Chapter 5

87 5 1
                                    


I am reading my book here at veranda.

It's actually morning already, maaga akong nagigising para panoorin ang araw na papaakyat. Kinuha ko ang kape at uminom, pagkatapos ay binalik 'yon habang nakatingin pa rin sa libro.

"Are you seriously reading a book while the childrens are still in danger?"

Narinig ko agad ang boses ni Draven na halatang kakagising lang, tumabi siya sa akin habang may hawak na tasa.

"Hoy, seryoso ba? wala tayong plano?"

Ngumisi ako at sinara ang libro, nilapag ko 'yon sa tabi ng tasa ko at humarap sa kaniya.

"That person already knows that we are here. That's why.. we don't need to do anything."

Kumunot ang noo niya kaya natawa na ako, huminga ako ng malalim at sumandal sa kinauupuan.

"I know things are kinda complicated that's why.. you need think deeply before you speak."

Tumingin ako sa langit nang sumeryoso na ang muka niya, hindi ko siya tinapunan ng tingin umalis siya. Unti unti nalang akong napangisi habang naiisip na mukang siya nga ang kakalabanin namin.

"You and Sebastian always have a plan, 'no? Share nyo naman samin!" nakasimangot na sambit ni Valerie.

'Yan ka agad ang bungad niya sa akin pagpasok sa sala, napatingin ako kay Sebastian na nakatingin sa akin ng seryoso habang nagkakape sa lamesa.

Nag iwas ako ng tingin at umupo sa sofa, lahat sila ay nandito na.

"We don't have a plan, we just need to go with the flow."

"Go with the flow?! Paano naman kung saksakin kami bigla?!" Clay shouted.

"It's easy for you to say that because you're immortal," kunot noong sabi naman ni Bree.

Saglit akong napatitig sa kaniya dahil sa sinabi niya, bumuntong hininga ako at pinag-krus ang braso.

"Hindi natin kailangan palagi ng plano. We are not sure kung sino ang kalaban at kung gaano siya kalakas, kung gagawa agad tayo ng plano ng hindi alam kung sino ba talaga ang may pakana ng lahat may chance na-"

"Mamatay kayong lahat."

Napatingin sila kay Sebastian nang magsalita, tumayo siya at isa isa silang tinignan.

"Oo, kayo lang. Dahil tulad nga ng sabi niyo, immortal kami," saglit niyang tinapunan ng tingin si Bree.

Nag iwas ng tingin si Bree sa kaniya at yumuko.

"Kaya nga nasa pinaka mataas kayo dahil nga magagaling kayo. Handa kayo palagi, makakapangyarihan at matatalino. Hindi pwede ang mahina ang loob dito, dahil kung ganoon kayo ay para saan pa at pumasok kayo sa Superior section?"

Hindi sila nakapagsalita, ramdam ko ang galit ni Sebastian dahil umiinit na ang paligid dito. Huminga ako ng malalim at sinenyasan siya na kumalma, inirapan niya lang ako at tinalikuran.

"Ang point namin dito.. humanda lang tayo sa kahit anong mangyayari. Kung nahanap na natin kung sino ang may pakana nito, doon tayo gagawa ng plano. Okay lang ba?" ngumiti ako sa kanila.

"Oo naman!" masiglang tumango si Valerie na sinundan ng lahat.

Habang nag uusap ang lahat, napansin ko na wala rito si Bree at Sebastian.

Saglit akong nagbaba ng tingin at tinuon nalang ang pansin sa mga binigay ni Zander.

Kinuha ko ang mga gamit ng mga batang nawawala, Valerie is getting her book. Nandoon daw ang mga spells na gagamitin niya, pagkabalik niya ay pinwesto niya na ang libro sa gitna.

The Mighty DawnWhere stories live. Discover now