Chapter 29:

1.1K 66 11
                                    

Thrizelʼs POV

Nakahiga ako habang nakatitig sa kisame. Iniisip ko iyong pinag-usapan namin ni Phryx kanina sa coffee shop, hawig ko raw ang kasintaha  niya. Bigla na lamang akong napasigaw dahil sa pag-iisip.

"Wahhhh!" Agad namang sumakit ang lalamunan ko. Nasobrahan yata ako sa pagsigaw, potek. Ewan, naiirita ako, bakit ba ako nadadamay sa problema nila?

Naalala ko hindi ko pa pala nalinisan ang katawan ko pagdating ko rito sa bahay kaya tumayo na ako at pumuntang banyo kaso biglang kumalabog ang pinto ng aking kwarto kaya napatingin ako dala ng gulat. Pagtingin ko, si kuya at may pag-aalala sa kaniyang mukha.

Bigla itong nagsalita. "Anong nangyari sa 'yo? Bakit ka biglang sumigaw?" Tanong nito sa akin. Napakagat labi naman ako at nag-iisp nang isasagot sa kaniya.

"May nakita akong ipis at dumapo sa akin." Simpleng sagot ko rito. Tiningnan ko siya kung maniniwala ba siya o hindi pero mukang hindi ito kumbinsido sa aking sagot. "Ano?" Pangungumpirma ko dahil nakita ko na tinititigan niya ako kung totoo ba ang mga aking sinabi.

Napatili ako nang maramdaman kong may gumagapang sa aking paa at pagtingin ko ay... "Wahhhh, ipis!" Napatalon ako palapit sa kaniya. Walang takot niya itong inapakan habang nakasimangot. Potek na ipis na ‘to, tinototoo.

Nilingon niya ako. "Ipis na nga lang, titili ka pa ng gano'n." Saka na lumabas ng aking kwarto. Napabuntong hininga na lamang ako. Napailing dahil hindi naman ako takot sa ipis sadyang wala na akong maisip na i-palusot kay kuya.

Tiningnan ko ang ipis, durog na 'to, kawawang ipis. Tinapon ko ito sa basurahan at pumuntang banyo para matuloy ang kanina ko pang naudlot na paglilinis ng katawan. Nang matapos ako ay hihiga na dapat ngunit may nabasa akong mensahe mula kay mommy.

From: Mom

Anak, pupunta riyan sa bahay si Link.

Basa ko kaya napangiti naman ako dahil may makakasama na rin ako sa wakas. Bukod kay kuya na palaging kasama ang nililigawan niya. Tumugon  naman ako kay mommy.

To: Mom

Ah, sige po, mom. I'm going to sleep, goodnight, I love you.

Agad kong padala sa kaniya at pinatay ko na ang aking telepono. Nahiga na sa kama. Wala akong ganang kumain ngayon, bukas na lang ako bababa. Ipipikit ko na ang mga mata ko nang bigla na namang bumukas ang pinto ng aking kwarto. Hindi ako nagsalita, hindi ko na rin tinignan kung sino ito. Akala ko ay gigisingin ako ngunit inayos niya lamang ang kumot sa aking katawan at naggood night sa akin.

Si kuya iyon, naamoy ko ang amoy ng kaniyang katawan.

Maaga akong nagising at nag-ayos ng sarili. Bumaba na ako para mag-almusal, nando'n na rin si kuya. Siguro kasama niya rin si ate Anissa ngunit nagkamali ako, si kuya lamang ang aking naabutan. Pero mali na naman ako, may kasama siya dahil may nagsalita sa aking likuran, hinarap ko ito.

Walang iba kun'l’di si Link. Wahhhh! Sa aking isip nalang ako sumigaw dahil baka mainis na naman ang isa riyan.

"Good morning, Thrizel. Kain na." Pagbati nito sa akin na may ngiti sa labi.

"Good morning Link, kanina ka pa nandito?" Pag-uusisa ko dahil sobra ko talagang saya na nandidito siya. Tapos na yata ang klase nila.

"Kagabi pa ako nandito kaso tulog ka na raw sabi ng kuya mo kaya hindi na kita pinagising pa." Nilagyan niya ako ng pagkain sa plato. Napangiti naman ako sa ginawa nito.

Nagsimula na kaming kumain at parang dalawa lang kami ni Link ang tao sa mesa dahil sa sobrang tahimik ni kuya. Hindi man lang kami tinapunan ng tingin ni Link.

Loving My Brother #1: Thrale's StupidityWhere stories live. Discover now