Chapter 4

77 4 2
                                    


"What was that?"

Agad kong binulungan si Sebastian habang naglalakad kami sa madilim na gubat, tinago namin ang kotse ni Hermes sa isang lugar na hindi pinupuntahan ng mga tao.

5 AM na nang makalapag kami, medyo lumiliwanag na rin. Nasa likuran namin ang mga kasama habang kami naman ni Sebastian ay nauuna.

"Ano 'yun?" seryosong tanong ni Sebastian.

Pinanliitan ko siya ng mata. "The way you looked at Bree!"

Saglit niya akong tinapunan ng tingin at binalik din sa dinadaanan.

"Pinagsasabi mo? Selos ka 'no?"

Sinamaan ko siya ng tingin. "Ewan ko sayo, hindi ka na makausap ng matino."

Inunahan ko na siya maglakad kaya tinawag niya ako, napatigil lang ako bigla nang makita ang isang lalaking nakasandal sa van.

He really looks a teacher to me since he is wearing a formal clothes, nakasalamin pa at mukang mahuhulog na dahil nakayuko.

Umubo si Sebastian kaya napaayos ng upo ang lalaki, inayos niya ang salamin nang makita kami. Nanlaki ang mata niya at dali daling pumunta sa amin.

"Nandito na pala kayo! Magandang umaga, ako si Zander. Isa akong Demigod, at anak ni Asclepius," mabilis niyang pakilala, natataranta.

Asclepius is the son of Apollo, he is the god of Medicine. Chiron taught him the art of healing.

"Luh, dapat nag doctor ka pre! Sayang naman 'yang kapangyarihan mo," umiling si Draven pagtapos niyang magpakilala.

Zander laughed. "Hindi ko masyado alam gamitin ang kapangyarihan na meron ako dahil.. kailan ko lang nalaman na isa akong Demigod," lumingon naman siya sa amin at yumuko. "Olympians children, saan kayo komportable manirahan?"

Kumunot ang noo ko at lumingon sa mga kasama, nagkibit balikat lang sila kaya lumingon ako kay Sebastian. Tinignan niya ako na parang sinasabi na ako ang bahala.

Napairap nalang ako. "Kahit saan naman ay pwede kami."

Pumalakpak si Zander. "Mabuti kung ganon! Dadalhin ko nalang kayo sa condo ko at doon na sasabihin ang problema."

Isa isa kaming sumakay sa van, nilagay ko ang gamit sa aking harapan. Tumabi sa akin si Sebastian kaya napailing ako, pinag krus ko ang braso at tumigin sa bintana nang umandar na.

Puro nagtataasan na puno lang ang nakikita ko, napapikit ako nang maramdaman ang araw na papaakyat palang. Nagmulat ako ng mata nang maramdamang humangin, binuksan pala ni Sebastian ang bintana.

Lumingon ako sa kaniya at sa hindi inaasahan ay nagkalapit ang muka namin! Nilayo ko agad siya at umubo ubo.

"Okay lang ba kayo jaan?" rinig kong tanong ni Zander.

"Okay lang," sagot ni Sebastian at inabutan ako ng tubig.

Hindi ko siya tinignan at kinuha ang tubig, nang makainom ay binigay ko rin agad sa kaniya 'yon.

Sumandal nalang ako at pinikit ang mga mata, hindi na pinansin ang nangyari.

Nang makarating sa malaking building ay pumasok kami at sumakay ng elevator, tahimik lang kaming lahat habang nagkekwento si Zander.

Binuksan niya na ang pintuan ng condo kaya nagsi unahan silang pumasok, namangha naman ako sa laki non.

"I have 10 bedrooms here, pwede kayong pumili kung saan niyo gusto," nakangiting sabi ni Zander.

Namangha naman sila at nagunahan na sa gagamitin na kwarto, nilapag ko ang gamit sa sahig at umupo muna sa sofa.

Si Sebastian ay dumiretso sa veranda, mahilig siyang tumingin sa langit. Hindi ko alam kung bakit, nasa ibaba naman ang Ama niya.

The Mighty DawnNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ