Chapter 34:

1K 66 4
                                    

Thrizel’s POV

Naglalaro ako ngayon dito sa aking kwarto. Dinamitan ko ang biniling barbie ng aking mommy. Napatigil ako at napatanong. Where’s mom? Kaya naman niligpit ko ang aking mga laruan at lumabas ng kwarto. Nakita kong nagsisigarilyo si dad. Agad kong tinakpan ang aking ilong bago lumapit sa kaniya.

"Dad, where’s mom?"

Tiningnan lang ako nito at hindi sumagot. Umalis siya sa kaniyang p’westo kaya sumunod ako rito. Nagmamaktol muli akong sumagot. "Dad, I sad, where’s mom? I miss her!"

"I don’t know where is she." Malumanay na sagot nito sa akin. Bumagsak naman ang dalawang balikat ko.

"I really miss her, dalawang araw na siyang hindi umuuwi."

"Just go to your room and don’t bother me here."

"You’re not busy." Pag-angal ko pa. "I’ll wait for mom here."

"Just go to your room!"

"Dad, don’t shout at me."

"I’m sorry, please, go to your room."

"Okay." Wala na akong ibang nagawa kun’di ang pumunta sa aking kwarto at muling naglaro. Sayang ang paglilikpit ko kanina.

Maya-maya ay napatayo ako at sumilip sa bintana ng aking kwarto. Nakita kong bumaba ng kotse si mom kaya dali-dali akong tumakbo palabas. Pababa na ako ng hagdan nang makita kong nag-aaway ang aking mga magulang.

Are they sweet or not?

Nakunot ang aking noo habang pinapanood sila. Parehas silang nagpapalitan ng sigaw.

"Isauli mo na ang bata kila Threa!" Sigaw ni dad kay mom.

Nagsalita ako. "Who’s Threa, dad?" Agad silang napatingin sa aking gawi at may gulat sa kanilang mga mukha.

NAGISING lang ako nang may tumatapik sa aking mukha. Tiningnan ko ito, nakita ko ang mukha ni kuya’ng nag-aalala.

"Are you okay, Thrizel? Binabangungot ka ba?"

Hindi ko pinansin ang kaniyang tanong. Ako ang nagtanong. "Who’s Threa?" Iyan lang ang naalala ko sa aking panaginip at ang mukha ng sinasabing nanay ng bata ay parang nakita ko na. Hindi ko lang maalala.

"Our mom, why?"

Napatigil ako ng sandali, bakit ko nga ba tinanong? Threa is our mom, wala na akong maalala sa aking panaginip, iyan lang. Ang mukha ng nanay ng bata ngunit hindi na maisip ng aking isip ang kabuoan ng mukha nito.

"Don’t mind me." Sagot ko nalang at tumayo.

Nandito pala kami sa kotse, bumaba na ako. Nakita ko si Link, nginitian ko ito ng pilit. Ewan, sa simpleng panaginip na ‘yon, nawala ako sa magandang kalagayan at parang ang sakit. Parang konektado sa akin pero hindi ko kilala ang bata. Hindi ko siya kilala pero bakit siya pumapasok sa panaginip ko?

Pumasok na ako sa loob ng bahay. Wala akong naabutang manang, baka tulog na ito. Paakyat ako ng hagdan nang marinig ko ang boses ni Link na tinawag ang aking pangalan.

"Thrizel, are you okay?"

Pansin niya yata ang pag-asta ko sa kanila kanina. Ngumiti na naman ako ng pilit dito. "I’m okay, baliw." Muli akong naglakad. Hindi na siya pinansin at pumasok na sa kwarto.

Naghugas muna ako ng kamay at nagpalit ng damit bago mahiga sa kama kaso parang ayaw ko pumikit. Para bang natatakot akong panaginipan muli ang sa bata. Sino ba iyong batang ‘yon?! Bakit parang ang lakas ng epekto sa akinnnnnnnn?! I know na hindi ako siya! Magkaibang magkaiba kami! Anong konektado niya sa buhay ko?!

Loving My Brother #1: Thrale's StupidityWhere stories live. Discover now