Chapter 6

74 5 0
                                    


Agad kong sinalo ang pinalipad na kutsilyo sa akin ni Draven.

Ngumisi ako at yumuko nang makita naman ang isang arrow, nakita ko si Bree ang nagpalipad non kaya binaba niya ang bow na hawak niya.

Nandito kami ngayon sa rooftop at nag eensayo, ala sais palang ng umaga ay umakyat agad kami rito.

Aminin ko man o hindi, si Sebastian ang pinaka magaling dito pag dating sa armas. Hindi niya ginagamit ang kapangyarihan niya dahil delikado raw, nakita ko siya ngayon sa gilid at may sinusulat sa isang notebook.

Matagal ko nang napapansin na ganyan ang ginagawa niya kapag may ginagawa kami, napailing nalang ako at tinuon ang pansin kay Bree na nagpapractice humawak ng knife.

Pinunasan ko ang pawis ko habang pinapanood silang lahat, tumingin ako sa gilid ko nang may naramdaman.

Binitawan ko ang bimpong hawak at sinalo ang kamao ni Draven, tumawa siya at sinubukan akong atakihin sa isa niya pang kamay.

Dahil hawak ko ang dalawang kamay niya, sinipa ko ang dalawa niyang paa kaya naman natumba siya.

Natatawa siyang dumaing at nag angat ng tingin sa akin, nagbaba ako ng tingin sa kaniya at pinag krus ang braso ko.

"Nabanggit ko na ba sainyo na binigyan ako ni Athena ng kaonting kapangyarihan niya?" Inalok ko ang kamay ko para makatayo siya.

Nanlaki ang mata niya at tinanggap ang kamay ko.

"Totoo?!"

Natatawa akong tumango at binitawan siya, pero gulat pa rin siyang nakatingin sa akin.

"Zeus' favorite daughter is Athena.. until i came." I smirked and winked.

He chuckled. "Gago 'to, marinig ka ni Athena!"

Napairap naman ako. "Tanggap naman niya, she told me i need to be the best version of myself even my father.. told me i need to be like Athena."

I think my expectations of my father is really so high, hangga't hindi ko pa naaabot 'yon hindi niya ibibigay sa akin ang ipapamana niya.

"Mabait naman pala 'yang si Athena eh," natatawang sambit ni Draven.

Ngumiti ako. "I learned a lot from her.."

Aksidente akong napatingin kay Bree, nakita kong tumutulo ang dugo niya dahil mahigpit ang hawak niya sa may bandang matulis ng kutsilyo.

Nag angat ako ng tingin sa kaniya at nahuli siyang masama ang tingin sa akin, agad akong kinabhan at naguluhan.

Lalapitan ko na sana siya nang may nauna na sa akin, si Sebastian.

Nakita kong hinawakan niya ang kamay nitong may dugo, nakita na rin ng mga kasama namin ang nangyayari at sinubukang lapitan si Bree pero pinigilan sila ni Sebastian.

Pinanood namin silang umalis dito sa rooftop habang hawak ni Sebastian ang kamay niya, hindi ko namalayan na napatagal ang tingin ko roon.

"Kumukulimlim na guys.. mukang uulan na.." I heard Clay said.

Napapikit ako ng mariin at tumingin sa kanilang lahat, nagliligpit na ng gamit ang tatlo habang si Draven ay nakatingin sa akin ng seryoso.

"What?" natatawa kong tanong.

Napailing siya at inakbayan ako, naglakad na kami papababa.

"You need to learn how to control your emotions..."

Napairap ako. "Alam ko naman ah?"

"Oo, pero minsan ay nakakalimutan mo na kung paano siya gawin."

The Mighty DawnWhere stories live. Discover now