Revenge, huh? My revenge is to build my own life away from people who hurt me. To find happiness without them. Na kaya ko silang kalimutan lahat at ipagpatuloy ang buhay nang hindi sila kasama. They can't destroy me. They can't ruin me.

At isa pa, hindi maniniwala si Andrus kung magpapakita akong masaya at naka-move on na. Hindi siya maniniwala dahil noong mga panahong nililigawan niya ako, alam kong naramdaman niya kung ano ang tingin ko sa kanya. Alam niyang mahuhulog ako sa kanya nang sobra-sobra.

Naiparamdam ko sa kanya na gusto ko siya noon kaya imposibleng hindi niya alam. Hindi ako maiinis sa kanya sa tuwing hindi siya nagtetext kung wala akong gusto sa kanya. Hindi ko siya aabangan sa labas ng bintana ng kuwarto ko at hahayaan ang sariling mapuyat kung wala lang siya sa akin. Hindi ko siya yayakapin nang mahigpit no'ng mga panahong napapagod siya kung hindi ko siya mahal.

He predicted my fall. He knew that time that I was already falling in love with him.

"At sa tingin mo, sa ginagawa mo ngayon, naipapakita mo sa kanya na okay ka? Nagtatago ka sa kanya, ate. For sure, iniisip na no'n na kaya ka nagtatago kasi nasasaktan ka pa rin. Iisipin niyang apektado ka pa rin sa kanya kaya ayaw mong umuwi."

Muntik na akong bumigay sa mga sinabi niya dahil...

Fine, yes! Hindi pa rin ako nakaka-move on! My brother was right! Puwede ngang gano'n ang isipin ni Andrus, at naiinis ako kasi totoo 'yon! Pero I can't risk it anymore! Unti-unti na akong nagiging okay rito, at ayaw kong bumalik ulit sa dati dahil lang sa nakita ko siya ulit.

Ang hirap iahon ang sarili, sa totoo lang. Hindi madali ang proseso. Mahirap buoin muli ang sarili pagkatapos mawasak nang pinong-pino. Matagal. Mabagal. Masakit.

"I don't care, Fin." Hinablot ko ang aking bag sa dressing table bago siya talikuran at lumabas ng kuwarto. Sumunod naman siya sa akin. "Wala akong pakialam kung ano ang isipin niya. Buo pa rin ang desisyon kong hindi umuwi, kahit ano pa ang sabihin mo."

Mabigat at maingay na buntong-hininga ang tinugon ng kapatid ko. Sinabayan niya akong maglakad hanggang palabas ng building nang hindi nagsasalita. Siguro'y napagtanto niya na wala na nga talagang makapagbabago sa desisyon ko. Na kahit ano'ng gawin niyang pagkumbinsi, hindi talaga ako uuwi.

Don't try to convince me again, brother. You'll only get disappointed over and over again if you try.

Kaya lang, sa mga sumunod na araw, gano'n pa rin ang ginawa ng kapatid ko. Maliban sa pag-update sa akin tungkol sa kundisyon ni Papa, ang pag-uwi rin sa Pilipinas ang isa pang topic na pilit niyang pinapasok sa usapan. Ngayong araw lang yata kami nag-usap nang hindi tungkol doon...

"Congratulations!" bati ko sa kanya nang sa wakas ay hawak na niya ang kanyang diploma. "Welcome to the real world!"

Ngumiti siya. "Thanks. Let's celebrate tonight?"

Pinulupot ko ang aking kamay sa kanyang katawan habang ang isang kamay naman niya'y agad na umakbay sa akin.

"Sure! Where do you want to celebrate? Huwag sa condo, ha. That's boring!"

I know my brother. He's a nerd and he wants to celebrate in a quiet and peaceful place. Syempre, hindi ako papayag doon! I want to treat him to a place where we can enjoy ourselves and have some fun. You know, where we can drink and indulge ourselves in a loud and crowded place.

Palabas na kami ngayon ng gate ng university nila nang bigla siyang huminto sa paglalakad at lumayo sa akin. Halos matawa ako nang makita ang naniningkit niyang mga mata, punong-puno ng panghuhusga.

"I know what you're thinking!" bulalas niya dahilan upang humalakhak ako. "We're not going to celebrate my graduation in that way! You can treat me to a fancy restaurant if you don't want to stay in our condo. Basta huwag lang sa lugar na iniisip mo!"

The Sound of GunfireDonde viven las historias. Descúbrelo ahora