“You can have break, class." Nagsigtayuan na sila maging si Kier, nauna silang lumabas.

Tinignan ko si Amira, tumayo ito kaya tumayo na rin ako. Lumabas na kami ng silid, nang nasa pasilyo na, kita ko ang tingin nila sa amin na para bang kami ang naiiba sa kanila. Ganiyan naman talaga kadalasan, kung sino ang bago, iyon ang pagkakatitigan. Dapat na kaming masanay.

Nakarating kami sa cafeteria ng paaralan. Naghanap kami ng p’westo at doon kumain. Habang kumakain ay inilibot ko ang aking paningin sa cafe. Maganda naman at mawalak. Kaming dalawa lang ni Amira dito, parang wala sa aming dalawa ang gustong magbigay ng pag-uusapan. Hinanap ng aking mga mata kung nasaan si Kier. Nandoon siya sa kabilang mesa at mukang may kakilala na ito.

Napansin ni Kier ang pagtingin ko sa kaniya kaya binigyan niya ako ng ngiti pero tango lamang ang sinagot ko. Muli akong humarap sa aking kaibigan na abala sa pagkain. Mukhang gutom talaga siya. Ilang minuto nalang ay magtatapos na ang break time pero nakaupo pa rin kami rito ni Amira.

Hindi katagalan ay nagyaya si Amira na tumayo dahil naiihi raw siya.

“Thrizel, bago tayo bumalik ng  room, dumaan na muna tayo sa banyo.” Mabilis naming narating ang banyo. Inayos ko na rin ang aking buhok at gumamit ng cubicle.

Hinintay kong lumabas si Amira mula sa cubicle. Lumabas naman na ito ngunit kanina pa kami palakad-lakad hindi namin mapuntahan ang aming silid aralan. Talagang maliligaw kami dahil pare-parehas lang ang mga kulay ng bawat buildings. Kung ano ang ayos ng mga silis dito, gano’n din ang amin. Si Kier at Mr. Valle ang kilala ko kaya sila ang hinahanap ko sa bawat silid pero wala akong nakitang sila. Nagkatingin kami ni Amira sabay nagsabi ng...

“Naliligaw tayo.”

Napatingin kaming dalawa kung may tao pa ba. Mayroon, iyong lalaking kulay asul ang buhok. Hinahanap ko pa siya kanina, ‘ngina pero hindi ako hihingi ng tulong sa kaniya kaya hinayaan ko lang 'to. Nagulat ako nang tawagin siya ni Amira. Kakasabi ko lang pero wala naman sinabi si Amira na hindi siya hihingi ng tulong, hays.

“Hoy, kuyang asul ang buhok.”

Napatingin siya sa gawi namin. “Anong kailangan niyo?” Nagulat ako nang bigla akong sikuhin ni Amira kaya napatingin ako sa kaniya. Sinesenyas niya na ako na magsabi na naliligaw kami at kailangan namin ng tulong ng lalaking ito.

Hindi ko sana ito susundin pero ayokong mapagalitan kaya labag sa loob ko siyang nginitian at nagtanong.  “Ah, kasi pabalik na sana kami sa room kaso naligaw yata kami. Pwede bang kaming sumabay sa ‘yo pabalik ng room?” Pagtatanong ko. Ngumiti sa kaniya. Kita ko naman ang pagngiti niya, hindi ko alam pero parang may mali.

“Sige, iyon lang pala e.”

Nagsimula na kaming maglakad at sinenyasan niya kaming sumunod sa kaniya. Sumunod kami, papalayo nang papalayo sa mga tao kaya nagtaka ako. Pakiramdam ko ay mas lalo lang kaming naliligaw nito. Magtatanong na dapat ako sa kaniya kung tama ba ang dinadaanan namin nang bigla siyang nawala.

“Hoy, naliligaw na tayo!” Tiningnan kung nasaan siya pero walang sumagot. Doon ko napagtanto na iniwan niya na kami ni Amira. “Nasaan na 'yon?” Maging siya ay hindi niya alam kung nasaan' to.

“Nandiyan lang siya kanina pero biglang nawala.” Sagot nito sa akin. Napahilamos ako ng mukha dahil mas lalo lang kami niligaw ng lalaking 'yon. Walang dulot. Kairita. Bakit ba kasi ako nagtiwala sa lalaking iyon?

Biglang nagsalita si Amira. “Paano na tayo nito?” Tanong niya sa akin na kahit maging ako ay walang sagot. Tinignan ko siya at sasagot na sana pero biglang may nagsalitang boses ng matandang lalaki kaya napatingin kami. Mukhang guard ito ng paaralan.

“Mga ineng, kayo ba ang mga exchange student?” Mabilis kaming tumango ni Amira.

“Mukhang naligaw kayo, hali kayoʼt sasamahan ko kayo pabalik ng inyong silid.” Sabi ni manong guard. Sumunod na lamang kami ni Amira. Hindi na namin binilisan ang lakad dahil alam naming huli na kami sa aming klase. Lagot talaga sa akin ang lalaking iyon.

Sa wakas nakarating na kami. Nakasarado ito bago kami kumatok. Nagpasalamat muna kami kay manong guard.

“Salamat po.” Sabay naming sabi ni Amira at binigyan siya ng ngiti.

Bago kami umalis ay nagsalita si manong guard. Binigyan niya kami ng paalala tungkol sa mga studyante rito. “Sa susunod, hʼwag kayong maniniwala sa mga nag-aaral dito dahil hindi gano’n kagandahan ang mga ugali nila. Mag-ingat kayo, huh? Mukha lang silang matitino, huwag kayo magtiwala nang magtiwala.” Tumango kami ni Amira. Tumango rin naman siya at umalis na.

Kumatok ako sa pinto. Nagbukas naman ito, ang mismong guro namin ang nagbukas at hindi niya tinanong kung bakit huli kami.

Ang ginawa niya lamang ay ang pagalitan kami ni Amira. “You two, kumusta naman ang pag-iikot niyo sa buong school? The next time you are late for my class, I will give you punishment, I don't care if you are an exchange student. You are still a student." Nagsorry na lamang kami ni Amira at umupo. Hinanap ng mata ko si Mr. Valle ngunit wala siya rito.

Paupo na ako nang magsalita na naman si Amira. "Oh, Thrizel, nagtext ka sa akin?"

Nagtaka ako sa kaniyang sinabi. Kinapkap ko ang aking selpon, wala na ito sa akin. "Anong tinext?" Pinakita niya sa akin at binasa ko naman.

From: Thrizel.

Nagpalinlang ka agad sa akin, Thrizel. Tsk, tsk. Masyado kang nagtitiwala sa mga hindi mo kilala. By the way, ang tanga mo. :>

Asul man o hindi ang buhok mo. Mas mautak pa rin ako sa ‘yo. Alam kong nag-uumpisa ka palang, sasabayan kita.

Itutuloy...

Loving My Brother #1: Thrale's StupidityWhere stories live. Discover now