"But mom." Naluha ako. Bakit sila aalis? Ako lang ang maiiwan dito? Ewan ko pero sobrang sakit galing sa puso. Hindi ko maipaliwanag kung bakit gano'n ang epekto. Para bang ayoko maiwan ulit. Para bang naramdaman ko na ito pero hindi ko alam kung saan nangyari.

Nagsalita si dad. "Huwag makulit, Thrizel, huh? Babalik naman kami agad. Kailangan lang naming asikasuhin. Hindi ka p’wedeng sumama dahil nag-aaral ka. Intindihin mo nalang, baby."

May nagsalita sa aming likod at si kuya iyon. "Stop crying para kang bata."

Hinarap ko siya at nagsumbong kila dad. "Dad, see? Inaaway lagi ako ni kuya. Paano nalang kung lagi siyang ganiyan sa akin?"

"Thrale." Si dad.

"Thrale." Si mom.

Dahil doon ay muli akong humarap sa kaniya at binelatan ito. Kapag sa ganito talaga, ako ang kinakampihan nila mom dahil alam naman nilang lagi akong inaapi ni kuya.

"Mamaya ka sa akin." Bulong nito.

"Nagbabanta pa, mom!" Agad kong sumbong.

"Thrale, ano ba ‘yan?" Suyaw ni mom dito habang inaayos ang kanilang mga damit.

"I didn’t do anything, mom." Dahilan ni kuya. Muli siyang tumingin sa akin at ngumisi. "Follow me."

"Ayoko nga."

"Isa."

"Ayaw."

"Dalawa."

"Ayawwwwww!" Wala akong nagawa nang hatakin niya na ako. Binitawan niya lang ako nang makarating kami sa hagdan. Aba, kapag pinagpatuloy niya ang paghahatak sa akin. Malalaglag kaming dalawa.

"Ano bang kailangan mo?" Tanong ko sa kaniya at himala, ah? Wala na akong ibang nararamdaman mula sa kaniya. Siguro nababaling ang atensyon ko sa iba kaya gano’n, sabi kasi ni Amira kaya ko iyon nararamdaman dahil gusto ko raw solohin ang atensyon ni kuya. Mas maganda iyon, may silbi rin pala ang pakikipag-usap ko kay Brooks at Blue.

"Kaibigan ko ang SSG President natin sa school." Panimula niya. "Sasama ka ba? Next day iyon, sure akong wala na sila mom at dad, wala kang kasama rito."

"Edi sure akong maraming a-attend, baka naman nandodoon din si Demzell, ah? Ayoko ng gulo."

"Of course, nandodoon." Seryoso siyang tumingin sa akin. "Nandodoon nga rin si Domonic, e."

Napaurong ako saka bumaling sa iba. "Bakit ganiyan ka makatingin?"

"Exchange student ka, baka namimiss mo at iyon pa ang piliin mong kasama kaysa sa akin."

Agad akong nagreklamo. "Wow, huh? So gusto mo na sa ‘yo ako sumama? Third wheel na naman ako sa inyo ni ate Anissa gano’n?"

Nangunot ang kaniyang noo. "Anong third wheel? Kapatid naman kita, may mali ba sa pagsama sa amin?"

Natigilan ako sa sinabi ni kuya. Sabagay, kapatid niya naman ako. Saan ang third wheel doon? May mali ba sa pagsama? Bakit hindi ko agad naisip iyon?

Agad akong nagsalita para magpalusot. "Siyempre iyong iba baka isipin kasi hindi naman lahat ay alam na magkapatid tayo."

"Ewan ko sa ‘yo basta sumama ka." Doon niya na ako iniwan.

UMALIS na sila mom at dad. Isang araw na ang nakalipas, nandidito ako ngayon sa aking kwarto, nakahiga. Kaming dalawa lang ni kuya ang nandidito sa bahay, hindi naman naboboring si kuya dahil laging nandito si ate Anissa. Umuuwi lang ito kapag gabi dahil kailangan niyang bantayan ang kaniyang nanay sa ospital.

Ako ang buryong-buryo dahil hindi ko maabutan si Amira sa kanilang bahay, lagi silang umaalis. Hindi ko pa masyado nakakausap ang babaeng iyon. Hindi niya pa nga sinasabi sa akin kung bakit matamlay siya noong nakaraang araw. Tsk.

Tahimik lang akong nakatingin sa aking kisame nang tumaginting ang aking telepono. Tiningnan ko kung sino ang nagmensahe ngunit walang pangalan.

From: Unknown number.

At coffee shop, let’s talk.

— Phryx Recas.

Paano niya naman nakuha ang aking number? Ilang minuto pa akong nag-isip kung makikipagkita ba ako sa kaniya o hindi? Dapat ko bang pagkatiwalaan ang lalaking iyon? Palagi niya kaya akong sinasaktan physically. Noong isang araw rin ay binara niya ako, wala raw siyang pakialam sa akin. Ano nga ba talaga? Ang daming pumapasok sa buhay ko. Ano bang intensyon nila?

Pero sa huli, mas pinili ko pa ring makipagkita. Wala naman si kuya sa bahay kaya hindi magtatanong iyon. Nagpaalam ako kay Manang Perry, sa ngayon kasi siya ang tumatayong magulang sa amin.

Mabilis lang akong nakarating sa sinasabi niyang coffee shop. Nakita ko agad siyang nakaupo kaya agad ko itong nilapitan. Nang makita niya ako, tiningnan lang ako nito. May pagkain na rin sa lamesa, siya ang umorder. Pinapakain ako nito pero kape lang ang sinimsim ko.

"Tungkol saan ang pag-uusapan natin?" Tanong ko agad. Gusto ko agad itong matapos baka kasi biglang dumating si kuya. Magtataka iyon kung saan ako pumunta.

"About Redelyn Gauniria." Natigilan ako sa kaniyang sinabi. Nagpatuloy ito. "Nakuha mo ang identification niya, right? Napulot mo."

"Yes, nasa akin, why?"

"Sa girlfriend ko iyan."

Sumimsim ulit ako ng kape at tiningnan siya ng seryoso. "So girlfriend mo si Redelyn?"

"Yes." Kahit walang kaayos ayos ang lalaking ‘to, nangingibabaw talaga ang kagwapuhan niya. "So I pushed you against the wall because I heard her name that you said." Naalala ko iyong binaggit ko ang Redelyn ay bigla-bigla nalang may lalaking nagtulak sa akin at siya iyon. Iyon pala ang dahilan.

Huminga siya nang malalim at pilit na tumitingin sa aking mukha. Napakunot ang aking noo dahil para bang problemado siya. Hindi niya alam ang gagawin.

"What’s wrong?" Tanong ko na rito. Hindi siya makatingin sa akin, baka nahihiya or something. Pero ano namang ikakahiya nito? E, tuwing pagkikita namin, pangit na ugali agad ang nilalaan nito sa akin.

"Use facemask or what kapag nagkikita tayo."

Napanganga ako sa kaniyang sinabi. Naguguluhan ako. Why? Anong dahilan?

"Bakit?"

"Tss." Singhal niya. "You look like my girlfriend, magkamukhang-magkamukha."

Itutuloy...

Loving My Brother #1: Thrale's StupidityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon