Chapter 01: Annoyance

107 2 0
                                    

JUSTINE'S POINT OF VIEW

Masyadong maingay..

Hindi ko gusto ang lugar na ito..

Muli kong tinignan ang napaka-ingay na pinsan ko.

"Triana, you're too loud can you please shut your mouth?" Walang ganang saad ko sa kaniya, lumapit naman s'ya at ngingiti-ngiting tumingin sa'kin.

Tinignan ko s'ya ng 'What-do-you-want-look'.

"Kuya Zayn, ano ba kasi ginagawa mo? Kumakanta lang naman ako bakit ba sinusuway mo ako? Maganda naman boses ko hindi ba?" Napa-iling na lang ako dito saka tinuon ang atensyon sa librong hawak ko.

"Hoy Kylie! Ginugulo mo na naman si Justine. Doon ka nga sa tatay mo." Masungit na saad ni Zill.

"Hmmpp! Ang susungit n'yo!" Maarteng saad ni Triana saka tinungo ang lugar kung nas'an ang magulang n'ya.

"Tawag ka ni ate, bakit ba lagi mo na lang nilulugmok sarili mo dito? Manang-mana ka sa pinagmanahan mo!" Masungit na saad n'ya saka umalis sa harap ko.

Napailing kong sinara ang libro at maayos na itinabi ito sa study table ko.

Agad akong tumayo at tinungo ang sala kung nas'an sina Mama.

"What?" Malamig na saad ko.

"Will you stop being so cold?! Don't you dare give me those cold eyes Justine!" Inis na saad ni Mama na ikinairap ko.

"Let him, ganiyan rin ako dati. Maraming nababaliw sa ganiyang attitude." Natatawang saad ni Daddy.

"What do you want?" Malamig na tanong ko.

"Oo nga pala, samahan mo si Zill pumunta sa lola mo para idala itong mga damit na naiwam nila." Saad n'ya saka itinuro ang malaking bag, lumapit ako at akmang kukunin to nang matigilan ako.

"Ouch! Stop it! Mama!" Tarantang saad ko nang pingutin n'ya ang tainga ko.

"Di'ba sabi ko sa'yo don't give me those stupid cold gaze? Stupid cold attitude?!" Inis na singhal n'ya sa'kin saka binitawan ang tainga ko.

"Jeez! You're always like that!" Inis na saad ko saka kinuskos ang tainga ko.

"You may go, drive safely Justine! Wala ka pang lisensya!" Malakas na saad n'ya nang tuluyan kaming makalabas.

"Tsk. Tsk. Tsk. Sabi ko naman kasi sa'yo tigil-tigilan mo na 'yang ka-weirdohan mo." Saad ni Zill saka tuluyang sumakay, sumakay na ako at sinimulang paandarin ang kotse.

"Justine, may tanong ako." Napairap naman ako dahil ito na ang simula para umingay ang byahe.

"What?" Malamig na saad ko.

"Do you like someone? Or have a crush?" Tanong n'ya na ikinatigil ko pero agad na bumalik sa sarili ko.

"No, I don't have any of those." Walang ganang saad ko.

"Tsk. Bakla ka siguro ano? Sinasabi ko na nga ba eh!" Malakas na saad n'ya na ikinangiwi ko.

"Oh teka! Teka! Hindi ito ang daan papunta sa bahay ah!" Tarantang saad n'ya pero hindi ako umimik bagkos at tumigil ako sa isang flower shop.

That Risky ManWhere stories live. Discover now