Help

526 29 4
                                    

ANDRUS

HINDI NAWALA ang tingin ko kay Annika kahit nagbabantay ako sa paligid. Nakaupo siya sa harap, katabi ang ibang mga kandidato at ilang opisyal. Kung ako lang ang masusunod, hindi ako aalis sa tabi niya. Gusto ko siyang bantayan hindi lang sa pansariling dahilan, kundi para na rin sa proteksyon niya.

Tinaboy lang ako ni Annika nang malaman niya iyon. Hindi na ako nakipagtalo dahil alam kong may kailangan din akong gawin. At isa pa, kaya ko naman siyang bantayan kahit sa malayo. Mas iba nga lang sa pakiramdam kapag malapit.

"As expected..." Binalingan ko si Captain Cervantes na naglalakad palapit sa akin. Seryoso ang mukha niya habang nakatingin sa stage kung saan nagsasalita ang emcee. "Makikita kita rito kahit walang nag-utos sa 'yo."

Hindi ako nagsalita. Binalik ko na lang ulit ang tingin ko kay Annika na binubulungan ni Finian. Tumatango lang si Annika sa sinasabi ng kapatid.

"Isang linggo na lang, Andrus," paalala ni Captain Cervantes. "Kailangan mong bumalik sa trabaho, tapos man o hindi ang imbestigasyong ginagawa mo."

Hindi ko nakalilimutan iyon. Isang buwan lang ang binigay niya sa aking panahon para matapos ang ginagawa ko. Sa katunayan, hindi na ako nangangamba kung hindi ko ito matatapos. Nandiyan naman si Spencer na puwedeng magpatuloy no'n. Minsan nga, kahit wala ako, pinagpapatuloy niya ang trabaho namin.

"Nagpadala rin ako ng tao rito," aniya pa. "Back-up lang iyon ng PNP kung sakaling may mangyari."

Binalingan ko ulit siya. Hindi ko inasahan na magpapadala siya ng tao rito gayong wala naman akong ni-request sa kanya. Kilala ko ang aking kapitan. Kikilos lang siya kapag alam niyang alanganin na ang sitwasyon.

"Nabalitaan ko ang tungkol kay Hugo Ceja," malamig niyang sambit na para bang alam niya kung ano ang bumabagabag sa isipan ko. "Gusto kong makasiguro na walang mangyayaring gulo ngayong araw..."

Tumango ako nang maintindihan ang ibig niyang sabihin.

Simula nang makausap namin si Brando Ramos, agad kaming gumawa ng imbestigasyon kay Hugo Ceja, alinsunod sa gustong mangyari ni Tito Alvaro.

Nang dalhin namin sa presinto si Hugo Ceja upang hingiin ang kanyang pahayag, inasahan ko na ang naging sagot niya.

"What?!" sigaw ni Hugo Ceja nang ilahad namin ang naging statement ni Brando Ramos at ang kuha ng CCTV sa kanyang warehouse. "Walang katotohanan lahat ng mga sinabi niya! Hindi rin tauhan ko 'yang nasa CCTV, at mas lalong hindi ako 'yan! Ni hindi ko nga kilala 'yang Brando Ramos na 'yan!"

Tinapon niya ang mga papel sa lamesa habang nakatitig nang masama sa laptop kung saan naka-pause ang video na pinapanood namin sa kanya.

"Oo, akin ang warehouse na 'yan, pero hindi ako nakipagkita kay Brando Ramos sa lugar na 'yan! Hindi na nga ako pumupunta riyan simula nang mawala ang negosyo namin! Abandonado na 'yan kaya kung sino-sinong mga tambay na lang ang pumapasok diyan!"

Sumulyap ako kay Spencer na matamang nakatitig at nakikinig sa sinasabi ni Hugo Ceja. Wala siyang reaksyon. Siguro'y pinag-aaralan niyang maigi kung uma-acting lang si Hugo Ceja o nagsasabi ito ng totoo.

"You can check the CCTV records in my house! Ibibigay ko sa inyo ang copy kung gusto n'yo, mapatunayan lang na wala akong kinalaman sa nangyayari sa pamilya ni Alvaro!" sabi pa ni Hugo Ceja, frustrated na sa kanyang sitwasyon. "This is really embarrassing! Sino ba ang nagpapunta sa akin dito? Si Alvaro ba? Naniniwala siya sa Brando Ramos na 'yon kaya pinaiimbestigahan niya ako?"

Tumikhim lang si Spencer kaya natahimik si Hugo Ceja. Umupo ito nang maayos kahit na hinihingal pa sa galit.

"Gaano katotoo ang pagbigay mo ng pera at baril kay Brando Ramos kapalit ng buhay ni Alvaro Faustino? At totoo rin ba na may tinatago kang baril?" tanong ni Spencer.

The Sound of GunfireWhere stories live. Discover now