"Dadalhin yung katawan niya bukas sa purinarya. Pumunta nalang tayo dun. Para makita niyo si Papa niyo" sabi ni Mama.











_____

Nagpaalam na ko sa mga prof ko na di ako papasok ng 2 weeks. Baka di ko kayanin e. Nakita ko na si Papa kanina, hindi na siya humihinga.












" Wala pa ding tigil yung iyak ni Pzix. Kumain ka muna dun. Ako ng bahala kay Mama" sabi ni Kuya sa akin












"Sige lang, Kuya. Wala talaga akong gana" sabi ko.











"Pa" narinig kong sambit ni Pzix. "Maglalaro pa tayong basketball di ba? Tatalunin pa natin si Kuya Peter?" tanong ni Pzix. "Napakadaya mo naman. Sabi mo pupunta tayong Singapore pag nag 20 na ko. Papa, 2 years nalang, di mo pa inantay" biglang humagulgol si Pzix. "Papa naman e" sabi niya.











"Tama na yan. Pag nalaman ni Papa na sinusumbatan mo siya. Magagalit yun, sige ka" sabi ko sabay yakap kay Pzix.











"Ate" umiiyak pa din siya.











"Pzix, tigil na. Pag nakita ka ni Layla na ganyan, sige ka iwan ka nun" sabi ko. Tinignan niya ko.











"Papa ko yun e" sabi niya. Bigla nalang akong naiyak nung sabihin niya yun












"Tama ka. Si Papa yun e" sabi ko












Pumasok siya sa loob. Naiwan ako.












"Pa" tawag ko kay Papa. "Broken ako" sabi ko. "Pinaglalaruan ako ng crush ko. Pero alam mo? Mas masakit na makita ka dyan. Bat di ka tumawag? Bat di mo sinabi? Paano si Mama? Miss na miss ka na niya. Pa, salamat sa lahat ah. Salamat sa pagiging coach kay Kuya at Pzix. Salamat sa pagiging head chef mo sa bahay. Salamat sa pagiging asawa ni Mama. Salamat sa pagiging King ng Princess Luna mo. Salamat sa pagiging tatay mo sa amin" bigla nalang nanghina yung tuhod ko. "Miss na miss ka na namin, Pa. Umuwi ka nga, bat dyan ka naman dumiretso" sabi ko.












"Luna." bigla akong napatingin sa dumating.











"Tito, Tita. " sabi ko. Sinalubong ko naman sila. Nakita ko si Tita Lib, yung kapatid ni Papa, iyak siya ng iyak.











"Jusko, Harold." biglang nagwala si Tita Lib. Inalalayan naman siya ni Tito.












"Luna, ikuha mo ng tubig ang tita mo" sabi ni Tito. Pumunta naman ako sa kusina, sinabi ko din kila Mama na nadyan si Tita. Kaya lumabas din sila. Niyakap ni Mama si Tita Lib.











"Bakit mo pinabayaan yung kapatid ko?" biglang humagulgol si Tita Lib














"Ate, sorry" sabi ni Mama.












"HAROLD" mas naiyak ako nung sumigaw si Tita Lib.











"Ate, ate. Kumalma ka please" sabi ni Mama na magang maga na din yung mata.

Exhausting LoveWhere stories live. Discover now