Pain

462 29 2
                                    

ANNIKA

SA LAHAT ng mga pagkakataong bumyahe ako patungong New York, ito ang pinakamabigat at pinakamalungkot. Tulala lang ako buong byahe. Walang ganang purihin ang ganda ng tanawin sa labas ng bintana. Walang gana kumain. Wala ring gana makipag-usap.

Nasa tabi ko si Finian, maingat akong pinagmamasdan kaya hindi ako makaiyak. Ayaw kong makita niyang lumuluha na naman ako nang dahil kay Andrus. Ayaw kong makita niya ang epekto sa akin ng bigong pag-ibig na ito.

"This is wrong, ate..." pagbasag niya sa katahimikan na sinabayan ng mabigat na buntong-hininga. "Dapat ay hinayaan mo munang mag-explain 'yong tao."

Hindi ako nagsalita kahit nag-uumpisa na naman akong mairita sa mga ganito niya. Kagabi pa siya ganyan, pinipilit akong huwag umalis dahil hindi pa raw kami nakakapag-usap ni Andrus. Tutol nga siya na nagpakuha agad ako kay Papa ng pinaka-maagang flight patungong New York nang biglaan. Nagulat din doon si Papa pero hindi ko na narinig ang reklamo niya. Hinayaan na lang niya ako.

"Hindi ibig sabihin na may kausap siyang ibang babae, nagtaksil na siya sa 'yo. You know him. He's a true person. Lahat ng mga sinabi niya sa 'yo, totoo 'yon. He likes you, and I saw it too."

Nagtiim-bagang ako bago siya hinarap. Gusto ko siyang sigawan pero dahil nasa eroplano kami, pinanatili kong kalmado ang aking sarili. Ayaw kong mag-iskandalo rito.

"Hindi mo ba narinig ang mga sinabi no'ng babaeng kausap niya? Nangako raw si Andrus sa kanya na hindi siya sasaktan nito! Ibig sabihin, may namamagitan sa kanilang dalawa. Ibig sabihin, bago ako dumating, may pinangakuan na siyang iba! At ako naman, naniwala na wala talaga siyang babae, o nagkaroon ng ibang babae! He's a liar, Fin! He also lied to you!"

Mas lalong naging problemado ang mukha ng kapatid ko. Pakiramdam ko'y hindi talaga pumasok sa isipan niya ang mga sinabi ko dahil iba ang pinaniniwalaan niyang totoo. Na sa aming dalawa, mas alam niya kung ano ang katotohanan.

"I think this is just a pure misunderstanding. You knew, ate, na ikaw lang talaga ang gusto ni Andrus. I hate to say this but I saw it too. Noong hindi kayo nag-uusap, he asked me a favor to make a way for you two to talk. I didn't let him go to our house dahil galit si Papa kaya ikaw na lang ang dinala ko sa ospital para makapag-usap kayo. He's really determined to talk to you, ate. Kaya pakiramdam ko talaga, mali na bigla na lang tayo umalis nang hindi niya nalalaman."

Kahit ano'ng sabihin niya, hindi magbabago ang pananaw ko dahil narinig at nakita ko ang lahat. Ang galit ng babae. Ang masuyo at mapupungay na mata ni Andrus. Ang sakit sa boses ng babae. Lahat! Hindi ko malilimutan ang eksenang nadatnan ko habang magkasama sila at nag-uusap tungkol sa mga pangako nila sa nakaraan!

"Ate, please, tell me na babalik ulit tayo sa Elena to settle your issue. Magpapalamig ka lang at pagkatapos ay babalik tayo. Hindi kasi puwedeng ganito. Pamilya na rin ang turing natin sa kanila, at hindi magandang umalis na naman tayo nang gano'n na lang."

"Kung gusto mo, Fin, ikaw na lang ang bumalik. Hinding-hindi na ako babalik sa Elena kahit ano'ng sabihin mo!"

Hinawakan niya ang kamay ko at marahan itong pinisil. "Ate, please, don't do this. Tsk. I don't have a plan to play as a love cupid or something, but Andrus is really pure to his intentions. You should give him a chance. Kailangan n'yong mag-usap."

Tinabig ko ang kamay niya at sinamaan siya ng tingin. "I didn't ask you to play as a love cupid. I don't want to come back, Finian. Huwag mo akong pilitin. And don't you dare contact him and tell my whereabouts. Ayaw kong makasira ng ibang relasyon."

Sinabi ko ang mga huling pangungusap na iyon dahil sa mukha pa lang niya, may kutob akong babalitaan niya si Andrus tungkol sa mga ginagawa ko. Ayaw kong mangyari iyon dahil ayaw ko ng gulo. Andrus was now with some other girl kaya ano pa'ng purpose ng pagbigay ng balita ni Finian sa kanya tungkol sa akin?

The Sound of GunfireOnde histórias criam vida. Descubra agora