Tiningnan ko ang magkasalikop naming mga kamay. Napangiti ako roon at mas lalo pang hinigpitan ang hawak sa kamay niya. Saglit lang siyang tumingin sa ‘kin dahil abala siya sa pagmamaneho. 

Miss na miss ko na siya. Kahit kasama ko siya ngayon ay na mi-miss ko pa rin siya. Simula nang padalhan ako ng tutor ni mommy ay hindi na ‘ko gaanong nakalalabas ng mansion. 

Naisipan kong kuhanan ng litrato ang magkasalikop naming kamay dalawa. Binunot ko ang cellphone sa bulsa ng short at agad na ni-set sa camera. I took photos of our hands together.

I'll post this on my day, siguradong aalma na naman sina Lian at Mae, speaking of those two. Miss ko na rin sila, lalo na si Lian na nasa Canada ngayon kasama ang boyfriend niya. 

Nang makontinto sa mga nakuhang litrato ay muli kong ibinalik sa bulsa ang cellphone. Dahil doon ay may bigla akong naalala. 

‘Yung pitaka ko, hindi ko nadala. Sinubukan kong tingnan ang upuan at baka nahulog ko lang pero wala talaga.

“What’s the matter?” tanong ni Prine sa ‘kin. Napansin niya yatang may hinahanap ako. 

“I think I forgot to bring my wallet.” Tumigil ako sa paghahanap nang maalala kong naiwan ko nga sa sink dahil sa pagmamadali. “Yeah, I really forgot it. Naiwan ko sa sink.” I bit my lower lip.

“Why? Is there an important stuff there? Pwede tayong bumalik?” Napanguso ako sa sinabi niya. Kapag bumalik kami, balewala lang ang ginawa kong pagtakas sa tutor ko. 

“Wala naman,” sabi ko. “Nandoon ‘yung pera ko. Wala akong dala kahit peso ngayon,” I said before biting my lower lip. 

“It’s fine,” aniya. 

Napanguso ako nang sa pinakamalapit na mall niya ‘ko dinala. Hindi naman masama pero mas gusto kong sa malayo kami para malayo rin ang biyahe pauwi. So that, I can spend more time with him. 

“What’s with the face?” natatawang aniya nang bumaba kami sa parking lot. Nilapitan niya ‘ko at ginulo ang buhok.

“Saglit lang kitang itatakas, you need to attend your session with your tutor.” Ngumuso ako.

“Ilang araw na kaya kaming magkasama,” maktol ko. Gusto kong sulitin ngayong kasama ko siya.

“That’s what you want, Serene. Don’t worry, after ng vacation magkasama naman na tayo sa University,” pampalubag loob niya sa ‘kin. “We need to build their trust like a usual couple do. Gusto ko na mabuting boyfriend ang maging tingin sa ‘kin ni Tita Laura kaya I need to respect her decision. Hinayaan ka niyang mag-aral dito sa Pilipinas kasama ko so I should compensate.” My heart warmed at what he said. Nakagat ko na lang ang labi upang mapigilan ang pagngiti. “Cute,” aniya sabay pisil ng pisngi ko. 

Gaya nang sinabi ni Prine. Hinayaan ako ni Mommy na mag-aral dito kasama siya. Kahit na sinabi ni Prine noong graduation namin na susundan niya ‘ko kahit saan mang paaralan. Mas mabuti na ‘yong nandito lang sa Philippines. Bukod sa nandito ang buhay ko, nandito rin si Mae. Nasa Canada na si Lian kaya nakakalungkot na pati kami ni Mae ay maghihiwalay rin. Isa pa, mas madali sa ‘kin na nandito. Hindi ako matalino kaya kailangan kong mag-aral nang mabuti. The reason why I have my tutor right now, para sigurado na ang pagpasok ko sa University na papasokan din ni Prine. Kailangan kong mag-aral nang mabuti para makasama siya. 

“Let’s go.” Tumango ako at nagpaakay na sa kanya. Ang kanyang braso ay nasa ‘king balikat na. 

No’ng sumakay kami ng elevator ay may nakasabay kaming grupo ng mga babae. Ako ang naiilang sa titig na binibigay nila kay Prine, ang kasama ko ay parang wala lang naman. Tila ba sanay na sanay na siya sa mga ganoon. 

Fix Marriage With My Enemy (Love Academy Series #2)Where stories live. Discover now