Chapter 18

76 5 0
                                    


"They are controlling humans."

Hingal na hingal si Valerie nang makaapak kami sa pinaka tuktok ng mall, nag angat ako ng tingin nang mapansing kumikidlat na.

Lahat kami ay napatingin sa pintuan nang kumalabog 'yon, agad kaming sinenyasan ni Bree na huwag gumalaw.

Ni ready niya ang nakuhang baril at tinutok 'yon sa pintuan nang bumukas 'yon, isa isa niyang pinaputukan ang mga lalaking sunod sunod pumasok.

Unti unting bumuhos ang ulan na kinagulat namin, lahat sila ay tumingin sa akin at agad naman akong umiling.

"Zeus' probably awake," sambit ni Sebastian.

Huminga ako nang malalim at sumeryoso lang ang muka, may kinuha si Valerie sa kaniyang bulsa at inabot sa aming dalawa ni Sebastian.

Kumunot ang noo ko nang makita ang maliit na bote, nakita ko ang mapulang tubig na nasa loob non.

"This is it.. once you drink this, mawawala ang curse sainyong dalawa ni Sebastian."

Napaawang ang labi ko at mabilis na tumingin kay Valerie, nanghihina siyang ngumiti sa amin.

"Valerie.. it can take your powers-"

"No.. it's okay.. i already done with my part." She smiled at me.

Hindi ko maiwasang maluha kaya agad ko siyang niyakap nang mahigpit, niyakap niya rin ako pabalik.

"Thank you." I whispered.

Hindi siya nagsalita at naramdaman ko lamang na tumango siya.

Mabilis akong napabitaw nang mapaso ang kamay ko kaya nahulog ang maliit na bote. Napasigaw ako nang magpagulong 'yon, nakita ko na ganon din ang nangyari kay Sebastian kaya kinabhan ako.

Agad kong hinabol ang bote hanggang sa pinaka dulo ng tuktok ng rooftop, kukunin ko na sana 'yon nang biglang lumipad kaya nag angat ako ng tingin.

Natigilan kami nang makita ang isang babae na lumilipad at sinalo ang maliit na bote, halata ang katandaan sa muka niya habang seryoso na nakatingin sa akin.

Dahan dahan akong naglibot ng tingin nang mapagtanong napapaligiran kami ng mga witches, nagtipon tipon kaming lahat sa gitna nang makaapak sila sa inaapakan namin.

Ngumiti ang isang matandang babae at pinag krus ang braso.

"It was a mistake to bring all of you," bulong niya. "He told us to bring a misfortune to all of his children, and then Olympian's Children came..."

Napalingon naman kami nang may humakbang papalapit sa amin, ang isang babae na nakakuha ng bote ni Sebastian. Tinaas niya 'yon at tinignan ng mabuti, napangiti siya at tumingin kay Valerie.

"You are really the Daughter of Hecate," tumango tango siya. "You made a spell that can cut the link to their life.. pero sinabi mo na ba may dalawang consequences ang paggawa ng spell na 'to?"

Napaawang ang labi ko at napatingin kay Valerie, napalunok siya at nakita ko ang kaonting luha sa kaniyang mata.

"I know.. I am planning-"

"You can? Are you sure you can?" Natatawang sambit nito.

"What's the consequence, Valerie?" Nanginginig ang boses ko nang magtanong.

Huminga siya nang malalim kaya tuluyan nang tumulo ang luha niya, nag angat siya ng tingin sa akin.

"I can't told you the consequences, because if i told you.. the spell will not be effective."

Nanghina ako ng sabihin niya 'yon, napalakpak ang witch at tumawa ng mala demonyo.

"Exactly! So if you will drink this spell, it will work. But the consequences? It will show after you drink this.. so here."

The Mighty DawnOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz