Guard

580 29 6
                                    

ANNIKA

MAS LALO akong hindi nakatulog pagkatapos akong ihatid ni Andrus sa kuwarto niya. Malalim na buntong-hininga, pagtitig sa kisame, at maraming beses na pagpalit ng puwesto sa kama ang ilang beses ko nang ginawa habang iniisip ang mga sinabi niya.

Hindi ako makapaniwala na manliligaw siya! Wait, manliligaw ba talaga siya? Paano? Hanggang kailan? Paano ko siya sasagutin? Oh gosh! Paano si Finian? Paano si Papa? Paano si Tita Aurelia? Sino ang magsasabi sa kanila tungkol sa panliligaw niya? Ako ba o siya? O sabay kaming dalawa?

Marahas kong hinila ang kumot upang takpan ang aking mukha. Sinubukan kong huwag ngumiti ngunit hindi ko talaga mapigilan. Nababaliw na ako!

Kaya naman paggising ko kinabukasan, hirap na hirap akong lumabas ng kuwarto. Ang sabi ni Tita Aurelia sa note niya kagabi'y maaga siya aalis kaya sure akong paglabas ko rito, wala na siya! So, kami na naman ni Andrus ang magkasama!

Matagal ang naging kilos ko dahil sa dami ng iniisip, partikular na sa mangyayari paglabas ko sa kuwartong ito. Habang naliligo at nag-aayos ng sarili, hindi ako mapakali. Huli na bago ako naging conscious sa damit na pinadala ni Finian. Siguro'y tinamad na ang kapatid ko maghanap ng damit sa closet kaya hinablot na lang niya itong floral off-shoulder dress sa hanger. Well, maayos naman ito kaya buti na lang.

Siniguro kong maayos ang itsura ko paglabas ng kuwarto. Malakas ang kabog ng dibdib ko habang hinahanap si Andrus sa sala. Nakahinga ako nang maluwag nang makitang walang tao roon. Ngunit agad din akong nanlumo nang maisip na baka umalis siya nang maaga para magtrabaho.

Pero hindi siya puwedeng umalis kasi ihahatid niya ako sa bahay. Nangako siya kay Finian na siya ang maghahatid sa akin para makausap niya si Papa.

Oh gosh! Mag-uusap nga pala sila ni Papa! Sasabihin na kaya niya ang tungkol sa... aming dalawa? Arg! Relax ka lang, Annika! Nag-o-overthink ka na naman!

Napatingin ako sa kurtinang tinatangay ng hangin dahil sa nakabukas na bintana. Tumatahol si Sarge sa labas kaya agad akong lumapit sa bukana ng pintuan upang sumilip. Napalunok ako nang datnan si Andrus na pinaliliguan ang kanyang aso na tanging pantalon lang ang suot. Basang-basa ang buong katawan niya dahil natatalsikan siya ng tubig kapag magaslaw si Sarge.

Tumingin sa akin si Sarge at tumahol kaya nagawi ang mata ni Andrus sa kinaroroonan ko. Naglakbay ang mata niya sa suot ko bago muling tumigil sa mata ko. Ngumiti ako sa kanya.

"Good morning. Kumain ka na?" tanong ko sa isang malambing na boses.

Wait, malambing? Hindi ka ganyan, Annika! Ayusin mo! Hindi porke't nililigawan ka ng lalaking 'yan ay ganyan ka na magsalita!

"Hindi pa. Hinihintay kitang magising," sagot niya sabay tingin kay Sarge. "Hindi pa ako tapos dito kaya kung nagugutom ka na, puwede ka na kumain."

Hmm, hinintay niya ako tapos pauunahin niya rin ako? Hihintayin ko na lang din siya para... may kasabay siyang kumain.

"Hihintayin na lang din kita. Matagal pa ba 'yan?"

Umiling siya. "Hindi. Sandali na lang ito."

Tumango lang ako at pinanood siyang magpaligo sa aso. Akala ko'y magrereklamo siya dahil nakatitig lang ako sa ginagawa niya ngunit wala naman siyang sinabi. Maya't maya nga lang ang sulyap niya sa akin na para bang binabantayan niya ako. Sa tuwing magtatagpo ang mata namin, kumakalabog ang dibdib ko. Natataranta ako na hindi ko alam! Kaya kapag nagkakatinginan kami, ngumingiti na lang ako kahit hindi ko alam kung mukhang totoo ba 'yon o hindi!

Tsk! Annika, suit yourself!

Pagkatapos niyang paliguan si Sarge ay pumasok na siya sa loob at naligo na rin. Nasa sala lang ako, nanonood ng TV habang naririnig ang hampas ng tubig sa banyo. Minuto lang ang tinagal bago nawala ang tunog ng tubig at lumabas si Andrus. Hindi ako tumingin sa kanya nang dumaan siya sa likod ng TV papunta sa kanyang kuwarto para magbihis.

The Sound of GunfireDonde viven las historias. Descúbrelo ahora