Naunang bumaba sa amin ni Thrale. Ngayon naman ay nagkatinginan kami ni Link. Ngumiti ito kaya nginitian ko rin siya, Sabay na kaming bumaba at pumunta sa dinning area.

Nagsimula na kaming kumain at ‘gaya ng dati, inaasikaso ni kuya si ate. Hindi ko na lamang sila tinignan. Ayoko nang magpahalata.

“Here, kumain ka ng marami.” Napatingin ako sa boses na 'yon. Kay Thrale galing, nilagyan niya rin ako ng pagkain. Nangunot ang aking noo, hindi niya ito ginagawa, ngayon lang. Kapag kasi kakain kami puro pagtatalo. Bakit parang may iba sa kaniya?

“Kumain ka ng marami, Thrizel.” Napatingin ako kay Link dahil nilagyan niya rin ang plato ko.

Tiningnan ako nito at bumulong. “Hʼwag mong bigyan ng kahulugan." Ngumiti siya. Tumango-tango.

Napatango nalang din ako saka nagsimula nang kumain.

Nagsalita naman si ate. “Thrizel, why don’t you come down for a snack?"

Sumubo ako bago magsalita. "I enjoyed the shower so I forgot to eat." Bigla naman akong nabulunan. Inabutan naman agad ako ng tubig ni Link at tinapik tapik ang likod. Gosh, may nakaalala ba sa akin? Joke.

"Tsk." Rinig kong singhal ng aking kuya. "Just eat slowly, Thrizel."

Tumango ako rito. Tumingin kay Link saka nagpasalamat. Natapos kaming kumain, dumiretso kaming sala.

“Anong magandang gawin?” Pagbubukas usapan ni ate.

“Magpuyat.” Sagot ko na hindi sila tinitingnan. Nakatuon ang mata sa selpon.

“Hʼwag ka na magpuyat Thrizel. Kulang ka na nga sa tulog, magpupuyat ka pa.”

Napabusangot naman ako sa sinabi niya.

Ramdam ko naman na nakatingin sa amin ang aking kuya. “Ang magandang gawin ay matulog na. Ikaw Thrizel, drink your milk first before you sleep."

Tumayo na si Link. Sinundan ko lang siya ng tingin.

“Matutulog na ba tayo Thrale?” Anang Ate Anissa.

“Mamaya.” Sagot ni Thrale sa kaniya.

Tahimik lang ako. Nakatingin sa ibang direksyon. Nang maramdaman kong may kumalabit sa akin, tinignan ko ito. Sk Link na naman, may tinuturo siya kaya tiningnan.

“Drink your milk then sleep." Sabi nito kaya napangiti na lamang ako. Ginawa ko ang sinabi niya, may inabot siya sa akin, cookies.

“Oh, isama mo na riyan sa gatas.”

Kakatapos ko lang magsepilyo pero sige.

“Salamat.”

“Hindi ka pa ba matutulog, Link?” Singit sa amin ni kuya.

“Matutulog na rin ako, papatapusin ko lang si Thrizel. Sabay naman na kami."

Humarap ako sa kanilang tatlo. “Inaantok na ako, good night sa inyo.”

“Good night and sleep well, Thrizel.” Si ate Anissa.

Ngumiti na lang ako sa kaniyang sinabi at umakyat na papuntang kwarto. Ramdam ko naman kasunuran ko si Link at ramdam ko rin na nakasunod ng tingin sa amin si Thrale.

Good night, Thrizel.” Nginitian ko siya at pumasok na sa loob.

Nahiga na ako sa aking kama, nakaramdam ako ng antok at pagod kahit wala naman akong ginagawa kaya agad bumigat ang aking paghinga.

“HEY, Thrizel, wake up, it's already late.” Minulat ko ang aking mata. I saw Thrale, bakit siya ang gumigising sa akin? Dapat ay si Link, ah?

“Sige.” Dumiretso akong banyo para gawin ang aking palaging ginagawa.

Nang matapos ay bumaba, hinanap ng aking mga mata si Link.

“Good morning.” Bati mula sa aking likuran. Kahit hindi na ako tumingin, alam ko na si Link ito. Siya pala ang nagluto ng almusal.

“Good morning.” Bati ko sa kanilang lahat.

Nagsimula na kaming kumain, nilagyan ako ng pagkain ni Link. Lagi niya namang ginagawa iyan.

Link's POV

Maaga akong nagising para magluto ng breakfast. Alam kong huli na gigising si Thrizel. Tama nga ako, huli na siya ng gising at si Thrale na ang tumawag sa kapatid niya. Nakita ko na pababa na ito at parang may hinahanap.

“Good morning.” Tumingin naman siya at ngumiti sa akin nang makita ako.

Binati niya kaming lahat. Mukhang masarap ang tulog niya kagabi, mabuti naman. Good mood, e.

Nilagyan ko ito ng pagkain sa plato, palagi ko naman itong ginagawa pero hindi ko alam kung bakit nakatitig sa amin si Thrale. Kaya tiningnan ko siya, seryosong tingin sabay baling muli kay Thrizel na abala sa pagkain.

Nang matapos, umalis si Thrale pero hindi ‘gaya ng dati na nagmamadali. Ngayon ay kalmado na ito.

Nagsalita si Thrizel. "Ang boring, ano p’wedeng gawin?"

“May park dito malapit sa subdivision niyo ‘di ba? Dʼon na lang tayo tutal maingay doon.” Pagyaya ko sa kaniya. Lumawak ang ngiti niya at tumango.

Pumunta siyang kaniyang kwarto para makapagbihis. Ganʼon na rin ang ginawa ko.

Nakapagbihis na ako maging siya. Nagpaalam kami kay Anissa na abala sa ginagawa niya. 

“ANONG magandang gawin dito?”  Agarang tanong ni Thrizel nang makarating. Naglalakad at nakatingin sa mga batang naglalaro.

“Kakain ng damo." Seryoso kong sagot.

Napasimangot naman siya sa sinabi ko. Makulimlim kaya hindi masakit sa balat ang maglakad-lakad. Nakita ko naman si Thrizel na abala sa paglalaro na parang bata. Ako naman ay tingnan na lamang siya, nakaramdam ako ng uhaw kaya nagpaalam ako kay Thrizel na bibili lang ako ng tubig.

Bumibili ako ng tubig nang makita ko si Thrale na may kasamang babae. Para kasing edaran lang ito ni Thrizel, hindi ko nakita ang mukha ng babae dahil nakayuko ito at pumasok sa kotse ni Thrale. Sino ang babae na 'yon? Nakabalik ako kung saan abalang nagduduyan si Thrizel. Inabutan ko ito ng tubig pero hindi mawala sa isip ko ang aking nakita.

Niloloko niya ba si Anissa?

“Hoy, ayos ka lang? Bumili ka lang ng tubig natulala ka na riyan.” Tanong ni Thrizel.

Nginitian ko siya at tumango. Tumabi ako sa kabilang duyan. Magsasalita na dapat ako kaso nakita ko siyang nakatulala kaya agad kong tinanong.

“Ayos ka lang?”

“Parang ginawa ko na ito dati.” Malungkot ang kaniyang boses.

Itutuloy...

Loving My Brother #1: Thrale's StupidityWhere stories live. Discover now