Nakarating naman na akong paaralan. Pumasok ako sa silid, wala pang guro. Buti naman. Nandito na si Amira, nakatingin ito sa akin, nakangiti. Baliw.

“Ayos ka na ba?” Sinipat niya ang aking noo gamit ang likod ng kaniyang palad.

“Oo.” Sagot ko rito.

Maya-maya ay dumating na ang guro namin. Nagsimula na itong magturo at nakinig naman kaming lahat. Mabilis na lumipas ang mga oras hanggang dumating ang break time. Pupuntahan ko sana si Amira kaso bigla itong nagsalita.

“Thrizel, ikaw na muna ang pumunta sa cafeteria, may gagawin pa ako e. Don't worry may baon akong pagkain.” Tumango na lang ako at lumabas ng silid. Napalingon ako ng biglang may tumawag sa akin.

“Thrizel!” Tumingin ako kung sino ito, si Ryke. Nilapitan niya ako. Kailangan ng lalaking ito?

“Ey, hi, Ryke.” Nagulat ako nang hawakan niya ang aking kamay. Naglakad siya kaya napalakad na rin ako.

“Sabay na tayong magbreaktime, namiss kita e.” Ngumiti ito sa akin ng matamis kaya napangiti rin ako.

“I miss you too.”

Nakarating na kaming cafe. Nag-order na rin siya ng kakainin namin. Habang wala pa ang order namin ay nagbukas siya ng panibaging usapan.

“Kumusta ang pakiramdam mo?” Bakas sa mukha niya ang pag-aalala. "Nabalitaan ko ang nangyari kagabi, sa dami ng tao. Si Thrale lang ang tumulong sa ‘yo galing rooftop."

Galing rooftop?

Napansin niya yata ang pagkunot ng noo ko kaya nagpatuloy siya. "Iyon ang sabi, narinig daw kasi ni Thrale ang sigaw mo kaya dali-dali iyong bumaba. I think he also saw the incident, pagkababa niya kasi bigla niyang sinuntok si Blue. Nakita yata ang paghulog sa ‘yo."

Ito na naman, nag-uumpisa na naman ang puso ko sa pagtibok nang mabalis. Napansin yata ni Ryke na parang may mali sa akin kaya ngumiti ako rito.
“Ayos naman na ako, nakapagpahinga na rin.” Bigla namang dumating ang order namin kaya wala na kaming naging usapan. Nagsimula na kaming kumain ngunit pansin ko ang pagtitig sa akin ni Ryke. Mala-Link ito.

Anong mayroon?

Hindi ako nakatiis kaya nagtanong ako. “Bakit?”

Ngumiti siya. Kumuha ng fries at nagsalita. “Ang takaw mo kumain.” Isinubo niya sa akin ang fries na kaniyang kinuha. Kita niyang napasimangot ako sa sinabi niya kaya tumawa ito.

Napailing na lang ako sa akto nito at kumain na muli. Nang matapos ay hinatid niya ako sa silid. Sabi ko ay huwag na pero ang kulit niya.

“We're here." Sabi niya nang makarating. "I have to go.” Sabi nito at hinalikan niya ang aking noo at umalis.

“Ayieeee, nakita namin iyon.” Bulaslas at kantiyawan ng aking mga kamag-aral kaya napatingin ako sa kanila sabay napailing.

Napabuntong hininga ako dahil ang bigat ng aking pakiramdam. Alam kong ayos na ako pero may ibang nagbibigay ng dahilan dito, may hinahanap ako pero hindi ko alam kung ano.

Dumating na ang guro namin at nagsimula nang magturo. Gusto ko nang umuwi. Sa totoo lang, hindi ako mapakali. Tsk.

Palingon-lingon pa ako sa bintana baka sakaling makita ko siya pero hindi. Hindi ko makita si kuya mula kahapon pa, ni hindi nga ako nakapag pasalamat sa kaniya. Dapat noong gabi iyon.

“Ayos ka lang?” Bulong sa akin ni Amira. Pansin niya sigurong may mali na naman sa akin.

“Oo.” Sagot ko at ibinaling ang aking atensyon sa harap.

Mabilis na lumipas ang oras at sa wakas makakauwi na rin ako. Hindi kami sabay umuwi ni Amira. Nauna na 'tong lumabas dahil aalis raw sila ni Elkhurt. Umalis na ako sa silid at saktong pagbaba ko ng hagdan ay nakita ko si Ryke na nakasandal sa pader. Hawak niya ang susi sa kabilang kamay.

Nakita niya ako kaya lumapit ito, kinuha niya ang aking bag at hinawakan ang kamay ko. Hindi na ako nagtanong pa dahil alam ko naman na ihahatid ako nito. Pinagbuksan niya ako ng pinto, pumasok ako roon. Umikot naman siya sa kabila. Nagsimula ng paandarin ang makina ng sasakyan.

Hoy, kidnapping ang ginagawa mo.” Agaran siyang natawa.

“Kung kikidnappin kita. Sa simbahan na ang location para wala ka nang kawala pa.” Sabay kaming natawa sa kaniyang sinabi.

Walang gaanong trapiko kaya mabilis kaming nakarating sa bahay. Pinagbuksan niya ako ng pinto at hinatid sa gate ng bahay namin.

“Good night, my queen, have a nice sleep.” Yinakap niya ako, parang may humahaplos sa aking puso, hindi ko maipaliwanag.

“Good night.” Ngumiti ako sa kaniya saka na pumasok sa loob.

Sabik akong umuwi dahil gusto ko nang makita si kuya. Pagbukas ko ng pinto, hinanap agad siya ng aking mga mata ngunit nabura ang malawak kong ngiti dahil si manang lamang ang aking naabutan. Wala siya.

Bagsak ang balikat akong umakyat papuntang kwarto. Kung anong nakagawian ko, iyon ang aking ginawa. Nahiga ako sa kama at iniisip si kuya. Gusto ko na siyang makita kaso hindi ko alam kung anong oras pa siya uuwi. Simula kanina ay hinahanap ko ang presensya niya pero si Ryke ang kasama ko pero buong maghapon.

Napabuntong hininga na lamang ako at pumikit na bakasakaling mawala 'tong nararamdaman ko pero hindi. Napabuga ako ng hangin at lumabas ng aking kwarto para kumain ng hapunan. Gusto ko siyang makasabay kumain pero mukhang hindi ko nga siya makikita ngayon.

Bumalik akong kwarto at tumambay sa balkonahe. Nakatingin ako sa aming gate, baka may kotseng dumating pero ilang minuto na akong nakatambay, wala talaga siya.

Naramdaman ko nalang na may tumulong luha sa aking mga mata. Agad ko iyong pinunasan at tumingin sa taas para hindi bumagsak. Ano ba itong nararamdaman ko? Bakit ang sakit? Bakit parang naramdaman ko na ‘to dati? Bakit parang nauulit?

Saan na ba si kuya? Alam niyang siya lang ang kasama ko ngayon dito, hindi pa siya nagpaalam. Kuya, umuwi ka na, naghihintay ako kahapon pa.

Itutuloy...

Loving My Brother #1: Thrale's StupidityМесто, где живут истории. Откройте их для себя