Napatingin ako sa kanya. Gano'n ba kahalatang nag-iisip ako? Ano ba siya, mind-reader?

"Last day mo na bukas," wala sa sarili kong sinabi. Parang nakukulangan ako sa araw na nandito siya.

"Para namang mamamatay na ako niyan," he chuckled. Napaisip akong bigla, ang pangit pala nang pagkakasabi ko no'n.

"Kailan ka babalik?" God, why do I sound so clingy? Nag-iwas agad ako nang tingin nang sumersyoso ang mukha ni Mike.

"We'll see. Babalik ako palagi, Lana."

I was walking and looking around looking for Shelly and Veronica pero hindi ko sila makita hanggang sa makapasok na ako sa room namin. Kakaupo ko pa lang nang may humatak sa braso ko bigla.

"Your boyfriend is outside," si Veronica iyon at hindi ko alam kung bakit mukhang masama ang templa niya. At nagtataka ako sa sinabi niyang nasa labas pa si Mike. Hindi pa siya umalis?

"Yeah? Hindi pa siya umalis? Hinatid niya ako."

"Obviously, at kasama niya and bff mo, nag-uusap sila."

Napahinga ako nang malalim, akala ko kung ano na. Si Shelly lang naman pala. It's not a big deal for for them talk to each other. Magkababata sila at normal lang naman iyon.

"V, hayaan mo na. They're friends. Stop judging Shelly too quick, please," I said playfuly not taking it seriously.

She rolled her eyes before taking her seat beside me.

"I'm not being a bitch, Lana. Alam mong kapag iba ang pakiramdam ko sa isang tao, I show it to them. I don't pretend. Same goes with Shelly, I don't like her becauseshe's a pretentious bitch."

"V!" I exclaimed. Hindi natuwa sa sinabi ni Veronica. Alam kong ganito siya ka vocal pagdating sa mga taong ayaw niya sa paligid. Pero hindi ko ini-expect na gano'n niya e-describe si Shelly.

"I'm sorry but that's how I see her. I hope, I'm wrong, Lana. You're important to me. Para na kitang kapatid at ayokong may manakit sa 'yo. All hell break lose kapag nalaman kong nagpakita na siya ng tunay niyang kulay."

I was about to answer her when our prof came with Shelly behind. Umupo siya sa tabi ko at malaki ang ngiti niya. She looks happy. She doesn't even have any idea na siya ang pinag-usapan namin.

I trust her, I wanted to. Because if I don't, this friendship will be ruined. I understand Veronica pero wala namang gano'n akong nakikita kay Shelly. She has too much on her plate now that I don't think she has time to ruin someone else's relationship. At alam kong magkaibigan lang sila ni Mike.

Kung may gusto man sa kanya si Mike, e, 'di sana sila na dati pa hindi ba? But look at them now, still friends. Masyado lang talagang nag-aalala sa akin si V and I'm grateful to her, though, she's proving no point.

Alas-5 nang matapos ang klase namin at bigla na lang nawala si Veronica. I texted her at ang sabi niya may hinahabol siya. Umirap ako nang ma realize kung sino 'yon.

"How's work?" Tanong ko kay Shelly habang naglalakad kami palabas ng school.

"Okay naman. Nakakapagod at nakakatakot ang mga kasama ko roon, Lana," she chuckled, fakely. My brows furrowed.

"Why? Are they giving you a hard time ba? Tell me, sino sila? Para mapag-"

Umiling siya at ngumiti sa akin. She's smiling but her eyes looks sad. Malungkot siya at alam kung bakit. Hindi madali ang pinagdadaanan nila nang pamilya niya ngayon.

"Okay lang ako, Lana. Tama naman sila, e. Nakapasok ako sa hotel niyo dahil kaibigan kita. Pahirapan pala maka kuha ng trabaho roon sa hotel niyo ,e. Sa bagay, five star hotel 'yon at kilalang-kilala pa."

The Mistress Where stories live. Discover now