Need

496 35 1
                                    

ANNIKA

MAHIGPIT ANG kapit ko sa braso ni Finian habang nakikipag-usap at nakikipagtawanan sa mga anak ng politicians. Nahiwalay lang ako sa kapatid ko nang pasimple siyang hatakin ni Nadia palayo. Nagulat ako nang ikawit nito ang kamay sa braso ni Finian. Tumaas ang kilay ko at nag-angat ng tingin sa kapatid na hindi manlang naramdaman ang nangyari.

"Naku, wala pa sa plano ko 'yan!" natatawang sambit ng anak ng isang barangay official nang tuksuhin siya tungkol sa pagtakbo sa susunod na eleksyon. "Kaya pa naman ni Mama kaya wala pa sa plano ko ang sumunod sa kanya."

"At isa pa, it's too early to decide," dagdag ni Nadia. "But I'm sure sumagi na rin sa isip mo ang pagtakbo, Keesha."

Tinawanan lang 'yon ni Keesha.

"Ito ngang si Finian, inaasar namin na susunod sa yapak ng kanyang ama," singit ni Maverick habang palapit sa akin. "'Di ba, Annika?"

Nagkibit-balikat lang ako. Ngumiti naman si Finian ngunit nang makita ang pag-akbay sa akin ni Maverick, agad siyang nagtaas ng kilay.

"I don't think so."

"Huh? Eh palagi ka ngang bukambibig ni mayor!" si Nadia na mas diniin pa ang sarili kay Finian. "Ang sabi niya, ikaw raw ang nakikita niyang susunod sa yapak niya."

Kumunot ang noo namin ni Finian. Talaga bang sinabi ni Papa 'yon?

Oo, si Finian ang tine-train ni Papa, pero hindi niya sasabihin ang dahilan no'n sa harap ng ibang tao. Ayaw ni Papa na ipagkalat 'yon sa publiko dahil ayaw niyang bantayan ng lahat ang kapatid ko.

"Masyado ka naman yatang advance mag-isip, Nadia." Tumawa pa ako para mas mukhang bulaan ang mga sinabi niya. "Hindi pa nga namin nakakausap si Papa tungkol diyan."

Hindi ko alam kung ano'ng pumasok sa utak ng babaeng ito para sabihin 'yon sa harap ng maraming tao. Hindi niya dapat pinagkakalat na gano'n ang naiisip ni Papa para sa kapatid ko.

"Hmm, why? Gusto mo bang ikaw ang sumunod sa yapak ni mayor?" pang-aasar ni Nadia.

Napawi ang ngiti sa labi ko. Minsan na nga lang kami mag-usap ng babaeng ito tapos ganito pa ang atake niya.

Yes, hindi kami masyado nag-uusap. Nangyayari lang iyon kapag may mahalagang pag-uusapan o kapag hindi ko na matiis ang ugali niya.

At isa pa, kinakausap ko lang naman siya dahil kina Maverick at Finian. Magkakaibigan na sila dati pa, at nakikisama lang naman ako dahil sa kapatid ko kaya wala akong choice kundi pakitunguhan siya nang maayos.

"No. Wala sa plano ko 'yan." Ngumiti ulit ako para pagtakpan ang iritasyon ko sa kanya.

Ngumisi lang si Nadia at hindi na nagsalita. Tumikhim naman si Maverick bago hinigpitan ang kapit sa balikat ko. Nakita ulit 'yon ng kapatid ko kaya tumingin siya sa akin, madilim na ngayon ang mga mata.

"Ang saya siguro kung tatakbo ka, Miss Annika!" excited na sambit ng isa pang lalaking nasa tabi ni Keesha. Ang alam ko'y anak din ito ng isang barangay official. "Nakikita na kita noon na palaging kasama ni Sir Alvaro tumulong tuwing nakararanas ng sakuna ang bayan natin. Kasama n'yo pa nga si Madame Alicia. Kaya kung maisipan mong pumasok sa politika, susuportahan ka namin!"

Gusto ko sanang sabihin na wala talaga akong plano pero ayaw kong masira ang ngiti sa labi niya. Ngumiti na lang ako at nagpasalamat.

Ilang sandali pa'y napatingin kami sa kabilang kumpol na nagtatawanan sa 'di kalayuan. Mga matatandang opisyal 'yon maliban sa isa...

"Ang guwapo talaga ni Damian," biglang sambit ni Keesha habang nakatitig sa blangkong mukha ni Damian. Gusto kong matawa dahil wala namang ginagawa si Damian doon kundi manood at makinig sa pinag-uusapan ng mga matatanda. "Mukhang masungit nga lang pero ang guwapo pa rin!"

The Sound of GunfireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon