He shrugged. "Who knows?"

After taking a shower ay naghanda na ako para sa pagpasok. Hindi na rin masakit ang ulo ko dahil nakainom na man na ako ng gamot. Ang ganda tuloy ng araw ko maliban kay Veronica at Shelly na halatang may hangover pa.

"Your face looks like we didn't party last night," V said while holding her forehead.

"Ikaw? Bakit bigla kang nawala, ha?"

"Please, it's too obvious. At para namang hindi ako nag text sa 'yo," sabay irap niya sa akin.

Napatingin naman ako sa kabila, kay Shelly na hawak rin ang ulo niya. Saka ko pa naalala na may binili pala ako para sa kanilang dalawa ni V. Inabot ko sa kanila ang maliit na paper bag na dala ko. May laman 'yong soup na luto ni Mom at may gamot na rin at tubig.

"Salamat Lana," aniya sa akin.

I smiled. "Ako, hindi na masakit ang ulo ko. Mike delivered medicine and food for me," I told her happily at alanganin siyang ngumiti at yumuko.

"E, 'di ikaw na may boyfriend!" si V.

When our prof came and told us na wala raw siya bukas dahil may emergency siyang pupuntahan, pa-simple kaming nagsaya pero hindi naman gano'n kahalata at baka life and death ang emergency na 'yon.

Wala naman masyadong ganap dahil busy ang mga prof sa pag compute ng mga grades namin. Halos wala nga kaming ginawa buong araw kundi ang mag chikahan sa loob ng classroom. It was like that the whole week until the next month came.

I was packing my things while ka video call ko si V. Dahil pinapakita niya sa akin kung maganda ba ang dadalhing damit niya. Akala mo naman talaga fashion show ang pupuntahan namin.

"There's a lot of guys 'di ba? I mean, mga kasamahan ni Mike. I should look extra at baka makabingwit ako do'n!" at pumapalakpak pa siya. Umiling na lang ako.

"Paano na 'yong Jundi mo?"

She suddenly stopped and smiled sadly.

"Ano ka ba. Collect and select naman ako 'di ba?" sagot niya at tinalikuran na ako, nagtataka. Nagkibit-balikat na lang ako.

Mamayang 2 pm ang flight namin kaya hindi naman ako masyadong nagmamadali sa pag-iimpake. Nakapagpaalam na rin naman  ako kina Mommy at pumayag naman sila since Shelly and Veronica was with me.

"Nagpaalam ka na ba sa Dad mo? Alam mo naman 'yon, paranoid," si Mommy. Nasa baba na ako dala ang maleta ko at handa nang umalis. Sa airport na lang kasi magkikita-kita.

"Yes mom. Please take care here with Dad," I remind her. She ruffled my hair ang snaked her hand around my waist.

"Ikaw ang mag-ingat anak. Parang kailan lang ang liit-liit mo pa no'n at masyadong curious sa paligid. Pero ngayon,pakiramdam ko parang kinukuha ka na ni Mike sa amin," malungkot niyang sinabi at parang naiiyak pa.

I hugged her tightly. "Mom, boyfriend ko pa lang si Mike at hindi asawa. Hindi naman ako mawawala sa inyo kahit mag-asawa na ako in the future, e. And my litte sister is now her to replace me. Sa kanya naman sasakit ang ulo niyo ni Dad," I joked.

"Sige na, baka mahuli pa kayo sa flight niyo. Text us okay?" I nodded and hugged her one more time before going to the airport. I called the two at sinabing on the way na sila.

While waiting for them, I ordered coffee at nag-send ako ng text kay Mike na hindi ko muna siya maii-text masyado ngayon dahil may pupuntahan kami ng parents ko at wala masyadong signal sa pupuntahan namin. Please, wala na akong maisip na excuse kaya okay na 'yon. I turned off my phone too.

The Mistress Onde histórias criam vida. Descubra agora